[Grammatical Errors and Typographical Errors Ahead]
[Letisha POV]
Ang luwag sa pakiramdam na kahit papano ay tanggap ako ng mga kaibigan ko, ang sarap sa pakiramdam na may nasabihan din ako sa mga problema ko.
Hindi ko akalaing masasabi ko sakanila ang bagay na iyon, pero natutuwa ako na hindi ko na kailangang magsinungaling sa kanila at naintindihan rin nila ang sitwasyon ko. Nararamdaman ko, paunti-unti ay makakaya ko ring sabihin sa mga magulang ko ang totoo.
Pagkatapos namin mag usap ay napagdesisyonan nilang mag overnight na lang sa condo ko, para daw makapag bonding kami. Bumili rin kami ng mga pagkain bago umuwi.
Papasok kami sa building nang makasalubong namin si Devourah.
What is she doing in here? Pinuntahan niya ba ako?
Tumingin ito sa akin pero agad ding umiwas nang tingin.
Naramdaman kong siniko ako ni Eralie kaya nilingon ko siya at binigyan ng nagtatanong na tingin.
“What are you waiting for? Puntahan mo na at kausapin.” Nginitian ko siya bago tinanguan. Dali dali kong binigay sa kanya ang hawak ko na pinamili namin kanina at agad na tumalikod upang sundan si Dev.
Naabutan ko siya na papasok sa sasakyan niya pero agad ko siyang pinigilan.
“Dev wait!” sigaw ko at patakbo siyang nilapitan.
Saglit siyang tumingin sa akin pero agad ring nag iwas ng tingin, na para bang hindi niya ako kayang tingnan ng matagal.“Where are you going?” tanong ko at pilit na pinapatatag ang loob ko upang kausapin siya.
“Going home.” tipid nitong sagot.
“No- I mean, can we talk?” Bumuntong hininga muna ito bago niya ako tinanguan.
Nalulungkot ako sa isipang napipilitan lang siyang kausapin ako.
“We can talk tomorrow. I'll text you where, when and what time.” she said at dali daling pumasok sa sasakyan. Leaving me here alone, dumbfounded.
Malungkot ang mukhang sinundan ko ng tingin ang papaalis niyang sasakyan.
Right, I understand. Masyado ko na naman siyang sinaktan sa ginawa ko kahapon.
Pagkagising na pagkagising ko ay cellphone ko agad ang hinanap ko. Ni hindi ko nga hinayaang humiwalay ito sa akin dahil hinihintay ko ang tawag o mensahe ni Dev.
Kahit sa pagligo ay sinama ko rin pero umabot na lang ng tanghali ay hindi pa rin niya ako pinapadalhan ng mensahe.“Uuwi na kami Sha. Balitaan mo na lang kami okay?” tinanguan ko si Natalie at hinatid sila sa pinto ng condo ko.
“Ingat kayo” saad ko.
Mabilis pa sa alas kwatrong kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito.
Nang makitang galing kay Dev ang mensahe ay agaran ko itong binasa.‘I'll fetch you at exactly 1:00 PM. Meet me in front of your condominium's building.’
Binalewala ko ang pagiging cold niya kahit sa text.
I'm at fault, kaya naiintindihan ko ang galit na nararamdaman niya. But whatever happens, I'll make sure that this day won't end up without us reconciling.Mabilis ang kilos ko habang namimili ng susuotin.
I wore a black and white stripe sweater dress, hugging my body and is above my knees. And for the perfect match, I picked my wedge type sandals that has the same color of my dress.
YOU ARE READING
Seeking Attention
Short Story"You just want attention, you don't want my heart" Picture is not mine, credits to the rightful owner.