Ilang araw narin ang lumipas mula yung gabing nalaman namin kung ano talaga kami. Pero parang wala namang bago, its still the same though the wolves are training at kami namang bampira ay may baon na dugo.
"Hash, Aaron, saan naman kayo galing?" Tanong ni Ate Navi.
Nakaraang araw ay parating MIA yang dalawa ewan ko ba.
Nandito naman kami sa isang ice cream shop nagtatambay at nagkwekwentuhan. Kakatapos lang din ng school year kaya may oras kami at day-off din ni Ate Navi. Rinequest nga ni Lolo at Lola na huwag muna kaming magproceed sa gusto naming itake na courses.
Tumayo naman ako para mag-order ng ice cream.
I was just reaching for my phone at my back pocket nung may nabangga akong nilalang, I can sense that he is a wolf. I don't know why but I can smell his fragrant scent and I can even hear his heartbeat. Damn these Vampire senses.
"Sorry, I didn't-"
Napahinto ako sa gitna ng sasabihin ko ng maaninag kung sino ito. The one and only Ashton Ivanov. Kita ko rin na may kasama siya.
"Excuse me." Sambit ko agad at nagtungo na sa counter.
Sinalubong naman ako ng isang matamis na ngiti ng cashier or ano bang tawag nito sa kanya rito. "Good day, Miss. Welcome to Houndi's Ice Cream Shop, where you can find the most delicious homemade ice cream. What can we do for you today?"
Ngumiti naman ako pabalik. "We'll have one liter of Matcha Cream and one liter of Triple Choco. At anim na serving bowls din at six bottled water."
"Kaliya! Magtake-out kana din para mamaya!" Sigaw ni Aaron. Napailing naman ako at bahagyang napatawa.
"Take-out din ako ng 2 liters ng Matcha cream, 2 liters ng Triple Choco, 2 liters ng Graham Ice at 2 liters din ng Cookies and Cream. Pakilagay nalang sa isang eco bag para hindi masayang yang paper bags niyo sa dami." Nakita ko namang napahinto ito dahil sa dami ng inorder ko para sa take-out pero nabawi naman nito ang pagkabigla.
"Uhh. That'll be 2,354 pesos." Sambit niya at binigay ko naman ang credit card ko.
"Thank you, miss. Here's your table number. Iseserve nalang po namin ang orders niyo." Magalang na sambit nito.
Bumalik naman ako sa table kung nasaan nag-asaran nanaman ang dalawang gunggong.
"Pinaglihi ka ata sa pagong, Hash. Ang bagal mong tumakbo eh." Sambit ni Aaron at nag smirk pa.
"Ikaw naman pinaglihi ka sa unggoy sa pagkapit mo sa kahoy!" Pabalik naman ni Hashiel.
Natawa naman kami. "Pareho naman kayo ng pinaglihian eh." Singit ni Crianne.
Agad namang napunta sa kanya ang tingin ng dalawa na para bang nagtatanong kung ano ang sinasabi nito.
"Pinaglihi kayo sa balyena! Pareho naman kayong maingay eh!" Bulyaw nito ay mas lalo naman kaming napatawa nina Ate Seyah at Ate Navi.
"Damn, you're right Cri." Sambit ni Ate Seyah.
Ilang tawa ang lumipas at dumating narin yung order namin.
"Triple!" Sigaw ni Cri at excited na nagscoop para sa kanya at nagscoop nadin kami para samin.
Sinuot ko yung earbud ko at nakinig sa voice message na sinend nila Mom at Dad. I just feel sad remembering how long it had been since we last saw our parents.
'Hi sweetie, mamà here, your dad is currently recording a message for your Ate. Always remember that we love you and I guess you already know who we truly are. But baby I'm just going to warn you that us being mythical vampires is just the tip of the iceberg. We always love you.'