UMPISA

58 1 0
                                    

CLARK'S POV

Limang araw na ang nakakalipas mula ng maghiwalay kami ni Issa. Hindi na talaga niya ako kinausap. Pero palagi kong chinecheck yung social media accounts niya nagbabakasakaling may updates tungkol sa kanya. Di ko parin lubos matanggap na wala na talaga.

Binuhos ko ang oras ko sa gym at ginawa kong distraction ang pag woworkout para lang maalis sa isipan ko yung mga nangyari. Kasama ko sila Jay. Hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko, palagi nila akong dinadamayan kaya lumalakas ang loob ko. Alam na rin nila Mommy at Daddy na hiwalay na kami ni Issa. Si Mommy ineencourage ako na mag move on at hayaan na siya. Una palang ayaw na niya kay Issa e, mother's instinct daw. Alam daw niya na di siya makakabuti para sakin. Halos palagi kaming nagtatalo ng dahil doon. Sobrang sakit pag pamilya mo di ka supportado sa taong mahal mo, lahat ng paglalaban ginawa ko, pati pamilya ko nakakalaban ko minsan pero wala parin, iniwan niya parin ako. Di pa siguro sapat yung mga pagtatanggol ko sa kanya. Haay sobrang dami kong iniisip. Di ko parin ma wari sa isipan ko na baka kasalanan ko nga talaga ang lahat.

Palabas na kami ng gym ng biglang umulan ng malakas!

"Wow naman! Ngayon pa umulaaaaaaan e may date kami ni Anna!" gigil na sinabi ni JR. Natawa kaming lahat! Pagdating din kasi sa girlfriend niya, tumitiklop siya.

"Mamamatay ka ba pag di kayo nakapagdate ng loves mo? Aga aga pa! 5pm pa labas nun alas dos palang!" pabirong sinabi ni Rio kay JR na lalo naming mas kinatawa

"Oo mamamatay ako! Oh my Anna! Hintayin mo lang ako, mahal na mahal ki....." bigla siyang binatukan ni Jay!

Sobrang lakas ng mga tawa namin sa mga oras na yun. Nakakagaan ng loob, nagtatawanan lang kami habang hinihintay naming tumila ang ulan.

Nakakakalma talaga ang ulan. Para bang daan yun ng mundo para sabihing huminga ka muna— meron akong naalala. Si Rein. Katunog ng ulan ang pangalan niya.

Habang naglalakad kami pauwi, naramdaman kong kumulo ang tiyan ko! Sobrang lamig ng pakiramdam ko, nagsitayuan mga balahibo ko sa katawan at ang lamig ng mga pawis ko. Alam ko tong ganitong pakiramdam e! Kailangan ko ng CR!!! Nakakahiya pero palagi nalang nangyayari sakin to, kahit saan lugar nalang. Animo'y sumpa!

Di ko na kayaaaaaaaaang pigilan to! Baka bigla akong magkalaaaat!!!!

"JAY!!!" sambit ko habang pinapawisan sa pagpipigil. "Pwede ba maki CR???"

Natawa si Jay! Alam na alam na niya ibig kong sabihin kung kaya't dali-dali kaming nagpunta sa boarding house nila. Buti nalang talaga malapit lang yung gym sa kanila! Pagdating sa pintuan, inunahan ko na siyang pumasok (kala mo boarder e HAHAHAHA) Dali-dali akong nagtungo sa cr at sinara ang pintuan.

Haay salamat! Muntikan na ako dun! —— paglabas ko, tinatawanan ako ni Jay at binato ng t-shirt.
"Bro palit ka muna! Mukhang nahirapan ka masyado" sambit niya habang tumatawa. Natawa rin ako dahil basang basa nga yung damit ko. Para akong nakipagdigmaan sa sobrang pawis ko.

Umupo ako at nagpalit. "Salamat bro! Di ko ba alam. Bigla nalang kasing kumukulo tiyan ko kanina. Pero di na ko nagtaka. Palaging ngyayari sakin to e" sabi ko habang tumatawa

"Baka bulate na yan bro!" biro ni Jay
"Hoy wala akong bulate bwisit ka!"
Tawanan kaming dalawa ng may pumasok sa pinto.

"Haaaaaay naku basa na naman sapatos ko! Nakakaloka talagaaa!" sabi ng pumasok habang sinasarado ang pintuan na ba tila ba'y nangigigil sa ulan.

Umuulan na naman pala.

Humarap samin yung babae— si Rein pala! Natawa kami ni Jay sa itsura niya. Nakasimangot siya habang tinatanggal ang sapatos niya.

"Hay naku Reinaleen. Badtrip na badtrip ka na naman jan!" patawang biro ni Jay sa kanya "Nakasimagot na naman yang mukha mo!"

"Kasi Kuya kakalaba ko lang nung sapatos kooooooooo! Lalabhan ko na naman ulit" sambit niya habang naka sad face. Nagkatinginan kami. Nakita niya akong tumatawa din "Tawa ka rin Clark!" lalo akong natawa.

"Aakyat muna ako, bihis lang tas labhan ko na sapatos ko. Puti pa naman!!!" sabi niya habang naglalakad paakyat ng kwarto niya

"Pasensya kana dun ah. Kulit talaga niyan e, bilis pa mapikon!" sabi ni Jay "Pero mabait yan, palatawa. Para kaming nagkaroon ng nakababatang kapatid dito noong dumating siya"

"Diba sembreak na, bat di siya umuwi sa kanila??" tanong ko kay Jay

"Nasa Amerika pamilya niya. May mga kamaganak naman siya sa Quezon pero di daw sila close masyado kaya dito nalang daw siya. Kawawa nga e. Laging nagmamadali at natataranta yan pag 9:30 na ng gabi. Oras kasi nila yun ng pamilya niya para magusap online. Alam na namin pag biglang nawala wifi sa mga oras na yun, madalas kasi nirerestart niya para kahit papano bumilis. Tatlo lang kami ngayon dito sa boarding house kaya mejo tahimik" kwento ni Jay

Hirap siguro ng ganun. Yung wala kang kasama, yung mag isa ka lang na nabubuhay. Sila Jay pag naisipang umuwi sa bahay nila, kayang kaya kasi malapit lang pero si Reina, sobrang layo ng Amerika para makasama niya ang pamilya niya.

Narinig namin yung pagbaba niya ng hagdan. May dala dalang sabon panlaba at brush.

"Labhan ko lang yung shoes ko ah. Iwan ko muna kayo"
"Hoy! Wag mo kaming iiwan. Katatapos lang maiwanan si Clark tas iiwan mo rin???" pabiro ni Jay

Naramdaman ko talagang namula yung pisngi ko sa hiya. Nahampas ko siya e! Tawang tawa siya

"Bro, parang tanga!" sabi ko

"Okay lang yan, babalik ako...di kita iiwan" pangiting sabi ni Rein bago lumabas para maglaba

Shet. Alam ko joke yun—— pero ba't ang bilis ng kabog ng puso ko?

———————

HELLO GUYS! Thank you at nagbasa kayo hanggang dito ☺️ Please comment and share this book! Unang libro ko kasi to, di ko alam kung gusto niyo ba yung takbo ng kwento kaya sobrang malaking tulong po kung mababasa ko mga critics o comment niyo.

Maraaaaming salamaaaat!!!!

#TeamClarEin

SANA TAYO PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon