PAGKILALA - Ikalawang Yugto (Clark)

43 2 0
                                    

CLARK'S POV

Mag iisang buwan na mula noong iwanan ako ni Issa. Hindi na niya ako kinamusta o kahit ano manlang paramdam. Nalaman ko nalang na may boyfriend na pala siya noong nabanggit sakin ng kaibigan niya. Sinubukan ko kasing maki balita, at ayun na nga.

Siguro kaya siya nakipaghiwalay sakin dahil may iba na siya. Kaya siguro lagi nalang siyang cold noon, ni ayaw niya akong makasama o makita manlang. Ngayon alam ko na—— never kasing sumagi sa isip ko na magagawa sakin yan nung babaeng pinagkatiwalaan ko. Buong buo ang tiwala ko sa kanya kaya nakampante ako. Pero di naging sapat.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib kung kaya't tinext ko si Rein.

"Rein, alam ko na kung bakit siya nakipaghiwalay sakin. Sobrang sakit. Bumabalik na naman yung sakit. Nasaan ka? Pwede ba tayong magkita?" (SENT)

*ting*
"I'm sorry to hear Clark. Asan ka ngayon? Pupuntahan kita"

"Dito sa dagat. Hihintayin kita" (SENT)

Di na siya nagreply pagkatapos.

Habang pinapanuod ko ang paghampas ng alon sa dagat, para ba akong hinihila nito papalapit.

Gusto kong malunod sa tubig para mawala lahat ng sakit.
Kasalanan ko! Kasalanan ko kung bakit ako iniwan at pinagpalit ni Issa. Hindi ko maalis sa isipan ko na magagawa sakin ng babaeng pinakamamahal ko sakin to. Lahat ng tiwala binigay ko sa kanya, nakampante ako masyado. Sobrang sakit di ko mapigilan ang pagluha ko.

Dahan dahan akong dinadala ng mga nanghihina kong paa papunta sa dagat ng biglang may humila sakin at wala ano ano'y niyakap ako—— nang makita ko kung sino siya lalong nanghina ang tuhod ko, napaupo kaming bigla at bumuhos pa lalo ang luha ko. Napakabigat ng nararamdaman ko pero di ako sinukuan ng taong eto, paulit ulit niyang binubulong sakin na magiging maayos din ang lahat—— di niya ako iniwanan, di niya ako binitawan hanggang kumalma ako.

Di niya ako sinukan.... si Rein— andito siya. Sinagip niya ako...

SANA TAYO PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon