106

146 10 2
                                    

wednesday; 15:42

andito kami ngayon sa cemetery. kaunti na lamang ang tao na natira. kanina pa nailibing si seint pero nandito pa rin kaming siyam pati ang ibang kapamilya ni seint.

ang bata pa ni seint para bawian agad ng buhay. ang rami niya pang pangarap at gustong gawin sa buhay. pero dahil sa nangyari ay naipagkait ang lahat ng iyon sa kanya.

ng dahil saakin.

hindi ko pa rin maiwasang hindi sisihin ang sarili ko. kasalanan ko talaga 'to. hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko.

tumingala ako para hindi tumulo ang mga luha ko. napansin naman iyon ni edri na nasa tabi ko kaya hinagod nya ang likod ko.

kahit napakademonyo paminsan-minsan ni seint ay mahal ko siya bilang kaibigan. isa sa sya mood lifter ng grupo. wala siyang ibang ginawa kundi pasiyahin kaming lahat. isa rin siya sa mga kaibigan na maaasahan mo talaga. na malalapitan mo kapag may problema ka. he's too precious para mangyari ito sa kanya.

pinagmasdan ko ang puting lobo na hawak ko. kanina pa sila nagpakawala ng mga lobo pero kanina ko pa rin hindi mabitaw-bitawan ang hawak kong lobo. pakiramdam ko kasi ay sa oras na pakawalan ko ito ay hudyat na wala na talaga si seint sa piling namin. at masyadong masakit iyon saakin para tanggapin.

i sighed as i stared at my white balloon.

seint, i'm really sorry about what happened to you. alam kong hindi mo gustong sisihin ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa'yo. pero pangako seint, susubukan ko. matagal man ay susubukan kong patawarin ang sarili ko. kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka seint. you are our angel now. bantayan mo kami ha. i love you seint, we love you. andito ka pa rin sa puso naming lahat. kahit ikaw ang unang tumibag sa grupo, always and forever ten by tomorrow pa rin tayo. rest in peace, seint.

and by that, i finally let go of my balloon. my stare followed at where it was floating in the air.

a small smile flashed in my lips. "goodbye seint." i murmured.

napatingin naman ako kay edri ng hinagod niya ulit ang likod ko. nginitian niya ako kaya binigyan ko na rin sya ng ngiti.

napatingin ako kay heressy na nasa harap pa rin ng puntod ni seint. kanina pa siya nandyan at hindi pa siya umaalis.

tumingin naman ako kay edri at mukhang alam niya ang gagawin ko kaya tumango siya. tumango na rin ako at nagalakad papalapit kay heressy. umupo ako sa tabi ni heressy at niyakap sya. wala naman syang reaksyon pero okay na yun kesa ipagtabuyan niya ako. ganoon kasi ang nangyari the past few days sa lamay ni seint. lagi niya akong pinagtatabuyan sa tuwing lalapit ako sa kanya.

humiwalay na ako sa kanya at saka ko hinawakan ang kamay niyang may hawak na puting bulaklak.

"heressy, look. i'm really really sorry. alam kong hindi mo ako mapapatawad at ganoon rin ako sa sarili ko. hindi ko na ipipilit ang sarili ko dahil alam kong masama ang loob mo saakin. ayoko mang masira ang pagkakaibigan natin ay sana magkaroon pa rin tayo ng chance. hindi man sa ngayon pero sana lang hindi pa rin huli ang lahat, heressy."

napayuko nalang ako habang siya ay wala pa ring reaksyon at tulala lang sa puntod ni seint.

"bukas na ang alis ko heressy, hindi ko alam kung pupunta ka. pero gusto ko pa ring magpaalam sa'yo. please be healthy heressy, and achieve your dreams kahit mahirap man. please be happy, for yourself and for him. mahal kita heressy, tandaan mo yan. andito pa rin ako sa tabi mo. at sana sa susunod na pagkikita natin ay magkaayos na tayo." i said at napalingon naman siya saakin.

"tatakasan mo lang ba ang lahat azeal?" walang kabuhay-buhay na sambit niya pero ramdam ko pa rin ang sama ng loob niya.

"i'm sorry." napayuko nalang ulit ako.

"umalis ka na." walang-gana niyang wika at napatingin ulit sa harap.

i pursed my lips together at tumayo na saka naglakad papunta sa mga kaibigan ko. sinalubong naman ako ng yakap ng girls.

"it's okay, azeal. andito lang kami." wika ni vannette.

"salamat."

.

catching glimpse ¦ ryujunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon