"Salamat sa paghatid Gab ah," pagpapasalamat ko kay gab habang tinatanggal ko ang seatbelt sa aking gilid.
"Walang ano man, wag kang magalala ako na ang maghahatid kay Cybelle kay nay baby cge na pumasok ka na," limingon ako kay cybelle na ngayon ay nakaupo sa back seat at nilalaro ang cellphone ni Gab.
"Bellarice papasok na si Mommy ulit si Ninong Gab na ang maguuwi sayo ah," nakuha ko ang atensyon niya mula sa cellphone. Tumayo siya para lumapit sakin sa harapan at yumakap.
"Galingan mo Mommy ah love you see you at the house later," she said.
Sinundo namin siya ni Gab sa school dahil pumunta si Gab sa restau. Kanina para kumain at nagprisintang sumama sa pagsundo kay gab at nilibre kami ng miryenda sa dunkin donuts tapos ito ngayon hinatid narin nila ako sa hotel isang linggo na ako dito ngayon sa hotel at ok naman ang trabaho ko.
"Magingat ka Blace ah, itext mo ko mamaya paguuwi ka na," tumingin ako kay gab at nakangiting tumango sa kanya. "Paano ikaw na ang bahala kay Cybelle ah ingat sa pagdrive ah bye baby," I kiss Cybelle again at bumaba na sa BMW ni Gab, hinintay ko muna silang makaalis bago ako humarap sa hotel.
City Garden Grand Hotel dito ako nagtratrabaho ngayon. High class ang hotel na ito makikita mo na may mga kayang tao ang laging nagchecheck in dito. Pumasok na ako at kinuha ang sched ng mga kwartong lilinisin ko sa frontdesk at dumiretso sa employees room para magpalit ng uniform.
Now, I'm wearing a simple Cream silk polo paired with High waist-black pants and a black cotton apron also black shoes. Kinuha ko na ang cleaning cart ko at dumiretso na sa taas para maglinis ng mga kwarto.
"Goodevening ma'am room service po," i greeted the lady and she nodded at me, kaya pumasok na ako at naglinis. Ganito lang ang lagi kong ginagawa maglinis ng mga kwarto minsan inuutusan ako mag serve ng food pero madalang nalang ngayon 'yon.
"Ma'am tapos na po mauna na po ako," pagpapaalam ko palabas na ako ng tawagin niya ako. "Hey, here's your tip," she said and raise her hand with 1000 pesos on it. "Talaga po ma'am," pagkukumpirma ko kasi ang laki naman nong tip niya.
"Yes take it, i know you need it," she smiled at me at inabot na sakin ang pera nagpasalamat ulit ako sa kanya at lumabas na sa kwarto niya.
Siguro mayaman yon ang laki magbigay eh, samantalang ang nakukuha ko lang talagang tip kadalasan ay 50 to 100 pesos lang. I think it's my lucky day. Ganado kong ginawa ang trabaho ko at dalawang kwarto nalang ang lilinisin ko the boom uuwi na ako time check 12 am na.
Pumasok na ako sa kwarto na lilinisin ko wala ng tao kasi kakacheck out lang nila habang naglilinis ako ng CR nahiwa yong taliri ko sa isang matalim na parte ng hawakan ng glass door.
Agad kong sinipsip ang dugo at hinugasan iyon buti nalang talaga may gab ako na supplier ng band aid ko, kumuha ako ng band aid sa maliit na beltbag sa bewang ko kung saan nakalagay ang cellphone at wallet ko.
Binalutan ko na ito at nagpatuloy na sa paglilinis hanggang sa matapos ko na ito. Lumipat na ako sa kabilang kwarto ang panghuli kong lilinisin ngayong araw. Kumatok ako at bumikas ito agad, lumitaw ang nakatopless na matandang lalake sa harap ko tangina nakakasuka ang view sa totoo lang.
Feeling ko may lahi itong matandang ito dahil maputla ang kanyang mga balat at kulay kahel ang kanyang mga mata well hindi naman talaga nakakasuka ang itsura niya nakapustura parin ang kanyang katawan sadyang ayaw ko lang tumingin sa mga ganyan.
"Hello, are you the room service," he ask kitang kita ko ang pagpunta ng mga mata niya sa dibdib ko. Aba manyak nito ah. "Yes sir," pero kahit ganon sinagot ko parin siya."Do you serve extra service? Im whiling to pay," slang na pagkakasabi niya. Tangina ang bastos nito ah, pero Blace kalma nasa trabaho ka hindi pweding pumalpak. I sweetly smiled at him "No sir we don't serve extra service here!" madiin na pagkakasabi ko para maintindihan niya.
"I wont tell anyone don't worry I'll doble the price," hinawakan niya ako sa aking balikat padausdos saaking braso. Puta kadiri! Nanatili akong kalmado kahit sa loob loob ko gusto ko nang sapakin tong matandang ito.
Hinawakan ko ang kamay niya at inalis yon sa akin "No sir, I'm here to clean the room not to do dirty jobs," I make myself clear. "Oh come on," he said. "I'll leave sir, i will just send our bellboy to clean your room thank you sir," magalang na sabi ko at tinulak na ang cleaning cart ko.
"Wait," hinila niya ang kamay ko paharap sakanya dahilan para mabitawan ko ang cleaning cart ko. "How much do you want? I'll pay you," he look so desperate right now, humihigpit narin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya. Nagsimula na akong kabahan dahil don lumingon din ako sa paligid at walang tao ni isa. Tangina delikado ito.
"Sir, let go of my hand," sabi ko sakanya at pilit binabawi ang kamay ko. "Come on, I promise it will be fun," nagsimula siyang hilain ako pero pinipigilan ko siya at kumapit ako sa pader para hindi niya mahila.
"Come on, don't be so hard to get," pilit ko paring pinipigilan ang paghila niya sa akin. "Tangina bitawan nyo ako sabi eh ano ba," napamura na ako dahil sa ginagawa niya at natatakot narin ako kasi alam kong wala akong mahehengan ng tulong.
Dahil malakas siya nahila niya ako papasok sa kwarto at dinala sa kama. "Will go to heaven don't worry its fun," sabi niya habang tinatanggal ang buckle ng belt niya.
Tumayo ako sa kama at naglakad palabas pero hinarangan niya ako at tinulak sa kama at dumagan sa akin alam kong kahit may edad na siya ay lalake parin siya kumpara sa lakas ko wala akong laban sa kanya.
"Ano ba, bitawan niyo ako! Tulong!!!" I shouted at pilit kumakawala sa kanya. Nagpupumiglas ako sa bawat hawak niya sa kamay at braso ko. Tangina Blace gumawa ka ng paraan. Naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko at tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa pangdidiri.
"Ahh, bitawan niyo ako, tulungan niyo ako!!!" mas nilakasan ko pa ang sigaw ko at mas nagpumiglas sa kanya. Nakakita ako ng paraan para maalis siya sa ibabaw ko naabot ko ang telepono sa side table at pinukpok sa ulo niya sabay tuhod sa pride niya.
"Bullshit," mura niya habang iniinda ang sakit na dulot non napahiga siya sa kama at agad akong tumayo para tumakbo sa pintuan nakakatatlong hakbang palang ako ng makita kong tumatayo siya sa kama kaya agad umakyat sa katawan ko ang takot mas binilisan ko ang takbo hanggat sa mabuksan ko ang pinto at bumangga ako sa taong nasa tapat nito.
"Comeback here!" rinig kong sabi nong matanda sa likod ko nanginig ako sa takot at tumulo na ang luha ko. Humarap ako sa nakabangga ko pero matanggkad ito kaya dibdib ang nakita ko humawak ako sa braso niya kahit nanginginig na ako.
"Tulungan mo ako," nagcrack ang boses ko dahil sa takot. "There you are," lalo akong nanginig sa takot ng maramdaman kong nasa likod kona yong matanda.
"What do you think are you doing?" madiing pagkakasabi ng kaharap ko sa matanda. I stiff hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa pamilyar na boses na iyon, kahit nanginginig na ako sa takot unti-unti kong inangat ang ulo ko para tignan ang nasa harap ko.
His wearing a Black dresser polo shirt folded sleeve up to his elbow, gray pants paired with a black leather Gucci belt, and shining black shoes his also wearing a gold necklace with a cross pendant and a silver Rolex wristwatch, and his hair was neatly fixed upward with some hair strand on his forehead.
Nawala ang nginig ng katawan ko at napalitan ng lamig ang buong pagkatao ko sa nakikita ko ngayon. "Attempted rape I guess," he said to the old man at my back. Pero ang buong atensyon ko ay nasa kanya lang.
Nang malipat ang tingin niya sakin biglang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko, sa sobrang bilis nahihirapan na ako huminga. "Cj," I whispered.
BINABASA MO ANG
EPHEMERAL LOVE
Teen FictionBlaire Ace Lauren was deeply in love with Cj Perez but sadly she must sacrifice their love, leave his man for his better future and face her life alone with no one to help and care. She faces the danger of life and carries her child alone. Will she...