"Mommy," tumakbo sa akin si Cybelle pagbukas ko ng pintuan ng bahay nila nay baby at talagang tinotoo niya na hihintayin ako. Niyakap ko siya ng mahigpit at tumingon kay nay baby.
"Nay thank you po ah, iuuwi ko na po si Cybelle goodnight po." tumango si nay baby sa akin at lumabas na kami ni Cybelle sa kanila habang buhat buhat ko siya at lumipat sa bahay namin.
"Hopia," I said when I successfully open the door. "Talagang hinintay mo si mommy ah, baby," sabi ko kay Cybelle habang nilalapag ko ang bag ko sa sofa. Pero wala akong na tanggap na sagot mula sakanya kaya nong sinilip ko siya sa balikat ko aba tulog na.
Talagang hinintay niya lang ako makarating. Inakyat kona siya sa kwarto at kinumutan.
Matapos 'non sinara ko na ang pintuan ng bahay at nilock yon inayos ko lang yong gamit ko saka dumiretso sa kusina may mga order pa ako na kailangan gawin 2 am na kaya kailangan ko bilisan.
Sampo lang naman ang order para bukas kaya mabilis ko iyon natapos at umakyat ako sa taas para maglinis ng katawan habang nag sasabon ako ng katawan pumasok ulit sa isip ko yong nagyari kanina kaya biglang tumayo ang balahibo ko at pumasok ang kaba sa aking dibdib.
Isang luha ang naglandas mula saaking mga mata, diniinan ko ang pagkuskos sa bandang leeg ko kung saan dumampi ang labi ng kadiring matandang iyon. Wala kang oras para matakot at intindihin yan blace isipin mo si Cybelle wag ang sarili mo. Paalala ko sa sarili ko.
Matapos kong maligo nagbihis na ako at tumabi kay Cybelle at niyakap siya ng mahigpit siya ang lakas ko. "Baby, nandito na ang daddy mo," mahinang bulong ko sa kanya at inalis ang buhok na nakaharang sa mukha niya.
Hangga't hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan si Cybelle ang gumising sakin dahil mas nauna siya kesa sa alarm ko kaya gaya ng dating gawi naligo na siya habang naghanda ako ng almusal at baon niya.
Hinatid ko siya sa school at dineliver ang mga cheese cake, pagkatapos pumasok na ako sa restaurant. "Oh bakit medyo maga yang mata mo gurl?" tanong ni Loree sa akin habang nagbibihis kami.
"Ah wala it-----," Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto ng napakalakas at pumasok si Marj nagmamadaling lumapit sakin at niyakap ako. "Ok ka na ba wag kang magalala makakatikim yong tarantadong matanda na'yon sa akin," galit na sabi ni Marj habang nakayakap sa akin ng sobrang higpit.
Nagkatinginan kami ni loree at halatang naguguluhan ito sa sinabi ni Marj. "Wag kang magalala ok na ako Marj," tinapik ko siya sa likod niya para luwagan ang pagkakayakap sa akin.
"Gago yon eh hindi ako papayag na ginanon ka lang," she looked at me with a fiercing look.
"Teka teka di ko gets ano ba yang sinasabi mo who is the who are you talking ba?" nalilitong tanong naman ni Loree kay Marj. Nilingon siya ni Marj at kinuwento niya ang ng yari sa akin siguro sinabi na ni Jane ang nangyari kagabi.
Matapos niya makwento lahat kay Loree, "Tangina tara na sugudin natin yong hayop naiyon," sigaw ni Loree at nagtangkang umalis pero nakasalubong niya sa pinto ang kakarating lang na si Jake at Joed.
"Hey hey hey ano nangyayari bat sumisigaw kayong dalawa," si Joed.
"Pano itong si Blace muntikan na marape ng isang matanda kagabi sa hotel!!!" pagsusumbong ni Marj kila Joed agad namang nagbago ang timpla ng mukha ng dalawa sa sinabi ni Marj.
"Totoo ba, Blace?" seryosong tanong ni Jake. "Oo pero ok na wag na kayo magalala na ayos na kagabi 'yon sa hotel tyaka ok lang ako noh," ngumiti ako sa kanila para tumigil na sila sa pagaalala.
"Guys mag open na tayo galaw galaw na," dumungaw si Miss jo sa pinto kaya nagayos na kami at kahit labag pa sa loob nila Joed na hindi ako kausapin wala silang choice kung hindi magtrabaho na.
Buti na lang at ganon ayaw ko na rin kasi balik balikan 'yon. Habang nagtratrabaho kami panay ang tingin sakin nila Joed at Loree, "Hoy, ano ba ok lang ako tumigil nga kayo," suway ko sa kanila.
"Sabi ko nga hoy loree kunin mona yong order don oh," tinulak pa ni joed sa isang table para umiwas sa akin, umiling iling nalang ako sa kanila. "Miss," tawag sa akin ng isang costumer. "Yes, ma'am may I help you?" tanong ko sa kanila.
"I would like to add on a taro cake on my order," she said habang busy sa pagpindot sa note pad niya. "Ok po, ma'am," paalis na sana ako ng napatingin ako sa tinitignan niya sa note pad niya dahil andon ang litrato ni Cj.
"Ahm, ma'am pwedi ko po ba malaman yang tinitignan mo?" nakita kong nagtataka siya sa sinabi ko pero hinayaan niya akong tignan ang note pad niya. Isa itong litrato ni Cj na nakaformal attaire at mukha siyang model dito at sobrang gwapo niya.
"Do you know him?" tanong sakin nong costumer. "Ahm," umiling iling nalang ako. "His so famous kaya his one of the hottest bachelor in the world also his so damn rich," halata sa pagkakasabi niya nahinahangaan niya talaga si Cj.
"Ahhh ganon po ba hehe cge po ma'am salamat po," sabi ko sakanya at iniwan na siya para ipagawa ko na ang order niya. "Isang taro cake," sabi ko kay Marj.
"Yup," she answered. Habang hinihintay ko ang order na yon kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa at commonect sa wifi ng restau.
Search: Cj Perez
Ilang sigundo lang lumabas lahat ng result sa google at ang daming balita about sakanya.
World New Canada: The famous Architect Cj Perez is now back here in the Philippines from Canada after his wonderful work in New York last month now his handling the design of the real estate of Del Mundo.
Architect Cj Perez is one of the Hottest bachelors in the world. Architect Cj Perez is one of the top 5 richest bachelors in Canada and in the Philippines. Architect Cj Perez was awarded by The Canadian Real State because of his work in CDIAN REAL ESTATE BUILDING.
Wow, sobrang layo na ng narating niya sobra pa sa inisip ko i smile on what I've read. Ganito na pala siya ngayon, I'm so proud of him, at lalong sumaya ang puso ko ng maisip ko na ito ang katas ng sakripisyo ko para sa kanya.
I'm so proud of you, Cj.

BINABASA MO ANG
EPHEMERAL LOVE
Novela JuvenilBlaire Ace Lauren was deeply in love with Cj Perez but sadly she must sacrifice their love, leave his man for his better future and face her life alone with no one to help and care. She faces the danger of life and carries her child alone. Will she...