PAGKILALA - Unang Yugto

47 2 0
                                    

REIN'S POV

*Alarm Clock Ringing*

Waaaaa! Inaantok pa ako! Ano ba naman? Bakit ba kasi sobrang iksi ng gabi sa umaga?

7am na ng umaga ng tumayo ako. Inayos ko muna yung hinigaan ko bago bumaba. Magluluto na ng breakfast si Ate Cheska. Kararating lang niya galing work pero naka ugalian na niyang maghanda ng umagahan namin palagi. Tulong tulong kami sa boarding house na para bang magkakapatid na talaga.

"Good morning Rein-Rein!!!" bati ni Ate Cheska sakin habang pababa ako ng hagdan. "Akala ko di ka pa babangon e. Dinig na dinig namin yang alarm clock mo dito sa baba ni Jay!" sabi niya habang tumatawa

"Yuyugyugin na sana kita sa taas sa sobrang tagal ng alarm clock mo!" dugtong din ni Kuya Jay at nagtawanan na silang dalawa.

"Halaaaaa! Sobrang lakas ba? Bakit di ko naririnig" natatawang tanong ko sa kanila. "Sorry na poooo! Sa susunod uunahan ko na alarm clock ko na gumising!" pabiro kong sinabi na alam nilang di naman mangyayari!

"Kwento mo girl!" pambubully ni Ate Cheska sabay tawa

"Wag kami Rein! Mag hilamos kana at kakain na tayo" sabi ni Kuya Jay

"Grabe kayo sakin! Mag hihilamos at toothbrush na nga ako!" sagot ko habang tumatawa papunta ng banyo.

Paglabas ko ng cr nakahanda na yung pagkain. Sobrang bango ng luto ni Ate Cheska! Nakakagutom kaya naman kumain na ka kami agad agad. Pagkatapos kumain, niligpit ko na yung mga kinainan naming tatlo at hinugasan ko na.

"Akyat na ako Rein ha, alam mo na pagoda ang lola mo. Dami na namang stress sa work kaya need ko na mag beauty rest!" paalam ni Ate.

"Yes ate no problem. Ako na bahala dito sa baba. Sleep ka lang!" sabi ko habang paakyat siya ng hagdan.

Nasa labas naman si Kuya Jay. Pinuntahan siguro mga kaibigan niya sa kabilang boarding house. Hile-hilera kasi ang boarding house dito malapit sa UBelt. Dito kami sa Gastambide nagsstay. Halos puro estudyante ang mga andito kasi malapit sa mga schools namin, walking distance lang. Pwede naman mag jeep pero kung kailangan mo mag exercise mas magandang lakarin nalang din.

Pagkatapos ko maghugas ng pinagkainan, pinunasan ko na yung dining table at nagwalis ng sala at kusina. Diniligan ko rin yung mga halaman sa harapan para naman fresh sila palagi.

Pag tingin ko sa oras 8:30am palang pala! Sobrang tagal naman ng oras, pero pagmatutulog ako napaka bilis namaaaaaan.

Umupo ako sa sala. Binuksan ko yung TV pero di ko nagustuhan ang palabas kaya umakyat nalang ako sa kwarto pagkatapos kong ilock ang mga pintuan. Mag dodoorbell nalang si Kuya Jay pag dating niya.

Pagkaupo ko sa higaan ko, naalala ko sila Mommy. Dati sa Amerika pag vacation na after classes lagi kaming namamasyal ng magkakasama. Sobrang saya! Kaya lagi naming hinihintay ang vacation pero ngayon, mag-isa lang ako.

Hay. Sana kasama ko sila Mommy at Daddy. Miss ko na din mga kapatid ko kahit sobrang kukulit nila minsan —— napaisip ako sa sarili ko ng biglang......

*ting* ONE MESSAGE RECEIVED
Pagbukas ko, nag message si Layla!

Girl nasan ka? Kita tayo sa SM North, pleaseee? Miss na kita! Di mo ba ako namimiss? Wala ka ng nakikitang maganda jan kaya magpapakita na ako sayo. Sige na please! Gala tayo! Yes? Reply agad para makapagready na ako!

SANA TAYO PATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon