2

32 3 0
                                    

"Clan meeting? Ano naman iyon?" Naguguluhang tanong ni Hashiel.

Sa makalawa na ito. Bigla nalang nagbell kaya dali-dali kaming umalis sa canteen.

The day goes on at pauwi narin ako. As usual sinundo ako ng driver namin. But the thing with the invite though. Feel ko may hindi magandang pangyayari.

"Kaliya!" Tawag sakin ng kung sino. Nahagilap ko si Ate Navi.

"Oh, Ate. Wala kang duty ngayon?" Tanong ko sa kaniya.

Nakita ko naman siyang umiling at ngumiti. "Magbihis ka." Huh?

"Bakit?" Kunot noo kong sambit.

"Pupuntahan natin sila sa shop. Magsusukat tayo ng gowns."

Wala naman akong magawa kundi magbihis. Nagsuot ako ng high-waist jeans at yellow halter top pinaresan ko ito ng sneakers. Pagkababa ko ay hinila ako ni Ate palabas at pinapasok sa sasakyan niya.

Wow parang kinidnap lang.

Naglagay ako ng earbud sa right ear ko at nagpatugtug ng Ben&Ben song. 'War' to be specific.

Nang nagpark na si Ate ay agad akong bumaba. Nang pumasok kami ay nakita ko na nandun si Ate Seyah na nagsusukat ng gown at si Crianne na nakabusangot.

"Asan yung boys?" Tanong ni Ate Navi.

"Namili ng suit nila." Sabay turo ni Crianne sa isang parte kung nasaan ang mga pormal na pansuot ng mga lalake.

Napatingin naman ako sa sinusukat na gown ni Ate Seyah at sa nakatumbak na gown. Kulay itim ah.

"Ate Seyah ba't black ang gown na sinusukat mo." Tanong ko.

"Suggest ni Lolo na magiitim tayo." Si Ate Navi na ang sumagot.

"Nandito si Lolo?" Tanong ko.

"Oo, clan meeting raw." Sagot ni Ate Seyah.

Nakita ko naman si Ate Navi na nagsukat narin ng gown. Guys is it really necessary to wear long gowns?

"Crianne sukatin mo na yung iyo." Sabay bigay ng isang ankle-lengthed dress. May criss-cross ito sa likod. Ako naman ay nagmula narin maghanap ng susukatin.

Nakuha naman ng atensyon ko ang isang off-shoulder semi-balloon black dress. Pumasok ako sa dressing room at sinuot yun. Ang sleeves nito ay see-through na tela at may kaunting maliliit na bituin. Sa likod ay may pa V na parang backless at sa harap may kaunting V shape siya na makikita ng kaunti ang cleavage ko.

Tumalikod ako sa salamin at tinignan ang likuran ko. May tattoo ba ako? Tumingin ako muli pero wala na ito. I saw a three line tattoo kanina ah.

"Weird."

"Kaliya! Ipakita mo naman samin yang dress mo!" Rinig kong sigaw ni Ate Seyah mula sa labas.

Hinawi ko ang kurtina at nakita ko namang ngumisi ang girls.

"Bagay na bagay!"

"Shocks Ate Kaliya."

"I like this dress." Sambit ko habang tinitingnan ang sarili ko.

Pagkatapos nung gown fitting or ano ba ang tawah dun ay pumunta kami sa isang mall para bumili ng regalo namin para kay Lolo. Kahit walang okasyon ay bibigyan namin siya ng kung ano.

Pagdating namin sa mansyon. This mansion was built a couple hundred years ago before I was born. I still remember nung bata pa kami basta walang pasok o di kaya'y weekends ay pupunta kami rito. Maglalaro kami o magtratrain.

Crym CityWhere stories live. Discover now