VI

394 13 10
                                    

{3rd Person POV}

Bago pa makauwi si Letisha sa Condo nito ay nauna na sa kanya si Devourah doon.

Dala ang isang bungkos ng bulaklak at may nakasunod sa kanyang isang lalaki na may dalang human size teddy bear.

Pag ka akyat sa condo unit ng kasintahan ay kaagad siya pumasok at kinuha ang teddy bear mula sa lalaki.

“Thank you” ani niya dito. Agad  namang umalis ang lalake habang siya ay inayos na ang dapat ayusin.
Inilagay niya sa kwarto ng babae ang malaking teddy bear habang ang bulaklak naman ay inilapag niya sa lamesa.

Dumeritso siya sa kusina upang magluto, alam niya kasing pagod na ang kasintahan kapag umuuwi kaya naman ay naiisipan niyang paglutuan na rin ito. Kahit papano naman ay alam niya kung paano magluto.

Sinigang na baboy ang niluto niya at nagsaing na rin siya. Mas mabuti na yung may sabaw para mas healthy naman. Napapansin kasi niyang puro prito o dry foods ang kinakain ng kasintahan, minsan kung tamarin magluto ay noodles in can lang ang kinakain nito. She doesn't want her girl to be skinny. Mas gusto niya paring healthy ito.

          

                    SA KABILANG BANDA  naman ay pauwi na si Letisha. Habang nakasakay sa taxi ay iniiisip niya pa kung paano manghingi ng tawad kay Devourah. Hindi niya nga alam kung saan ito hahagilapin. She can't contact her at hindi  rin ito nagiwan ng message sa kanya. Mukhang galit pa rin ito hanggang ngayon, sa isip isip niya.

Hindi rin pwedeng pumunta siya mismo sa bahay nito dahil ano na lang ang idadahilan niya sa pamilya nito?Ah, hindi niya naman pwedeng sabihin na kasintahan niya si Devourah.

Nang huminto ang taxi sa building ng condo unit niya ay kaagad na bumaba siya sa taxi matapos magbayad.

               Pagdating sa harap ng unit niya ay nagtaka pa siya nang akmang sususian niya na ang pinto ay hindi naman pala ito naka lock kaya ay nagtaka siya. Si Dev lang naman ang may hawak ng susi ng unit niya maliban sa kanya. Pero imposibleng nandito ito ngayon dahil una galit ito sa kanya at pangalawa ay madilim sa loob. Kapag si Devourah kasi ang pumupunta sa condo unit niya ay nagbubukas ito ng ilaw.

               Kaya naman ay mas lalong kinabahan siya habang dahan dahang pumasok. Bubuksan na niya sana ang ilaw nang may bigla na lamang yumakap sa kanya mula sa likod niya kaya ang kaninang kabang naramdaman niya ay napalitan ng takot. Nagpumiglas siya mula sa yakap nito pero hinawakan siya nito sa mga braso niya at inikot paharap sa kung sino mang nangahas na pumasok  sa unit niya nang walang paalam.

                Handa na siyang sumigaw pero kaagad na napatahimik siya at nanlaki ang mga mata nang bigla na lamang siya nitong halikan. Hindi siya nakaalma mula sa pagkabigla maya maya lang ay tumigil ito sa paghalik sa kanya at handa na sana siyang sampalin ang taong nasa harapan niya pero bigla na lamang bumukas ang ilaw at nang makita niya ang taong nakatayo ngayon sa harapan niya  ay napaiyak na lang siya.

“You scared me Dev” sabi niya rito habang umiiyak parin. Mahina niya pa itong pinalo sa nay dibdib nito. Parang siyang nakipag karera sa bilis ng tibok ng puso niya dahil sa kaba. Akala niya kung sino ang naroon. Ang kasintahan lang pala. Hindi niya man lang ito nakilala sa amoy o sa presensya. Masyadong kinain ng kaba at takot ang buong sistema niya.

Kaagad naman siya nitong niyakap.

“Shhh, I'm sorry, i'm so sorry for what I've said earlier love, I didn't mean it.” hinging tawad nito na ikinabigla niya. Mas humigpit ang yaka nito sa kanya at sinubsob pa nito ang mukha sa leeg niya.
  

Seeking AttentionWhere stories live. Discover now