CODE #08: Captured

28 11 2
                                    

Elizabeth's P.O.V.

Hindi ko man alam ang ibig sabihin ng salitang iyon, ramdam ko naman ang emosyon niya habang sinasabi ito.

"What does it mean?" I asked him.

"Nothing. Just sleep."

Nanahimik na lamang ako. Aishiteimasu. Malalaman ko rin ang ibig sabihin nun. Sana lang ay dala ko ang translation na ibinigay sa akin ni General Sander.

Muli siyang nagsalita ng maramdaman niyang hindi na ako sasagot pa.

"Thank you for saving my life soldier." Bulong niya.

Hindi ko na narinig ang mga susunod pa niyang sinabi dahil nakatulog na ako. Pagod na pagod ang katawan ko at sumasakit na rin ang sugat ko kaya naman minabuti ko nang magpahinga.

**********

Naalimpungatan ako ng maramdamang namamanhid ang hita ko. Tinignan ko kung ano ang dahilan nun. Si Haru lang pala. Inuunanan niya ang hita ko. Napangiti na lang ako ng makita ang mukha niya. Tulog na tulog talaga siya. Siguro dahil na rin sa pagod kahapon.

"Patayin mo na siya Elizabeth."

Nailing iling na lang ako ng marinig kong muli ang bulong ng konsensya ko. Ilang beses na din iyong sumagi sa isip ko nitong gabi. Pwede ko na siyang patayin habang natutulog siya o kaya naman magpakilala ako sa mga sundalong Amerikano bilang espiya na ipinadala nila. Pwede ko siyang isumbong kung gusto ko, ilang metro lang ang layo namin sa mga sundalong Amerikano. Kung tutuusin, isang tawag ko lang kay Emmet, pwede na niyang patayin si Haru. Pero ayoko. Ayokong gawin iyon. Maaaring nagtataksil na ako sa bayan ngayon, pero hindi ko talaga siya kayang patayin.

Dahan dahang nagmulat ang mga mata niya tsaka ngumiti ng makita niya akong nakatitig sa kanya.

"Ohayoo." [Good morning.] Bati niya.

Ngumiti na lang din ako. Bumangon na siya tsaka inayos ang gulo gulo niyang buhok.

"I'm sorry I slept."

"It's okay. Nobody see us."

"That's good. I'll call the chopper as soon as they leave."

Tumango ako tsaka tumayo. Napansin ko na nasa akin parin ang uniporme niya.

"Oh. Thank you for this," pagpapasalamat ko habang inaabot sa kanya ang uniporme niya.

"Do itashimashite," [You're welcome.]

Natawa na lamang ako. Nakakalimutan niya atang hindi ako nakakaintindi ng lengguwahe nila.

"Oh. I'm sorry. I said, you're welcome." Saad niya tsaka napatawa na rin.

Nang makaalis na ang mga Amerikano, tinawagan niya agad ang helicopter na susundo sa amin. Lumabas na kami sa tabing dagat para mas madali kaming makikita ng magrerescue sa amin.

Napatingin ako sa paligid. Napakaganda pala dito. Ngayon lamang ako nakapunta sa islang ito, sa ganito pang sitwasyon.

"This island is beautiful," I stated out of nowhere.

"Like you," he whispered, yet I still hear it.

Code Of Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon