SIMULA

198 4 0
                                    

Magsimula tayo sa simula— mga panahong di pa tayo magkakilala. Ika'y ikaw at ako'y ako, walang tayo.
—————————

REIN'S POV

Ako si Rein, 19 years old, ordinaryong babae lang at kasalukuyang nagaaral sa isang unibersidad dito sa Maynila. Hindi ako pinanganak at nag aral dito sa Pilipinas kung kaya't nasa stage pa ako ng adjustment bilang isang estudyante sa isang bansang di ko pa lubos nakikilala. Fine Arts ang kinuha kong kurso dahil sa pamamagitan ng drawing at sketch naibubuhos ko ang aking mga nararamdaman lalo na ang pagkamiss ko sa aking pamilya't magulang na nasa Amerika. Dito ako nagaral ng college dahil gusto ng Daddy ko na maging independent ako at matutong tumayo sa sarili kong mga paa. I was always his pride and joy. Naniniwala siya sa kakayahan ko kaya pumayag ako.

Sa isang boarding house malapit sa school ako tumutuloy. Masaya naman maging estudyante lalo na at marami akong nakikilalang mga tao. Buti nalang at naturuan ako nila Daddy at Mommy ng wikang tagalog habang ako'y lumalaki.

Last day na ng unang semester namin at nasa huling subject na ako. Sobrang excited na akong makapagpahinga ng makatulog ng mahaba-haba. Kaya nung marinig ko ang bell, hudyat na tapos na ang klase, dali-dali akong tumayo't lumabas.

"Rein!" sigaw ng isang boses na humahabol sakin.
Paglingon ko si Layla lang pala! Siya ang pinaka una kong naging kaibigan. Sobrang bait at maalalahanin niya.
"Di ka ba sasama? Ise-celebrate ng buong section ang first semester girl! Sumama ka na! Wala ako makakasama eh. Please please please!" pagmamakaawa niya na may pa sad face pa! "Hahaha! Sige na nga! Basta kailangan kong makauwi bago mag 9pm ah" sabi ko. "Yay! Thank you! I promise before 9pm uuwi na tayo!"
——

(Time check 8:12pm)
Nag celebrate kami sa isang resto bar, lahat masaya! Natapos namin ang unang sem namin sa college, meaning we are one semester down! Victory ikanga! Di ko namalayan ang oras. Kaya nung nasilip ko yung relo ko bigla akong nataranta at nagyaya ng umuwi
"Layla uwi na tayo!"
"Bakit ka nagmamadali?"
"You promised before 9pm uuwi na tayo. Every 9:30pm kasi naguusap kaming lahat nila Daddy via videocall, I don't wanna miss it kaya please?"
"Sige na nga. Paalam na tayo"

After namin magpaalam, we parted ways. Umuwi na kami. Pagdating ko ng boarding house dali-dali akong umakyat sa kwarto ko. 9:15pm na nun, mejo natraffic kasi ako sa daan. Di ako maka-connect sa wifi. Mejo mahina yung router sa boarding kailangan lagi nirerestart para ma boost kaya bago ako bumaba para iboost, nagsend ako ng message sa mga ka boardmates ko, baka kasi magulat sila nawala na ng tuluyan yung connection ng napakabiliiiiissssss naming internet! SENT! Tapos takbo!

Para akong may hinahabol sa bilis kong bumaba ng hagdan na kahoy pamandin kaya mainggay. Nang mahawakan ko ang router bigla ko siyang pinindot, "restart" 30 seconds. Biglang bumukas ung pinto, si Kuya Jay— kaboardmate ko.
"Uy Rein! Nakikipag-away ka naman sa wifi na yan? Hahaha"
"Hay naku Kuya Jay, di na to nagbago. Palagi nalang kailangang i-CPR para mabuhay" sabi ko habang tumatawa
"Siya nga pala, mga kaklase ko. Si JR, Rio at Clark"
"Hello po!" Bati ko sa kanila
Mag se-celebrate daw sila dahil tapos na din sem nila.

Nung nag green na ung ilaw sa router nagpaalam muna ako. Sa wakas nakausap ko rin sila Daddy! I always look forward sa mga oras na to. I miss them at ito lang ang way na makapagusap kaming lahat kahit malayo.

After two hours ng paguusap, nag bbye na sila Daddy at papasok na sila sa work. Bumaba ako para kumuha ng tubig, siguro mga 11:30 pm na rin yun.

Sila Kuya Jay, JR at Rio nasa sala naguusap at umiinom. Di nila ako napansin na dumaan. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig ng may marinig akong umiiyak.
Sa may dirty kitchen sa labas, nakita ko si Clark, umiiyak.
Gusto ko sana siyang lapitan pero di ko ginawa dahil di ko naman siya kakilala ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Clark! Pumasok ka na! Malamok jan. Di ka mamatay sa pag-iwan ni Isaa sayo pero sa dengue OO"
Pero wala siyang imik.

Kaya pala siya umiiyak. May pinagdadaanan siya.

"Rein, kausapin mo nga yan. Di namin mapatahan e. Kanina pa yan. Kulang nalang iwanan namin siya sa simbahan kanina. Naaawa nga ako eh. Babae ka, baka sayo makinig siya. Baka sakaling maipaliwanag mo kung ano man yung possibleng dahilan kung bakit siya iniwan" pagmamakaawa niya
"Kuya nahihiya ako e, di ko siya kilala"
"Mabuti nga yun e. Di kayo magkakilala. Minsan mas magandang huminggi ng payo sa iba" sabi niya bago bumalik sa sala.

Ano naman sasabihin ko? Baka ipagtabuyan niya ako? Pero sige susubukan ko. Alam ko kasi feeling ng mag isa at walang kausap. Mahirap magkimkim ng nararamdaman

Uminom muna ako ng tubig. Kumuha din ako ng isa pang baso ng tubig para sa kanya. Nilapitan ko siya.

"Hi" kabado kong pagbati pero wala siyang kibo.
Umupo ako sa tabi niya at iniabot ang baso ng tubig.
"Tubig? Inom ka muna"
Tinignan niya ako. Kitang kita sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman niya
"Salamat.......Rein diba?" tanong niya
"Oo" sabay nginitian ko siya ng konti "Reinaleen, pero Rein nalang"
"Salamat sa tubig" sambit niya matapos uminom ng konti
"Pasensya kana ah.  Ayoko sanang pakealaman ka pero if you need someone to talk to, I can listen. Mahirap yang may kinikimkim ka"

Jusko Rein anong ginagawa mo???? Feeling close ka? Mapapahiya ka pag di yan nag open sayo!

Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita...

"Wala siguro akong halaga kaya laging hindi ako pinipili. Mahal na mahal ko siya Rein. Mahal na mahal ko si Issa! Handa na nga akong pakasalan siya. Handa akong ipaglaban siya pero bakit ganun? Bakit niya ako iniwan? Pag mahal mo diba dapat di mo iiwan? Sabi niya mahal niya ako pero umalis parin siya" tanong niya sakin habang umiiyak

Di ko alam kung pano ko siya dadamayan dahil walang kahit anong salita ang makakapagpawala ng sakit at lalim ng sugat na nararamdaman niya. Pero susubukan ko.

"Wag ka ng umiyak. Babae lang ya........"
"HINDI LANG BASTA BASTANG BABAE LANG SI ISSA!" pasigaw niyang sagot sakin. Nagulat ako. Kasalanan ko rin dahil mali yung choices of words ko.
"Hindi hindi. I didn't mean that. Sorry.  Ang gusto kong sabihin is, kung di ka man niya pinili, siguro may ibang tao pa na mas deserving at mas nababagay para sayo. Hindi naman lahat ng tao mag sstay sa buhay natin Clark. May mga taong aalis din pero kasabay nun, may mga lessons silang iiwan para may matutunan tayo sa chapter na yan ng buhay natin. Oo, hindi lang basta bastang babae si Issa dahil mahal mo siya. Siya ang mundo mo. Ginawa mo siyang mundo mo kaya nakalimutan mo ang sarili mo. MAHALAGA ka. Hindi ibig sabihin na dahil di ka pinili, di ka na karapat dapay mahalin at pahalagahan.  Unahin mo ang sarili mo lalong lalo na ngayon. Ipakita mong deserving ka. Wag mong kakalimutan yan. May halaga ka"

Tumahimik bigla ang paligid. Naririnig ko yung mabibigat niyang paghinga ng bigla siyang nagsalita.

"Tama ka" sambit niya "Sarili ko muna. Kung ikakasaya ni Issa na wala na ako, tatanggapin ko. Maging masaya lang siya." sabay bigay ng isang pilit na ngiti
"Kayang kaya mo yan! Lahat naman ng bagay mahirap sa una. Pero kakayanin mo to. Ngitian mo lang mga problema mo, wag kang papatalo!"
Nagkangitian kaming dalawa. Mas totoo na yung ngiti niya, mejo nawala ang lungkot sa mga mata niya.

"Salamat Rein" pasasalamat niya sakin

Di ko akalain na sa mga oras na yun, nakita na pala kita. Nakita ko na yung taong babago ng buhay ko.

SANA TAYO PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon