1

56 6 0
                                    

"Okay, class dismissed!" Sambit ng guro namin.

Agad naman akong nagligpit ng gamit at lumabas na ng room.

Bzzt... Bzzt

Agad akong napatingin sa wristband ko. A new mission. Lumingon muna ako sa paligid bago binuksan ang file.

Mission Infiltrate

Target's Name: Fernando Dela Costa
Age: 47 years old
Occupation: Profesional Lawyer
Record: 18 Rape Cases, Bribery, Frustrated Murder.

18? Well, that's a big number. It turns out that he raped 18 of his clients. I wonder why none of those 18 filed a report against him.

Maybe he killed them?

"Ah!" Sambit ko nang may biglang bumangga sakin. Agad akong napatingin sa nasa harapan ko na natumba.

"Naku! Kaliya, pasensya na. Nagmamadali kasi ako dahil may nagaaway sa parking lot!" Sabi niya sabay takbo paalis. Teka kilala ko ba yun? Ay ewan.

Nag-aaway sa parking? Tutal dun naman ako papunta maybe I can sneak a peek.

Kakalabas ko lang ng gate ay rinig na rinig ko ang mga sigaw nila.

"Sapakin mo yan! Sige!"

"Axcel kaya mo yan!"

"Sus ang duwag ni Blake!"

Napairap nalang ako sa narinig kong mga pangalan. Teka asan naba yung sundo ko? Wala pa si Manong. Nagtext nalang ako kay Manong Driver na sa Entrance ng parking ako maghihintay.

I started walking beside the big crowd. Dumistansya ako sa kanila. Bahala sila magpatayan. I was about to make my pace a little faster nang may bumangga nanaman sakin at sa lakas ay tumilapon yung bag ko at napaupo ako sa sahig. Takte! Bakit ba lagi nalang ako binabangga. Akmang tatayo na sana ako sa pagkatumba ay may kamaong dumapo sa pisngi ko.

Hinay-hinay akong tumingin kung saan yun galing. Takte. Blake punched me? Bwisit nanahimik lang akong naglalakad at madadamay ako? Kita ko namang napatigil ang nakapalibot sa kanilang mga estudyante.

"Huy! Si Kaliya nasuntok!"

"Kawawa si Kaliya nadamay pa!"

"Blake naku! Baka umiyak yan!"

Ano daw? Baka umiyak ako? Takte baka yang gunggong na Blake ang iiyak pag gumanti ako.

Magsasalita sana si Blake nang sinuntok bigla ni Axcel.

"Tangina pre! Babae sinuntok mo?!" Sigaw ni Axcel.

At ayun nagsuntukan nanaman sila. Oy teka hindi ako aalis hangga't di pa ako nakaganti. Inawat ng apat na lalaki ang dalawa. Naglakad naman ako patungo sa kanila. Hinila ko ang uniporme ni Axcel para makaharap ko ang Blake.

"Ikaw sumuntok sakin?" Malamig kong tugon. Nakita ko namang napalunok ang umaawat.

Napahawak ako sa panga ko. Sinenyasan ko ang umaawat na umatras. Nang makaatras na sila ay sinuntok ko sa mukha si Blake at agad naman itong natumba at sa isang suntok na yun ay dumugo yung ilong niya.

"Tangina mo." Bulong ko at natigilan naman ang pumapalibot sa ginawa ko. Anong akala niyo sakin? Iiyak pagnatamaan?

Hinarap ko si Axcel bago muli tinignan si Blake. "Dalhin niyo mga sarili niyo sa clinic."

"At kayo." Turo ko sa mga umaawat na parang mga kaibigan ng dalawa. "Siguraduhin niyo na hindi na yan mag-aaway."

Tumalikod agad ako at kinuha yung bag ko. At nakita ko naman na dumating na yung driver na susundo sakin agad akong sumakay sa likod.

Crym CityWhere stories live. Discover now