XI

290 12 5
                                    

[Grammatical Errors and Typographical Errors ahead]




[LETISHA POV]

One week had passed and today is the day that Dev will be going home, I miss her so much na kahit nagkakausap naman kami through phone calls ay hindi parin iyon sapat at tsaka our time while we're talking over the phone was very limited. Palagi siyang may ginagawa kaya naman ay saglit lang kung magusap kami. Dati rati ay kontento na kami kahit hindi nakakapag usap sa loob ng school dahil nagkikita naman kami kinagabihan, pero iba ngayon dahil one week kaming hindi man lang nasilayan ang isat isa sa personal iba parin kasi kapag nahahawakan mo siya, nasa tabi mo siya at nararamdaman mo ang presensya ng taong gusto mong makasama.

"You look very happy today, what's the change?" napalingon ako sa taong katabi ko ngayon, it's keanu. Sa loob ng one week ay mas naging close din kami. Siya ang madalas kung kasama kapag hindi ako busy kaya ay hindi ko rin gaanong nararamdaman ang lungkot kapag namimiss ko si Dev, Keanu is always at my side kaya ay na lilipat din ang attention ko sa kanya imbes na sa lungkot na nararamdaman ko.

"Nothing, bakit masama bang maging masaya ha?" Kunwari ay galit kong tanong sa kanya pero tinawanan lang niya ako at ginulo ang buhok ko.

"What? I'm just asking." natatawa parin nitong saad kaya inis kong tinanggal ang kamay niya sa ulo kong patuloy na ginugulo ang buhok ko.

"Nakakainis! Nakakainis ginulo mo na naman yung buhok ko!" ito ang palagi kong kinaiinisan sa kanya palagi niyang ginugulo ang buhok ko ang hirap pa namang mag-ayos ng buhok. Agad rin naman itong tumigil nang makita niyang nagsisimula na akong mainis sa kanya.

"Now you are being grumpy, what a drastic change in mood." iiling iling pang saad nitong kasama ko na siyang inirapan ko lang, ang sarap din talagang sampalin nitong kasama ko minsan.

"Kasalan mo!" singhal ko sa kanya pero tulad ng parati nitong ginagawa ay inignora niya lang ang inis ko at tinatawanan lang ako. Tuwang tuwa pa siyang makitang inis ako.

Pero kahit ganyan yan ay komportable akong kasama siya. When I'm with him I don't need to think about being prim and proper to be a good role model in the school.

Mabilis akong naglakad at iniwan siyang mag isa, pero kaagad din naman itong humabol saakin.

Naging mabilis ang takbo ng oras hanggang sa hindi ko napansin na uwian na pala. Excited akong lumabas ng room balak kong maagang umuwi ngayon dahil alam kong doon dederetso si Dev.
Mabilis ang mga hakbang kong lumabas ng room nag paalam na rin ako sa mga kasamahan ko sa SSG na maaga ang uwi ko ngayon, pumayag naman kaagad sila sa kadahilanang minsan lang daw ako humingi ng pabor, kung pabor bang matatawag yun.

"Letisha!" napalingon ako sa pamilyar na tinig na tumawag saakin.
Nang makita ko si Keanu ay agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

Ang lakas ng pagtawag niya kaya pati tuloy ang iba ay napalingon sa amin.
Patakbo siyang lumapit sa pwesto ko.
Bahagya pang nagulo ang buhok nito dahil sa pagtakbo pero ang gwapo pa rin nitong tingnan kaya hindi ko rin masisisi kung bakit ang ibang babae ay napapatitig sa kanya.

"Bakit?" kunot-noong tanong ko nang mapansin ang kaseryosohan sa mukha niya.

"Are you going home already? I'll give you a ride." awtomatikong umiling ako sa sinabi niya.

"No need, may dadaanan pa kasi ako." pagpapalusot ko dito, wala naman kasi talaga akong dadaanan, nagmamadali pa nga akong makauwi sa condo ko ayoko lang na baka nandun na pala si Dev tapos makita niya pang hinatid ako ng iba and worst ay lalake pa, baka mag away pa kami dahil doon at baka malaman pa ni Keanu ang tungkol sa amin.

Seeking AttentionWhere stories live. Discover now