PAGKILALA - Ikatlong Yugto (Clark)

53 2 0
                                    

CLARK'S POV

*ting* REIN

"Good mooooorningg po! Gising gising na! Don't forget to remind yourself that today everything is gonna be alright!"

*Alarm Clock Ringing* 5am
Aba! Ano't napaka aga naman at gising na tong babaeng to!— napaisip ako habang ino-off ang alarm clock ko

"Napaka aga mo naman girl! Hulaan ko, dalawa lang yan e. It's either di ka natulog o di ka talaaaaga natulog magdamag HAHAHAHAHAHA Ikaw pa e tulog mantika ka! Good morning!"

"HAHAHAHAHAHAHAHA AYOKO NA NGA NAPAKABULLY NIYO TALAGA SAKIN! May tinapos kasi akong painting. Kilos na ko, see you sa school!!!"

"O diba tama ako! HAHAHAHA! See you later, mag iingat ka! Napakapuyatera mo!"

Halos araw araw, ganyan na ang umpisa ng umaga ko. Kung di si Rein ang nambubulabog sa cellphone ko, ako ang nagpapasabog ng phone niya para magising siya! Gantihan nalang siguro!

It's been 3 months since nag break kami ni Issa ang balita ko sila parin nung ipinalit niya saakin. I'm happy for her actually, I am genuinely happy for the both of them. Nagkakasalubong kami minsan sa school and nginingitian ko lang siya. Ang dami nang nagbago at ang dami kong natutunan on the process. I've progressed and matured in many ways. All thanks sa mga kaibigan ko, family at lalo na si Rein. Di siguro ako makakabangon kung wala sila.

Bumaba na ako at nakita ko sa kitchen si Mommy na nakapaghanda na ng breakfast naming lahat. Binati ko siya ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi bago umupo para kumain.

"Wow good morning na good morning tayo anak ah! Kakaumpisa palang ng umaga diba? Saya saya mo na agad? Ngiti ka ng ngiti Sana all naman!" patawang bato sakin ni Mommy "Kailan mo ba siya balak ipakilala samin ng malaman namin kung sino nagpapangiti sayo ng ganyan!"

"Hala Mommy....wala... sus, ano ka ba naman.." utal utal kong naisagot sa kanya

"Anak, nangaling ka saakin. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo kaya wag ka na maglihim sakin"

"Mommy kasi, natatakot ako na baka ayaw niya sakin, baka kaibigan lang pala ako para sa kanya, na baka di niya ako magustu...." nang biglang nagsalita ang Daddy na nasa likuran ko lang pala

"Anak, di mo malalaman ang sagot kung puro "baka" ang nasa isip mo. Sasabihin mo lang naman sa kanya na mahal mo siya, di mo naman hihingiin na mahalin ka rin niya kung di naman pala. Sugal to anak. Pero ang mahalaga sumugal ka para sa sarili mo para malaman ang dapat mong malaman. Di masama ang mag mahal. Ang masama kung di mo kahit kailan man masasabi sa taong yun ang tunay mong mararamdaman, baka sa huli pagsisihan mo. Ikaw lang pala hinihintay niya" sabi ni Daddy

Napatayo ako sa kinauupuan ko at niyakap silang dalawa. "Maraming salamat Mommy, Daddy"

"Basta masaya ka anak, masaya na rin kami. Ganun ka namin kamahal" sabi nang Mommy ko sakin at sabay nila akong nginitian ni Daddy.

Napakaswerte ko sa mga magulang ko. Maraming salamat Lord!

*Riiiiiiiing*

LUNCH BREAK NA! — Agad agad kong pinuntahan si Rein para yayain kumain. Nakagawian na naming sabay sabay mag lunch nila Jay kasama sila Rein, Layla at boyfriend niyang si Renz.

"Rein tara na!" yaya ko sa kanya habang nasa loob pa siya ng class room.

Paglabas niya agad niya akong binulungan, "Famous ka pala dito sa school eh! Hahaha kilala ka ng mga kaklase ko magaling ka daw sumayaw! PATINGIN NGA!!! Dami mo nililihim sakin ah! Ano pa ang di ko alam sayo?" pabiro nitong tanong sakin habang tumatawa kaming dalawa.

Napakadami Rein pero malapit ko nang sabihin sayo— kako sa isip ko

"Hoy! Sample na!" sabi ni Rein sabay hampas ng libro niya.

Iniabot ko sa kanya libro ko "Oh hawakan mo saglit" sambit ko bago mag Free Style sa harapan niya at ng mga kaklase niya na agad namang nakatawag ng pansin ng iba. Biglang umingay paligid ko at dumami ang tao.

"Naks naaaaaman!!! Galing mo pala sumayaaaw e!!!" tuwang tuwang sabi ni Rein habang pumapalakpak nang biglang may nagsalita sa mga kaklase niya,

"Uy guys si Issa, tara na!" at agad namang dumistansya ang mga tao. Nagkatinginan kami ni Issa, kasama niya ang boyfriend niya, si Jerome. Di siya ngumiti at dinaanan niya lang kami.

"Grabe napaka selosa niyan maski dati pa, ayaw niyang nag ccheer kami para ka Clark. Sinusungitan niya kami lagi! Kaya nga di na sumayaw si Clark dati e para di sila mag away ni Issa. Parehas naman silang sumasayaw" sabi nung isang estudyante.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Mahal na mahal ko ang pagsasayaw pero dahil kay Issa sinuko ko rin ito.

Hinawakan ako ni Rein sa balikat ko, "EH SOBRANG GALING NAMAN KASI!! SUMAYAW KA LANG! Wag mong isusuko ang mga mahal mong gawin dahil lang sa ibang tao!" sabay ngiti at hila sakin para makapag Lunch na kami.

Kakaiba ka Rein. Kahit masasakit na bagay at pangyayari sa buhay ko napapagaan mo!

Pauwi na kami. 7pm natapos last class ko. Hinihintay ako nila Jay, Rio, JR at Rein sa quadrangle kasi sabay sabay kaming pupunta sa boarding house nila Jay. May tatapusin kaming group project sa Rizal kaya mag oovernight kami. Pagbaba ko para puntahan sila nakita ko si Rein, nakatulog na sa lamesa kakahintay sakin. Wala pa pala siyang tulog kaya maaga siyang nag text kanina. Dala ni Rio sasakyan niya ngayon kaya di kami mag cocommute. Pinabuhat ko kay JR ang bag ko at binitbit naman ni Jay gamit ni Rein. Dahan-dahan ko siyang binuhat nang di siya magising.
NAPAKABIGAT NAMAN NG BABAITANG TO!!! Jusmio!!! — kung di lang kita mahal e!
As expected, tulog mantika ang lola mo. Di talaga siya nagising, I mean dumilat siya pero nung nakita niya na ako lang pala, natulog ulit. Hayy naku Inday! Diba napaka kampante? Hahaha

Pag dating ng boarding house, pinahiga ko siya sa sofa at kinumutan ko ng jacket ko. Sinumulan na namin yung project namin sa Rizal. Nahirapan kami kasi may part na kailangang may gawing slogan at poster, di naman kami marunong sa arts! Naisip ni JR na gisingin si Rein na agad kong binara! Natawa si Jay sakin, "Bro, kailan ka aamin? Nahahalata ka na naming lahat"

Nagulat ako. Ganun na ba talaga ako ka obvious?
Napangiti ako, tinignan ko si Rein na natutulog lang sa sofang nasa likuran ko "Malapit na bro, malapit na malapit na"

SANA TAYO PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon