III

521 11 3
                                    

{3rd Person Pov}

    Mabilis na umusog si Devourah papalayo sa babaeng katabi nang makita kung sino ang taong naglalakad papalapit sa kanila.

“Excuse me Ms. Wagner, I'll just borrow Ms. Cullen for awhile, I have things to discuss with her about their upcoming game”  pormal na wika ni Letisha sa babaeng kasama ng kasintahan niya. Sa isip isip nito ay naiinis na siya dahil mukhang lumalapit ito kay Devourah.
Wala naman talaga siyang sasabihin dito about sa laro, ginamit niya lang yung dahilan para makuha ang kasintahan mula sa babae. Ayaw niya na may lumalapit kay Devourah, at alam ni Devourah yun pero wala man lang imik ang kasintahan niya na ikinais niya. Dapat ay umiiwas ito sa mga bagay na ikagagalit niya.

“Yeah sure, mamaya na lang ako magpapasama sa kanya” hindi na sinagot ni Letisha ang babae sa halip ay nginitian niya lang ito at tumalikod na paalis, sinenyasan niya lang din ang kasintahang si Devourah para sumunod sa kanya.
 

 
{Letisha Pov}

Walang kibo kaming naglalakad patungo sa SSG office, dito ko siya dinala dahil ito lang yung lugar na alam kong walang makakarinig o makakakita sa kung ano man ang pag uusapan namin. Wala kasing tao ngayon dito dahil nasa kanya-kanyang   room na ang iba.

Pagpasok ay kaagad kong nilock ang pinto, mahirap na baka may biglang dadating.

“Really Dev? Sinasamahan mo talaga yun?” I'm a jelous person and she's very much aware with it pero talagang sinasamahan niya pa yun. Madami namang ibang pwedeng sumama sa babaeng yun.

“What's wrong with it? We're not doing anything wrong, sinamahan ko lang naman yung tao. May mali ba dun?”

“Ofcourse there is. Hindi ka naman ganyan dati ah? You're a snob girl tapos inientertain mo ang babaeng yun?” hindi ko talaga maiwasang magselos, kung tutuosin napaka babaw lang nitong pinag aawayan namin, hindi pa nga namin naayos yung issue kagabi tapos meron na naman ngayon. I can't help it. Natatakot ako na baka may makaagaw ng atensyon niya, kasi I can't give her much attention dahil nga we are not legal. This relationshiop is hidden, hindi ko siya mababakuran mula sa mga taong may gusto sa kanya dahil wala naman silang alam sa kung anong meron kami. I can't take a risk now lalo pa at graduating na ako.

“I wanted to trigger your jelousy para mapilitan kang aminin sa iba kung anong meron tayo” deretso ang tingin nito sakin habang nagsasalita and I really can't believe my ears.

“You know I don't-” naputol ang dapat sanay sasabihin ko dahil agaran din siyang nagsalita to cut me off.

“Look love, I don't want us to fight, if you don't want to see me with that girl or any other girls then fine, I wont okay. So let's not make this a big deal” Malambing siyang yumakap sakin so I hug her back.

“I'm sorry about my attitude love, I'm just afraid what if you find her more beautiful and interesting than me?”

“You're being paranoid, don't think too much about it.”
  

                We remain in that position for a minute bago siya nagpaalam na lumabas na dahil may next subject pa siya, pinaalalahanan ko pa nga siya na pumunta sa condo ko ng maaga, because i'm certain that this will be our last chance to talk with each other in school. Naging busy na rin ako at alam kung ganun din siya, may kanya kanya kaming ginagawa habang ako ginagampanan ang tungkulin ko, siya naman ay nageensayo dahil papalapit na rin ang laro nila. Pero kahit na gaano ka rami ang ginagawa ko ay hindi parin maalis sa isip ko ang mga imposibleng mangyari. Paranoid na nga siguro ako, madaming what ifs ang pumapasok sa isip ko pero hindi ko muna binigyang pansin sa ngayon.
As of now kampante na ako sa mga pinapakita at pinaparamdam ni Dev sakin, alam ko namang hindi siya magloloko, hindi niya ako lolokohin. I trust her, sa ngayon ayan ang pinanghahawakan ko aside sa katotohanang mahal niya ako at mahal ko rin siya.

Seeking AttentionWhere stories live. Discover now