A/N: this chapter is dedicated to all my commenterist...
ay-ayaten kayo amin...
Vote and be a fan.. okay lang kahit was comment hahaha..
Nakatulog ang dalaga habang nakaibabaw sa propesor dahil sa pagod.
Marahan naman syang inayos ni Janus ng higa saka pinagulong para itabi sa kanya.
Nang mawala na ito sa kanyang ibabaw ay mabilis siyang nagbangon saka kinuha ang kanyang cellphone na inilapag niya kanina sa table ng kama.
Mabilis niyang kinontak ang kaibigan nitong si Anthony na isang doctor.
"Hello professor Janus? napatawag ka?." sagot ng binata sa kabilang linya.
At doon naman ay sinabi na ng propesor ang kanyang mga gustong sabihin.
Pinatay niya na ang telepono pagkatapos. Hinarap nito ang dalaga at umungklo para halikan sa noo.
Lumabas na sya ng kwarto para doon na lamang hintayin pa ang kaibigan.
Naalala niya namang di pa pala siya nakakakain mula kanina dahil sa ginawa ng dalaga.
Lumakad na sya paroon para panandaliang kumain habang inaantay ang pinapunta nitong si Anthony.
Pasubo na sya ng mag ring ang kanyang cellphone, he saw his phone screen at nakitang si Anthony pala iyon kaya agad niya iyong sinagot.
"Nakalimutan ko palang itanong kung anong room ang condo mo? para tuloy tuloy na lang ako pagkadating.." ani Anthony, sinabi naman ni Janus ang floor at ang room number kung nasaan siya ngayon.
Matapos ay pinagpatuloy na nito ang kanyang naudlot na pagkain.
Hanggang sa matapos itong kumain at iniligpit na ang mga iyon saka bumalik na muli sa sala para manood sa TV..
Inilipat niya iyon sa basketball ng makitang cartoon pa rin iyon.
At ilang saglit pa ay nagambala na naman ito dahil sa pagtunog ng door bell kaya mabilis itong napatayo para pagbuksan kung sino iyon.
"Good evening Doc--- Mary Joy!!?" gulat na sigaw nito dahil sa inakalang si Anthony na iyon.
"Babe halika na.. diba sabi mo sabay tayong mag didinner.?." wika ng dalaga sa propesor saka mabilis na hinila saka niyakap kasabay ang pagsulpot ni Anthony sa kanilang tagiliran.
"Eheemm.." he clear his throat kaya napabitaw naman si Mary Joy sa propesor.
"Uhmm.. Joy.. una ka na doon at susunod na lang ako, kanina ko pa kasi siya hinihintay.." palusot nito para malubayan na sya at magawa niya na ang kanyang plano.
Tumango naman ang dalaga saka binigyan ng masamang tingin si Anthony na nananahimik habang may bitbit na atachi case.
Nang masiguradong wala na si Mary Joy ay hinila na nito si Anthony papasok.
"Hanep ka pare huh.. may Jenalin ka na nga, may Mary Joy pa.. haha.." ani Anthony na nakatikim naman ng kutos mula kay Janus.
"Gag*! halika na.." wika nito saka hinila muli ang doctor papasok sa loob ng kwarto ni Jena na mahimbing na natutulog.
"Wow talaga.. dilisyoso..!" biro ni Anthony kaya naman nakatikim muli siya ng kutos na may kasamang malakas na batok, napaaray na lang si Anthony saka sandaling napatawa bago umpisahan ang kanyang gagawin.
BINABASA MO ANG
Professor's Mistake (Mark as: Revising)
RomanceProfessor's Mistake (Completed) An accidentally fall to his handsome teacher that cause her heart beats fast. But what if! one day she will realize that man who took her into sweetness ay siya rin ang magpapatikim ng impyerno sa kanyang buhay at wal...