Napadpad sila Jena sa kabilang isla dahil doon nila gustong sulitin ang huling gabi nila, kaya nagdala sila ng isang malaking tent na ngayon ay inaayos na ni Bryan.
"Mamaya daw pala may night party dyan sa may malapit sa mga palm trees.." saad ni Bryan habang kinakabit ang tali ng tent na itinayo niya.
"Kanino ka na naman naki chismis?." tanong naman ni Juny na inaayos rin ang mga kahoy na gagamitin nila para sa bonfire mamaya.
"Narinig ko, lang sa tabi tabi.." he confidently said and he heard Juny laughing out loud.
He hissed saka iniwan na ito doon ng matapos niya ng ikabit ang ginagawa niya.
Sakto naman ang pagdating nina Jena at Gab habang may dalang pagkain.
"Anyare dun!?" wika ni Gab saka tumingin kay Juny na halos maglupasay na sa kakatawa.
"Eheemm.." pang aagaw atensyon naman ni Jena kaya napahinto na si Juny sa pagtawa saka nilingunan ang dalawa na halatang nagpipigil pa rin.
"Kayo.. haha.. pala..?" ani Juny na sumige na naman sa pagtawa.
"Tss.. naabno ka na yata Juny? muntanga ka dyan! saka anong nangyari kay bakla?." giit pa ni Gab saka ipinasok na sa loob ng tent ang mga pinamiling pagkain.
"Si Bryan kasi, haha.. gumana na naman ang tenga niya kanina daw.." paliwanag nito saka muling tumawa at tumayo na para pagpagan ang nadumihang short.
"Parang yun lang! tss.. palibhasa ang babaw ng kaligayahan neto.. nabaliw ka na yata talaga.." sabad naman ni Jena na kumakain ng chicken barbecue na nabili nila Gab habang naglilibot libot kanina.
"Sabi niya may night party daw mamaya dyan sa malapit sa maraming palm tree narinig niya lang daw sa tabi tabi.." and she now directly said habang kumukuha sa kinakain ni Jena ng isang stick.
"Parang yun lang natawa ka na.." muling sambit ni Jena saka nilamon ang isang chicken skin barbecue.
"Halina kayo at hanapin na natin yun at baka nasa ilalim na naman ng dagat.." mapang asar na pag aaya ni Gab ng mailagay niya na at maisara niya na iyon.
Tumango naman ang dalawa habang ngumunguya ng kinakain nila.
Nauna sa kanila si Gab dahil busy ang dalawa sa paglamon.
"Bilisan niyo naman at hindi puro lamon ang ginagawa niyo dyan.! mabulunan sana kayo.." ani Gab habang patuloy na naglalakad at inililinga ang mga mata at nagbabaka sakaling makita si Bryan sa gilid.
"Hoy Gab! ayun sya oh.." sigaw ni Juny ng mahagip niya ito kaya agad namang napahinto si Gab sa paglalakad at sinundan ang direksyon na itinuturo ni Juny.
BINABASA MO ANG
Professor's Mistake (Mark as: Revising)
RomansaProfessor's Mistake (Completed) An accidentally fall to his handsome teacher that cause her heart beats fast. But what if! one day she will realize that man who took her into sweetness ay siya rin ang magpapatikim ng impyerno sa kanyang buhay at wal...