Chapter 51 (Suitor?)

446 10 0
                                    

CHAPTER 51 [Suitor?] :

Maya maya lang ay lumabas si Macy dala-dala ang bag niya.

"Nako! Macy.. salamat ah." nakangiting sabi n'ung babae sa kaniya.

"Walang anuman, sige aalis na ako." ngumiti pa si Macy.

"Ingat ka ha." wika ng babae.

"Macy!" tawag ko kay Macy na nakahawak na sa handle ng pinto.

Napalingon siya.

"Ahm.. h-hatid na kita."

Pakening sh*t! Bakit nautal na naman ako?

>>___<<

"Hindi na o---"

"Hahatid na kita." pangigiit ko.

"O-okay." Yes!

Lihim akong napangiti.

:)

Sasabay siya saakin. Mwehehehe.

( ◜‿◝ )♡

(灬º‿º灬)♡

"Sir, ito na po 'yung cupcakes." binigay naman na saakin n'ung babaeng kausap kaganina ni Macy 'yung cupcakes na naka-box.

"Enjoy." mapang-asar na ngumiti saamin 'yung babae.

"Ano? Tara?" pag-anyaya ko.

"Sige." aniya.

"P-pwede ba.. k-kitang.. ayaing kumain?" napapikit ako sa hiya.

(٥↼_↼)

Sh*t! Pakapalan na ng mukha 'toh.

"S-saan?" napadilat ako.

(・_・;)

"Sa kahit saan lang.. ikaw.. s-saan mo ba.. g-gusto?"

Napangiti siya. Gulat akong napatingin sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko.

"Tara!" aniya tsaka hinila ako palabas.

.

.

"Ano 'yan?" tanong ko d'un sa bilog bilog na ewan na niluluto sa kawali.

"Fishball ang tawag diyan.. 'di ka pa ba nakakakain niyan?" umiling ako.

Fishball?

"Paanong naging fish 'yan? May bilog ba na fish?"

"Pfft HAHAHAHAHAHAHA." napahalakhak pa siya.

O_o

Nagjoke ba 'ko?

"B-bakit ka.. tumatawa?" nagtatakang tanong ko.

O.O?

"Wala. Natawa lang ako sa kainosentehan mo. Ang fishball kasi galing sa pinagpira-pirasong isda 'yan, kasama ang patatas, carrots, bawang at itlog. Kailangang ilagay sa food processor. Kapag nailagay na sa food processor, kailangan pindutin 'yung Purée setting para maging mas pino 'yung timpla. Pagkatapos, ililipat sa isang mangkok para idagdag 'yung gawgaw at cassava flour tapos hahaluing mabuti. Tsaka titimplahan ng asin at paminta.."

"Tapos.. tsaka na bibilugin 'yun.. mga isang pulgadang bola. Sunod, papakuluan na 'yung mga bola kasama n'ung fish stock hanggang mamuo 'yung kulay. Kapag tapos na pakuluan, aalisin na 'yung mga fishballs sa tubig tsaka na piprituhin... Charan! Ayan na 'yung fishball." nalaglag ang panga ko sa mga ipinahayag niya.

My Goddess Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon