X

313 16 14
                                    

[Grammatical Errors and Typographical Errors ahead]


[Letisha's POV]

“Okay lang ba talaga sayo?” tanong ko kay Dev, ilang ulit ko na ring tinanong sa kanya yan mula nang umalis kami sa hotel na pinagtuluyan namin hanggang sa dumating kami sa Airport pabalik ng Manila. Pero tanging tango lang binigay niya saakin, hindi ko rin naman makikitaan ng pagkadismaya ang mukha niya kaya hindi ko masasabing  nagtatampo siya sa naging desisyon kong umuwi na lang at hindi na ituloy ang dapat bakasyon namin. Kagabi bago kami natulog ay sinabi niya sa aking okay lang sa kanya na umuwi na lang kami.

“It's your choice Sha, kung anong desisyon mo ayun na rin ang pipiliin ko.”

Hindi na ako umimik pa sa sinabi niya, she's like that, to avoid conflicts ay hindi na niya sinasabi yung gusto niya at mag aagree na lang sa sasabihin ko. 

Naging maayos naman ang 1hour flight namin, tanghali na nang makarating kami sa condo unit ko.
Ilang oras din kami nagpahinga pagkatapos ay umorder ng pagkain, pareho kaming pagod kaya hindi na ako nagluto pa, gusto pa nga sana ni Dev na dito na lang din magstay pero saktong tumawag din ang Dad niya kaya nagpaalam na rin siyang umuwi.

“Love, I'm sorry because I wasn't-”
hindi ko natapos yung sasabihin ko dapat dahil hinila niya ako papalapit sa kanya at tsaka niyakap.

“I wasn't happy of what you did but I'm not sad too, don't be pressured about it. Just because you can't tell the world about us doesn't mean I'm gonna leave. I will never gonna do that okay?”  Humiwalay siya sa pagkakayakap  sakin at saglit akong hinalikan sa labi.

“I gotta go.” 

Naiwan akong magisa sa condo ko thinking about how lucky I am.
How lucky I am to have Dev.

Alam ko sa sarili ko na balang araw, maipag sisigawan ko rin sa lahat ang relasyon namin ni Dev.  I swear to myself that I will stand for the both of us.








Ilang araw ang lumipas at pasukan na naman, at sa mga araw na nakalipas ay hindi pa kami nagkikita ni Dev.
I don't know what she is doing but according to her ay may inaasikaso daw siya with her Dad.

Hindi ko na inalam kung ano yun, it's her privacy and I respect it. Araw araw din naman kaming nag-uusap.
Every morning she'll call me and greet me a sweet goodmorning, talk to me and check on me. She always remind me to eat in the right time, before going to sleep  she will call me again and we will talk and talk and talk.

That's our way to catch up with each other, at ngayon nga before I go to school I texted her pero hindi siya nagreply, maybe she's busy? Or baka hindi pa nagigising. Nabanggit niya saakin kagabi na  she will stay awake until morning because she needed to finish her work. Well, even if she's just studying her Dad has been training her to handle some of their business already, that's why I understand that she is busy. Nakalimutan ko na ring itanong kung papasok ba siya o hindi.

“Let's eat, mamaya na tayo bumalik sa office nagugutom na ako” saad ni Eralie na sinang ayunan ko naman. Tumayo ako at niligpit ang mga gamit ko bago lumapit sa dalawang kasama ko.

Dumeretso na kami sa Cafeteria at agad na umorder we decided to just eat here too.

Tahimik lang akong kumakain at pasimpleng nilibot ang paningin ko sa loob ng cafeteria, mula pa kaninang umaga ay hindi ko pa nakikita si Dev, hindi rin naman siya nagreply sa message ko sa kanya. Ilang minuto lang ay natapos din naman kaming
kumain.

“Mauna na kayo, may pupuntahan pa ako.” saad ko kanila Eralie at Natalie, tiningnan ako ang mga ito bago tumango at nauna ng umalis.

Seeking AttentionWhere stories live. Discover now