PAGKILALA - Ikatlong Yugto (Rein)

44 1 0
                                    

REIN'S POV

Mga 3:30 am na nang bigla akong nagising at nagulat dahil sa sofa ako nakatulog! Teka? Paano... ah naalala ko na! Shocks nakakahiya! Binuhat pa ata ako ni Clark hanggang bahay! — biglang meron akong nahawakan! Si Clark! Nakatulog siya sa tabi ko, nakasandal yung ulo niya sa may sofa habang naka upo sa sahig ng salas namin. Tinignan ko ang paligid at nakita kong nagkanya-kanyang posisyon sila Kuya Jay, Rio at JR sa pagtulog sa upuan. Natawa ako pero naawa ako sa itsura nila. Di pa ata nila natatapos yung project nila.

Dahan-dahan akong tumayo, iniwasan kong magalaw ang pagkakapwesto ni Clark. Pinatong ko yung jacket sa katawan niya bilang kumot at dahan dahang nilapitan yung project nila sa table.

Hmmm. Kaya naman pala mga nagsi-tulog na ang mga to kasi drawing na yung kasunod— natatawang sabi ko sa sarili ko. Kung kaya't umakyat ako sa kwarto at kinuha ang mga gamit kong pangkulay. Inumpisahan ko yung poster nila, mga 4:45 am na ako natapos, sinunod ko naman yung sketch ni Rizal. Dahil walang maupuan at nangangalay na yung paa at likod ko, umupo ako sa sofa kung saan ako humiga. Nahirapan ako sa posisyon ni Clark na nakaupo sa sahig kaya pinalipat ko siya sa sofa— akala niya siguro nananaginip siya  kasi sumunod lang siya nang di dinidilat mga mata, pinahiga ko siya at inalalayan ang ulo niyang ihiga sakin.

Hahaha kala ko ba ako lang tulog mantika? Ikaw rin pala e!

Habang natutulog sila, tinapos ko ng tahimik yung project nila. Siguro mga 5:30 am na ako natapos mag sketch. Nakita ko yung oras at deadline nila ngayong umaga pala! 8 am sharp! Nataranta ako! Naisip ko, maliligo pa sila isa isa, kakain pa— sino magluluto sa kanilang apat e mga tulog pa sila baka di sila umabot sa deadline. Kaya dahan dahan ko ulit binaba sa sofa ulo ni Clark. Nagsaing na ako at nagpapakulo ng tubig. Pagbukas ko ng ref kumuha ako ng mga itlog at sibuyas. Nagbukas din ako ng corned beef.
Sinimulan ko na ang pagluluto (nang tahimik! hirap ah!)
Patapos na ko sa pagluluto nung tinapik ako ni Clark! GRABE MUNTIK KO NA SIYA MAHAMPAS GAMIT YUNG PINGGAN!!!! Buti nalang at di ako napasigaw!

"Good morning!" bulong niya tapos nag punta sa cr.

Napangiti lang ako.

Paglabas niya ng cr, inabutan ko siya ng coffee.
"Mainit, dahan dahan ha" babala ko sa kanya

"Salamat! Asan yung good morning ko?" tanong niya

Wow demangding ah!

"Good morning tulog mantika!" tawa kong pagbati sa kanya

"Ikaw kaya yun. Pinapasa mo pa sakin" sabi niya habang umiinom ng kape

"Sabi mo e! Kaya pala di mo maalala na pinalipat kita sa sofa, pinag unan kita sa legs ko at kinumutan hahaha"

Gulat siya e. Bigla niyang naalala.

"Akala ko nananaginip lang ako hahaha" tawanan kaming dalawa. "Kaso di kami natapos! Yari kami mamaya!!!" Nag papanic na siya, binaba niya yung kape niya at gigisingin na sana sila Kuya Jay— pinigilan ko siya!

"Wag mo sila gisingin. Mga puyat din yan e" kako sa kanya
"Di pwede baka bumagsak kami sa Rizal naku bat ba kami nakatulog?" pagsisisi niya

Cute mo naman kabahan hahahaha — tatawa na sana ako pero tinitignan ko lang siya

"Hayaan mo na. Papasa naman kayo e" sabi ko

SANA TAYO PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon