A/N: this chapter is dedicated to all ABM Smith... miss you guyss
Happy reads
Kinaumagahan ay pinilit niya ang dalaga na sa kanya na lang sumabay pupuntang school, pero tumanggi ito dahil nakasanayan niya ng sila Gab ang kasabay tuwing papasok itong eskwelahan.
"Oh.. nandyan na pala si Jena eh.." ani Juny, kaya nagsipasukan na silang tatlo at doon na lang hinintay ang kaibigan.
"Nagdala ka ng damit mo Jena?" tanong ni Gab ng tuluyan na itong makapasok saka pinaandar na nito ang sasakyan.
Umoo lang si Jena saka ibinaling ang kanyang tingin kay Juny at Bryan na nagbabasa ng pocketbook na dala nila.
Kapakuwa'y biglang tatawa si Juny kaya binibigyan na lang siya ni Jena ng napapantastikuhang mga tingin lalo na si Bryan na di paawat sa pagtawa at kilig dahil sa binabasa.
"Ideretso ko na lang yata itong sasakyan sa mental at baka hinahanap na itong dalawang to.." pagsingit ni Gab habang nakatutok lang ang tingin sa daan. Napatawa naman ng mahina si Jena saka muling nagbaling ng tingin sa dalawa na mabilis itinago ang binabasa nila saka nagtawanan.
"Sh*t!" at kasabay nito ang pagpreno ni Gab dahil sa gulat ng tumawa ang dalawa.
At ang dalawa ay mabilis na tinakpan ang kanilang labi habang pinipigilang umalpas ang pagtawa.
Tiningnan lang sila ni Gab ng masama saka nagpatuloy na sa pag mamaneho.
A few minutes later ng makarating na sila sa university na pinapasukan nila, mula sa gate at natanaw na nila ang kapatid ni Gab na naka cross arms pa at tila hininhintay sila, they also caught the four mops and buckets na nakasandal sa puno.
"Talagang inabangan pa tayo huh?" mahinang sambit ni Bryan, mahina naman siyang pinalo ni Juny at baka marinig pa sila nito.
"Here is your gloves at mga panglinis.." ani Mark na tila inintroduce pa ang mga panglinis na nakasandal sa puno.
"You may start.. NOW!!" giit pa nito saka tumalikod.
Inambaan naman siya ni Gab ng suntok habang si Jena naman ay pumunta sa harap nila at ginaya ang sinabi ng kapatid ni Gab na nakalayo na.
Nagtawanan naman silang apat mula doon saka kinuha na ang kanilang pang linis.
Excuse sila sa buong araw na klase nila ngayon kaya kapag natapos nila iyon ng maaga ay pwede na silang magliwaliw at gumala.
Pagpasok nila sa unang CR ng mga girls ay..
"What the heck!! kumikintab sa linis! Grabe!" ani Bryan ng makita ang mga putil at nangingitim na sahig dahil na rin sa natunaw na ibang putik.
"Parang mas gusto ko pa yatang magbilad na lang sa araw buong maghapon.. nakakainis kasi yung mga ipis na yun!!" reklamo naman ni Juny na nakatitig pa rin sa sahig ng CR.
"Talagang kinareer ang paglalagay ng putik! bwisit.." reklamo naman ni Jena saka itinapon sa loob ang hawak nitong timba.
Pumasok naman na si Gab at inilapag ang hawak.
"Guys, are you ready?." sabay lingon kila Jena saka napangiti.
"YES! I'M READY!" sigaw nilang tatlo saka pumasok na sa loob ng CR.
Isinarado nila ang pinto at nilagyan ng karatula na..
Danger!
And they start to clean the dirty floor.
Inilabas ni Gab ang cellphone niya saka nagpatugtog ng rock song na sinabayan pa nila habang nag lilinis.
"Heto na! Heto na! Heto na! raaaaawwwrr!!" sigaw ni Bryan at Juny habang sinasabayan ang kanta at maganang naglilinis.
"Doobidoo bidoo, bidoo, doobidoo bidoo, naaahh.." sabay naman na bigkas ni Jena at Gab.
Nang matapos na nila ang buong CR ng girls within four hour ay pumunta naman sila sa CR ng mga boys.
Nanluwa ang mga mata ni Jena at halos masuka na si Juny sa kanilang nakita ng buksan nila ang unang CR.
"Tang*na! kanina lugar ng putik ngayon naman.." ani Gab habang itinuturo ang mga brief at condoms na nagkalat sa sahig at ang ding ding na maputik.
"Bryan ikaw na lang maglinis, tutal lalaki ka naman.." saad ni Juny saka itinulak si Bryan papasok ng boys CR na agad rin lang lumabas.
"I'm not a boy anymore.. For your and for information" giit nito saka si Juny naman ang itinulak papasok sa loob.
"Bryan takbo ka sanadali kay kuya at kumuha ka ng face mask at baka mas grabe pa ang susinod na CR.." utos sa kanya ni Gab, kaya mabilis naman na itong kumaripas ng takbo para kunin ang inutos ni Gab sa kanya.
"Kadiri naman dito! parang bahay ng mga dugyuting baboy!" mapanglait na sambit ni Juny habang ishino-shoot sa trash bag ang mga napupulot na brief gamit ang tinanggal na hawakan ng mop.
Dumating naman si Bryan na hingal na hingal at inabot sa kanila ang mask na nahingi niya kay Mark kanina.
Nagsi sout naman na sila ng mask at ipinagpatuloy ang paglilinis, habang si Jena naman ay halos maduwal duwal na sa mga naipong briefs at condoms sa trash bag niya.
"Pwedeng kayo na lang ang magpulot? di ko na kasi kaya! nasusuka na ako.." ani Jena na nakusot na ang mukha, tumango na lang sila at sinang ayunan ang kaibigan, kaya nag alis na lang siya ng mga putik na nakadikit sa dingding.
"Yaaaacckk!! aahhh!!" sigaw ni Juny ng buksan ang huling pinto ng toilet.
Nagsilapitan naman ang mga ito para tingnan kung ano ng nakita ng kaibigan nilang si Juny.
Nanlaki ang mga mata nila at patakbong lumayo sa may pinto ng makita ang dalawang palaka na nasa takip ng toilet bowl.
Lalo silang nagsigawan ng tumalon ang isa papunta sa kanila, kaya kinuha ni Jena ang kanyang mop at hinampas ang palaka palabas ng CR.
Naiwan doon si Juny dahil busy ang tatlo sa pagpapalabas ng isang palaka.
"Oops! w-wag ka-kang lalapit.!" nanginginig na bulong ni Juny habang nakasandal ito sa ding ding habang nasa harapan niya na ang isang palaka.
"Waaaahhh!!! Hellpp!! aahh!!" sigaw nito ng tumalon palapit sa kanya iyon.
Patakbo naman iyong hinambas ni Gab ng buhok ng mop saka hinila palabas ng CR.
Namutla naman si Juny dahil doon.
Nagsilapitan naman na sila ulit ng mawala na ang palaka sa loob ng CR.
Pinagpatuloy na muli nila ang kanilang paglilinis na nanginginig sa takot.
"Sana naman wala ng ganun sa susunod pa.." hiling ni Jena saka ipinagpatuloy na ang pag alis ng putik sa ding ding.
"Langya ka kuya Mark!!" Sigaw naman ni Gab sa loob at inopen ang tubig sa gripo.
Pinagpatuloy na nga nila ang paglilinis ng mabilis para agad na silang matapos at makaalis na sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Professor's Mistake (Mark as: Revising)
RomanceProfessor's Mistake (Completed) An accidentally fall to his handsome teacher that cause her heart beats fast. But what if! one day she will realize that man who took her into sweetness ay siya rin ang magpapatikim ng impyerno sa kanyang buhay at wal...