XII

292 14 6
                                    

[Grammatical Errors and Typographical Errors ahead]

[3RD PERSON POINT OF VIEW]


“What are you saying? Did you hear yourself Ms. Devourah Cullen? Do you think  I'm a kind of girl who will have an affair to a lesbian like you? That's disgusting! Hindi ako pumapatol sa isang kagaya mo!”

“What are you saying? Did you hear yourself Ms. Devourah Cullen? Do you think  I'm a kind of girl who will have an affair to a lesbian like you? That's disgusting! Hindi ako pumapatol sa isang kagaya mo!”

“What are you saying? Did you hear yourself Ms. Devourah Cullen? Do you think  I'm a kind of girl who will have
an affair to a lesbian like you? That's disgusting! Hindi ako pumapatol sa isang kagaya mo!”

Devourah doesn't know what to react.
Masyado siyang nasaktan sa mga narinig. Hindi pa ata maproseso sa isip niya na nagawa yung sabihin ng kasintahan niya sa kanya. Nag-aaway
din naman sila noon, palagi, pa ulit ulit ang dahilan pero hindi dumating sa puntong sasabihan siya nito ng ganoong bagay.

Pagod na pagod siya at kakagaling niya palang ng Airport ni hindi pa siya umuwi sa sariling tahanan dahil gusto niya maunang makita ang kasintahan na isang linggo rin niyang hindi nakita. She misses her Letisha so much, saglit niya lang itong nakakausap through video call or phone call dahil sa tambak niyang gawain. Hindi sapat ang isang linggo para tapusin lahat nang yun pero hindi siya papayag na magtatagal pa siya sa ibang bansa ng ilang linggo na hindi nakikita ang kasintahan, kaya kahit pagod at puyat ay tinitiis niya para mapadali ang trabaho, halos hindi na rin siya natutulog, ni pagkain nga ay nakakalimutan na niya kung hindi pa siya papaalalahanan ng secretary niya ay talagang hindi siya kakain para matapos lang kaagad ang trabaho.

Tuwang tuwa pa siya nang makita ito sa School nila, pero kaagad na nawala ang tuwang iyon nang makitang may kasama itong iba, ang mas masakit ay lalake pa. Ofcourse she's threatened.
Letisha is straight as pole before she met her. Sadyang nagustuhan at nahulog lang din ito sa kanya, at natatakot siya na isang araw ay magkagusto ito sa iba, sa isang lalake.
Halatang malapit pa ito sa isat isa dahil nakahawak pa ang lalake sa kasintahan niya, nawala lang siya saglit ay may nakasundo kaagad itong iba. Nang mag tanong ito kung pwede bang manligaw ay parang gusto niyang sugurin na lang ito bigla, magtataka ang lahat ng naruon kapag nagkataon pero wala naman siyang pakealam sa sasabihin ng iba isa lang naman ang may pakealam siya, si Letisha. Ayaw niya na masira ang reputasyon nito sa School nila. Kaya kahit nasasaktan ay pinanuod niya lang ang dalawa, umaasa kasi siya na agad sasagot ng HINDI ang kasintahan niya. Pero natakot siya nang makita ang reaksyon nito. Nagdadalawang isip at nalilito. Na para bang hindi pa sigurado sa isasagot na kung tutuusin ay napakadali lang namang sagutin.

You're my girl Letisha, no one can court you because you are already mine.

Kaya nabahala siya, mas masakit kasing marinig kung papayag itong magpaligaw. So even before Letisha could open her mouth to answer ay inunahan na niya. Dev told the guy that Letisha is her girlfriend.

Pero hindi niya inaasahan ang naging reaksiyon ng kasintahan niya. Galit na galit itong tumingin sa kanya. The moment she saw those eyes looking directly at her full of anger ay parang gusto na lang niyang pagsisihan ang ginawa niya. Akal niya ay sanay na siyang tinatago lamang ni Letisha, akala niya ay sanay na siyang denideny nito. Pero hindi pa pala.

Disgusting? Ganun ba ang tingin nito sa kanya?

It hurts her, a lot na sa mismong kasintahan niya nanggaling ang salitang yun. Matatanggap niya pa kung sa ibang tao, pero sa taong mahal niya mismo nanggaling? Sa taong lubos na nakakakilala sa kanya, sa taong nagpapasaya sa kanya mismo nagmula ang masasakit na salitang iyon ay labis na siyang nasasaktan.

Seeking AttentionWhere stories live. Discover now