Sabay kaming gumising sa alarm namin dahil HELLO may klase pa kami. Well except Ate Navi though. Sabay kaming kumain ng almusal at pumunta sa unibersidad.
Nauna akong bumaba at naglakad papunta sa building kung nasaan ang classroom ko dahil may mga folders akong iturn-in.
I was busy scanning the folders if I didn't miss anything when I bumped into someone. At ang masama pa ay nakalat yung folders na dala ko.
"Aish." Sambit ko habang pinupulot yung folders. Mabuti nalang ay naka fasten ito at naka staple kaya hindi na kalat yung papel.
"Argh! Watch where you're going." Inis pang sambit ng nakabangga ko. Napataas naman ako ng kilay. Pagkatapos kong mapulot lahat ng folders ay tumayo ako.
"Excuse me, how about you also tell yourself that." Sabi ko ng walang binigay na tingin sa kanya. Pero pagtingin ko pamilyar siya. Si Husk!
Sandali siya ba ito? Parang ang layo eh. Mas malalim ang tinig nito kaysa kay Husk, or whatever his name is. At ang buhok nila ay magkaiba. His eyes are the same with the man I saw in a vision nung kahapon. He has the same vibes with uh what did they call him? Ah, Astro. Seriously Kaliya? You're admiring this stranger nakita mo naman na inirapan ka lang niya.
Okay that concludes my doubts about him being Husk. He is very different from him. Umirap nalang ako pabalik at naglakad palayo. Bahala siya sa buhay niya. Che!
-
Ang daming vacant dahil nga finals na next week at abala ang teachers at student gov sa culminating. Its also the 50th anniversary of the school.
Nagkita kaming magpipinsan sa cafeteria, as usual. Kinailangan din naman namin umalis at mag-ayos para sa 'Clan Meeting'. Alas tres na nung sinundo kami ni Ate Navi gamit ang pick-up niya.
"Ate Navi saan tayo mag-aayos?" Tanong ni Crianne na katabi ko. Nasa backseat kaming apat ni Hashiel at Aaron habang nasa passenger's seat naman si Ate Seyah.
"Sa mansyon daw dahil may kaonting pictorial muna. At wag na kayong magtaka kung bakit dahil kilala niyo na si Lolo." Sagot naman niya habang nagdrive.
Pagdating namin sa mansyon lahat kami napanganga dahil sa sinabing 'kaonting photoshoot' ay engrande pala. May make-up artist at hairstylist.
Isa-isa kami girls ng make-up artist at hairstylist at ang boys naman ay nagbihis sa tux nila.
"Hello Miss Kaliya, ako si Gandra." Sabi ng isa na may hawak na brush. "At ako naman si Phea." Sabi naman ng isa na may dalang hairdryer.
"At kami ang fairy godmothers mo for today!" Magiliw na tugon nila."Pwede light make-up lang?" Suggest ko. "Hindi kase ako mahilig magmake-up eh."
"Sureness ho ma'am. Kayo naman magpipinsan ang gaganda parang hindi na kailangan ng make-up!" Sabi ni Gandra. Napangisi naman ako sa dalawa.
"Naku ma'am infairness ang ganda talaga ng lahi niyo ah. Nakita ko ho yung family pictures niyo sa dingding ang gugwapo at gaganda niyo lahat!" Phea exclaimed.
Through the time na inaayusan nila ako ay panay kwento lang at tawa. Paglipas ng oras ay sa wakas tapos narin at naisuot ko na iyong dress or gown or ano ba talagang tawag.
Nakita ko rin na ready na sila Ate Seyah at yung boys.
"Mga apo!" Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng tinig na yun.
"Lola?" Sabay naming nilingon ang bandang pintuan.
"I'm back!" She screamed like Maleficent in the DCOM 'Descendants'.
