Elizabeth's P.O.V.
Ilang oras na lamang ang hihintayin ko bago matapos ang misyon ko, at ilang oras na lamang din ang natitira bago kami maghiwalay ni Haru. Simula kahapon, hindi na ako umalis sa tabi niya. Hanggang sa natulog kami.
Pinagmamasdan ko siya habang natutulog sa tabi ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakatitig sa kanya. Kahit ilang beses ko siyang tignan, hinding hindi ako magsasawa sa mukha niya. Hinding hindi pa rin mag iiba ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko siya.
Alam kong mali kaming dalawa dahil mas pinairal namin ang mga damdamin kaysa sa mga tungkulin namin, pero para sa akin, kahit kailan ay hindi naging mali ang umibig.
"Ohayoo." Bati ko sa kanya ng magmulat ang kanyang mga mata.
"Why did you wake up so early?" He asked.
"I can't sleep, and I can't stop looking at your face,"
Napangisi naman siya sa sinabi ko. Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi tsaka bumangon at nag ayos. Magkasama naming pinalipas ang oras. Hindi alintana sa amin kung pag usapan man kami ng mga kasamahan namin. Huli na ito. Maya maya lamang ay magkakahiwalay na kami.
Mabilis na tumakbo ang oras. Hindi ko namalayan na magtatanghali na. Napaiyak ako habang kayakap ko si Haru. Hindi imposibleng ito na ang huli naming pagkikita. Maaaring patayin nila siya kapag nalaman nilang tinulungan niya ako at ang Papa ko na makatakas.
"Why are you crying?" Naalarmang tanong niya.
"I'm worried about you."
"Don't be. Watashi tachi aishiau." [We love each other.]
Tumingin ako sa kanya. Natawa pa siya ng bahagya.
"I always forget that you couldn't understand my language. I said, don't be worried. We love each other."
"Yes. We love each other but we can't be together."
Natigil ang pag uusap namin ng makarinig ng sigawan sa labas. Parehas pa kaming napalingon sa iisang direksyon.
"Sgt.Tomuraki! You betrayed our country!"
Kinabahan ako ng marinig iyon. Sumilip siya sa labas para tignan kung kanino nanggaling ang sigaw. Nahalata kong pati siya ay kinabahan sa kung sino man ang nakita niya.
"Who is it?" I asked.
"It was our General. General Gurusaki. I think you're right. Someone is watching us yesterday." Nababalisang sabi niya.
"Tell me, what can I do now?"
"You should hide! Now!" Bakas sa mukha niya ang pagkaalarma.
"What about you?"
"Just hide!" Bulyaw niya.
Napasunod na lang ako dahil sa lakas ng boses niya. Again, I hide under the small table. Nakita kong pumasok ang sinasabi niyang General Gurusaki.
"I can explain Sir,"
Hindi ito sumagot. Sa halip, malakas na suntok ang ibinigay niya kay Haru. Nagdurugo na ang bibig niya ngayon. Damn it. This is all my fault.
Tinakpan ko gamit ng aking kamay ang bibig ko upang hindi nila marinig ang hagulgol ko. Umiiyak na ako ngayon habang pinapanuod silang binubugbog si Sgt.Tomuraki. Gusto ko man siyang tulungan, alam kong wala na ring saysay iyon. Sa oras na makita nila ako, papatayin nila kaming pareho. Sa sitwasyong ito, wala kaming panalo.
"Find that spy and kill her!" Utos ni General Gurusaki sa mga tauhan niya.
Tumango ang mga ito at nagsilabasan sa tent. Dalawa sa kanila ang naiwan at paulit ulit na sinuntok si Haru. Hinila siya ng mga ito palabas at hindi ko alam kung saan siya dadalhin.
BINABASA MO ANG
Code Of Love [COMPLETED]
Acción[A STAND-ALONE NOVEL] Year 1939 when the World War II started. Halos lahat ng bansa ay nabulabog. Maraming tao ang namatay. Private First Class Elizabeth Macaraig Fuentes is one of the bravest woman that time. Yes, she is a soldier who fight...