PAGBANGON

75 1 0
                                    

CLARK'S POV

"Lord kunin mo na ako! Di ko na kaya itong sakit na nararamdaman ko!" Dasal ko sa simbahan habang umiiyak. Kulang nalang magwala ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

3 years. Tatlong taon kong iningatan ang relasyon namin ni Issa. I gave her everything I can, and tried my hardest to give her everything I cannot para lang ikeep ang relationship namin pero at the end natalo ako. NATALO LANG AKO! Bigla niya akong iniwan. Nakipaghiwalay siya sakin ng walang sapat na dahilan. Napagod na daw siya.
Di ko malilimutan yung mga huling salitang binitawan niya. Paulit-ulit-ulit kong naririnig, paulit-ulit din akong namamatay!
————

"CLARK AYOKO NA! Parang awa mo na't pabayaan mo na ako!!!" pasigaw niyang sinabi sakin sa open ground sa school. Nagulat ako. Hindi ko alam kung ano ba nagawa ko. Katatapos lang ng sem at gusto ko sana siya makasama pero ganito?

Sa sobrang ayaw kong mawala siya sakin, lumuhod ako sa kanya at nagmakaawa. Kahit anong iyak at pagpupumilit ko, wala na talaga. Sa isip ko pinagdarasal ko na sana di niya sasabihin yung mga salitang ayaw kong marinig pero.....

"HINDI NA KITA MAHAL!!!!"
..sinabi na niya. Durog na durog ako. Pero alam ko sa sarili ko at nangako na lalaban ako hanggat mahal ako ng taong mahal ko kahit mahirap, ngunit ang piliting manatili ang taong di na ako mahal ay hinding hindi ko gagawin. Kaya nang sabihin ni Issa ang mga katagang yan, kahit sobrang sakit, unti-unti akong bumitiw sa pagkakakapit sa mga paa niya at hinayaan ko siyang umalis.

Tinatanaw ko siya hanggang sa di ko na siya makita. Wala na siya. Alam ko wala na siya.

Nilapitan ako nila Jay, Rio at JR. Awang-awa sa sitwasyon ko. Pilit nila akong itinatayo. Pero di ko maramdaman ang mga paa ko. Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko kay Issa para gawin niya sakin to.

"Bro, tumayo ka na ang dami ng nakatingin sayo. Maawa ka sa sarili mo tara na" sabi ni Jay habang inaalalayan nila akong bumangon.

Para akong namanhid. Pero bumangon ako. Pagtayo ko niyaya ko sila sa simbahan at sinamahan naman nila ako. Dahil siguro sa awa kaya di nila ako iniwan.

Pagkatapos kong mapagod kakaiyak sa simbahan, nilapitan nila ako at inalok na ihahatid pauwi pero tumanggi ako. Kung kaya't nagyaya silang uminom para daw madamayan nila ako. Pumayag ako. Papakalunod ako sa alak! Gusto kong makalimot kahit pansamantala manlang, makalimutan ko ang sakit.

Namili sila ng alak. Nag ambag nalang ako at hinintay ko sila sa pintuan ng grocery. Wala na akong lakas maglakad lakad. Awang-awa ako sa sarili ko kanina. Naalala ko na naman. Kumikirot puso ko. Di ako makapaniwala na wala na kami ni Issa. Bigla nalang akong natutulala. Nang biglang naramdaman ko kamay ng mga kaibigan ko sa balikat ko. Sobrang pasasalamat ko na kahit papano may masasandalan ako. Nginitian ko sila. Pilit na ngiti, sobrang hirap.

"Tara na bro. Sa boarding house nalang tayo. Kahit samin kana matulog" sabi ni Jay sakin. Gumaan ng bahagya pakiramdam ko

Pagdating sa boarding house nila, napaupo ako bigla. Habang sila Jay hinahanda yung mga gagamitin naming mga baso. May kausap siya noong mga oras na yun pero wala akong lakas tignan kung sino. Narinig ko lang pangalan niya, at nung binati niya kami, ako pa pinakahuling nag "Hi". Kumabaga, para akong echo ng mga kaibigan ko. Ni wala akong lakas magsalita dahil sa mga ngyari.

9:30 to 10 pm tinatawagan at text ko phone ni Issa, naka ilang missed calls din ako pero di ko na dinagdagan. Baka mas lalo siyang magalit sakin. Nagbabakasakali parin ako na sagutin niya at baka mapag-usapan pa namin.

"Bro, diba magic word mo na yung sinabi niya? Alam niya naman na pag sinabi niya yun sayo ibig sabihin wala na talaga. Hindi yun aksidenteng nasabi lang. Sa tagal niyong nagsama, sa lahat ng away na pinagdaanan niyo di niya sinabing di ka na niya mahal, ngayon lang" batid ni Rio

"Di manlang niya pinili yung lugar na magsisisigaw siya ng ganun! Awang awa kami sayo bro. Kulang nalang hilain ka namin kanina sa sobrang pagmamakaawa mo. Pero iniwan ka parin niya e" sabi ni JR.

"Sobrang sakit lang kasi. Hanggang ngayon umaasa ako ba baka nabigla lang siya na baka na........" bigla kong naramdaman ang pagyugyog sakin ni Jay.

"Clark, makinig ka. Kung gusto mong umasa na babalik si Issa hindi ka namin pipigilan. Pero isipin mo rin ang sarili mo. Hindi kami nandito para itolerate yang mga iniisip mo ngayon. Sa totoo lang, gusto kitang sampalin sa katotohanan na WALA NA siya e dahil yun ang totoo. Di mo kami naging kaibigan para lang sa wala. Gusto ka naming tulungan bro, pero sana tulungan mo rin ang sarili mo"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Napaisip ako sa sarili ko— Pano ba ako magsisimula ulit? Pano ko ipapahinga yung puso kong sa kanya lang kumakalma? Mahal na mahal ko si Issa. Mahal na mahal. Sana nga ganun kadaling bumangon at makalimot. Hay.

Tinuloy namin ang pagiinom. Mga bandang 11pm humiwalay muna ako sa mga kaibigan ko. Kailangan ko ng hangin at mapag-isa. Lumabas ako sa may dirty kitchen nila. Tanaw ko ang buwan at mga bituin sa parteng kinauupuan ko ng mga oras na yun. Di ko maiwasang di malungkot at magmukmok. Kumirot na naman ang puso ko, bigla bigla nalang akong umiyak. Di ko mapigilan ang pag hagulgol ko, ganun pa man sinusubukan kong di ako marinig nila Jay. Sobrang hirap at doble ang sakit ng mga iyak na walang tunog. Di ako makahinga pero di ko mapigilan. Narinig ko si Jay, pinapapasok na ako sa loob dahil malamok daw pero di ko siya pinansin.
Maya-maya biglang may boses akong narinig sa likuran ko, boses babae. Pero wala talaga akong lakas kahit lumingon manlang.
Di ako makapagsalita.
Tinabihan niya ako at binigyan ng tubig.

"Tubig? Inom ka muna" sabi niya habang inaabot yung baso sakin. Sinubukan ko siyang nginitian habang nagpapasalamat. Naalala ko boses niya. Siya yung kausap ni Jay kanina.
Rein. Rein ang pagkakarinig ko sa pangalan niya.

Nagkausap kami. Pero di ko nagustuhan yung pag tawag niya kay Issa na "isang babae lang" hindi ordinaryong babae si Issa. Kaya sa inis ko, nasigawan ko siya.

Nakikinig ako habang nagsasalita siya.
Gumagaan pakiramdam ko. Pwede pala yun?
Kahit di mo kakilala yung tao, pwede kayong magkaintindihang dalawa.

Napangiti ako at nagpasalamat sa mga payo niya.
I needed more words like that. Di ko alam kung may experience na siya sa breakup pero parang alam na alam niya mga sinasabi niya.

Gumaan ang loob ko.

SANA TAYO PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon