Busy ang araw ko ngayon dahil di umano-
Wow, nangangamoy KMJS ka diyan ah.
Anyways, FINALS NA NEXT WEEK!
Kaya nagcocomply na ako ng kulang ko. Though isa lang naman ito. Yung paggawa ng hydraulic arm. Supposedly trio ito pero absent ako nun dahil sa isang misyon. Pero matagal ko naman itong natapos kaya ipapasa nalang.
"Aray!" Daing ni Hashiel nung tinampal ni Ate Seyah yung noo niya.
"Kulang pa yan." Singhal ni Ate Seyah. "Ba't ka kase pumatol? Yan tuloy sumakit yung panga mo. Pasalamat ka di nagkapasa."
Paano ba kase ay di niya sinadyang banggain yung isang athletic na lalake. At sinisi pa ni Hashiel sa binangga niya. Aba'y gago naman talaga ito kaya ayun na suntok sa panga buti nalang din hindi tuloy-tuloy yung pagsusuntok.
"Syempre kay ganda ng genes natin, Seyah. Hindi to basta-bastang magkapasa!" Proud na sambit ng gunggong.
Idiniin naman ni Ate Seyah yung ice bag sa panga niya kaya napadaing nanaman siya. "Ate mo ako hoy!"
Ilang sandali ay nagilap ko si Aaron at Crianne na may dalang maleta. Kumunot naman yung noo ko.
"Lumayas ba kayo sa bahay niyo? Ba't may dala kayong maleta?" Tanong ko.
Padabog na nilagay ni Aaron yung maleta niya na ikinaagaw ng atensyon ni Ate Seyah at Hashiel. "Sabi ni Lolo sa bahay niyo raw muna kami. Para sabay na bukas."
"Eh ba't malalaking maleta yang dala niyo?" Tanong naman ni Hashiel.
"Sabi ni Lolo tatlong buwan daw. Eh ang tagal naman ng tatlong buwan. Pero hey! Cousin bonding!" Excited na sambit ni Crianne.
Tumango nalang kami. Bigla namang napatingin si Hashiel at Ate Seyah sa mga wristband nila. "Ay ganun din yung sinabi ni Lolo samin."
Well this oughtta be fun.
Tumingin ako sa wristband ko para tignan ang oras. Ang aga pa naman at wala akong fourth and last period.
"May pupuntahan muna ako ha." Paalam ko sa kanila.
Napatingin naman sila sakin. "May misyon kaba?" Tanong ni Ate Seyah.
Umiling naman ako. "May pupuntahan lang ako pero babalik lang naman ako. Agad?" Sabi ko sabay lakad paalis.
Nglakad ako patungo sa music room. Nang makita ko na walang tao ay walang alinlangan akong pumasok. Kinuha ko yung acoustic guitar at umupo sa isang stool. Nagsimula akong magpatugtug.
"I wanna go and fight in this fight~
I wanna be, be more than just a child~"This is one of my favorite songs. It's like a song booster for us who had doubts on overcoming an obstacle. Itong kantang ito din ang nagpapakalma sakin.
"All these fears are around me~
They're coming to get me~
But emotions they follow~
Words of tomorrow~""If you know this, you'll get it~
You probably felt it today~
Today, here~"I stop nung may nakarinig akong ingay. Paglingon ko sa pintuan ay nandun na si Hashiel, Aaron, at Crianne.
"Anong ginagawa niyo dito? Asan si Ate Seyah?"
"Sinundan ka namin." Sagot ni Crianne.
"May meeting sila kasama yung org na ewan ko." Sambit naman ni Hashiel.
Nakita ko silang lumapit. Si Hashiel ay kinuha yung electric guitar at si Aaron naman ay kinuha yung drumsticks at pumwesto sa drum set.
Ah, I know where this is heading.