friday; 11:39
kahit sobrang sakit ng ulo ko ay hindi ko na ito ininda pa at tumakbo na ako.
sobrang kabado ko. hindi ko alam anong nangyayari. pero isa lang hinihiling ko. na sana hindi totoo ang lahat ng ito. na sana panaginip lang ito.
sana ito lang 'yong sinabi ni seint na aalis sya papuntang ibang bansa sa loob ng dalawang taon kaya wala na siya.
pero hindi eh...
nang makarating ako sa hospital ay agad kong natanaw ang mga kaibigan ko na nasa labas ng operating room.
"ash! van! edri!" tawag ko sa kanila at agad na napalingon ang lahat saakin. nakaupo lang ang girls sa waiting are at lahat sila ay umiiyak. pati ang mga boys na nakasandal sa pader.
"anong nangyari?!" tanong ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
"sumagot kayo! anong nangyari?!" sigaw ko ng nanatili silang tahimik.
"kris! uther! psychord!" baling ko sa mga lalaki pero walang sumagot sa kanila at nag-iwas lamang ng tingin.
"please... tell me, anong nangyari kay seint?!" pagmamakaawa ko at halos maupo na ako sa sahig.
lumapit naman si asherha saakin at niyakap ako.
"naaksidente si seint, azeal. kagabi. mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan niya. malakas ang ulan. kaya.... kaya nadulas ang kotse niya at nahulog sa over pass." kwento ni asherha.
"wala na siya, azeal. patay na si seint."
nag-uunahan ng tumulo ang mga luha ko habang nahihila ko na ang damit ni asherha na nakayakap saakin.
"no! please... sabihin nyong hindi 'totoo yan!" pagmamakaawa ko pero mas lalo lang silang naiyak.
bigla ko namang naalala ang kagabi. may tinawagan ako. tinanong ko kung sino at sabi niya susunduin niya ako. mabilis lang daw siya. at..... at si seint yun.
para akong nawalan ng lakas na napaupo sa sahig habang patuloy ang patulo ng mga luha ko.
"kasalanan ko 'to."
"kasalanan ko 'to!!!" pagwawala ko.
agad namang lumapit si edri at vannette saakin at niyakap na rin ako.
"ssshhh. hindi azeal, that's not true. hindi mo kasalanan." ani ni edri.
"aksidente lang ang nangyari, azeal. hindi mo kasalanan." console ni vannette saakin pero umiling lang ako.
"hindi. kasalanan ko 'to. i'm sorry." iyak ko habang nakayakap sa kanila.
"az, tama na. 'wag mong sisihin ang sarili mo. hindi mo 'to kasalanan. walang may gusto ng nangyari." pagpapatahan rin ni uther saakin pero umiling lang ulit ako.
bigla namang bumukas ang operating room at lumabas mula doon ang ilang nurses habang tulak-tulak ang isang hospital bed kasunod non si heressy na nakapang lab gown rin at humihikbi.
agad akong lumapit sa hospital bed. nanginginig ang kamay kong dahan-dahang tinatanggal ang takip na puting tela sa mukha ng katawan. sobrang nanghihina na rin ang mga tuhod ko na ilang segundo nalang ay bibigay na ito.
tuluyan ko ng nakuha ang tela at bumungad saakin ang maamong mukha ni seint na maraming mga pasa at putlang-putla.
"no... no...no..." iling ko habang nanginginig na hinaplos ang mukha ni seint.
"no! this is not true, seint!!! gumising ka dyan, please!!" alog ko kay seint habang niyayakap ang malamig nyang katawan.
gustuhin ko mang isipin na baka prank lang nila ito saakin. na baka panaginip lang itong lahat. na baka dahil pa rin sa tama ng alak ko. pero hindi. totoo ito.
BINABASA MO ANG
catching glimpse ¦ ryujun
Fanfic⚘ wherein the cheering squad center always catches the playboy making glimpse of her. ↬ryujun series no. 3 【051820-060220】