047

158 12 3
                                    

thursday; 02:11 [narration]

"HAHAHAHAHA"

"bwisit ash! hinaan mo nga yang tawa mo!" inis na suway ni uther kay ash na ang lakas makatawa.

"wag na kayo maingay! magsisimula na ang movie oh!" suway naman ni heressy.

nandito kami lahat sa hotel room nila ash at edri. manonood kami ng horror movie pero halos isang oras na ang lumipas ay hindi pa kami nakakapagsimula dahil ang iingay at ang kakalat ng iba.

"yung pizza ko kris!!!" sigaw ni ash ng binawi ni kris ang pizza mula sa kamay ni ash.

"tirhan mo naman kasi kami! tingnan mo yang isang box, kumurap lang kami naubos mo na agad?!" reklamo naman ni kris.

"tae ka ash! bakit inubos mo agad!" sigaw na rin ni vannette.

"ang iingay nyo! mag-order na nga lang kayo ulit!" suway ko naman.

"order ka ash!" utos ni edri.

"bakit ako?!" tanong ni ash

"oorder ka o oorder?!" banta ni edri

"juskoooo kailan ba kayo matatahimik?!" inis na bulong ko habang napairap.

"ito na!" pagdadabog ni ash.

"restart nyo nga ang movie! wala na akong naintindihan sa ingay ninyo e!" wika naman ni seint.

"ikaw kaya gumawa?! makaasta to parang amo!" irap ni heressy.

"ako na gagawa, mag-aaway na naman kayo!" presenta ni iver at halatang inis na rin saka tumayo para i restart ang movie.

"padagdagan mo ng chicken ash!" sigaw ni vannette kay ash na nandoon sa may kusina at tumatawag ng delivery.

"cola ash!" sigaw ni kris.

"sssshhh.. wag na kayo mag-ingay." utos ni edri.

nagsimula na ang ang movie at tahimik na ang lahat. tahimik lang rin na bumalik si asherha sa upuan niya.

"AAAAHHHH!!!!" biglang sigaw ni asherha.

"What the fuck?!" sigaw na rin ni seint.

nagulantang ang lahat dahil sa biglaang nag door bell. natawa tuloy kaming iba dahil doon.

"gagu! delivery lang pala." bulong ni psychord saka tumayo na para kunin ang delivery at magbayad.

inilapag na ni psychord ang mga pagkain sa lapag at tahimik na ulit kaming nanood habang kumakain.

"madam, cola you want?" tanong ni iver sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya saglit at tumango.

"thanks." i said as soon as he handed me a glass of cola.

tahimik lang kaming nanood. everyone was so drown to what we are watching na kahit pagkurap ay pigil.

"AAAAAHHHHH" - ash

"MAMAAAAAAA" - kris

"FUCCCCKKKK!!!" - seint

"WHAT THE—" - uther

"heol!" - van

iba-iba ang naging reaksyon ng lahat nang biglang may lumabas na multo sa pinanood namin. dagdagan pa ng nakaka-warshock na sound effects ng movie.

"HAHAHAHAHA" tawa ni iver ng mapansing naliligo sa chips si edri na nasa lapag nakaupo at sa likod niya nakaupo sa sofa ay si seint.

tawang-tawa pa si uther na kumuha ng isang chips na nasa buhok ni edri at sinubo ito. si ash rin na nasa kabilang tabi ni edri nakikuha ng chips para kumain.

"SEINT!!!!!!!" sigaw ni edri.

napuno lang kami ng tawanan. si edri mukhang papatay na at si seint naman ay painosente lang.

matapos ang ilang sandali ay tahimik lang kami ulit na nanood. hindi ko alam kung boring na ba ang movie o talagang pagod lang kami dahil wala ng nagrereact sa mga intense na part ng movie. siguro ay inaantok na dahil sa uther ay nakahiga na sa lap ni edri habang si edri ay inihiga ang ulo kay ash. si kris rin ay nakihiga ng ulo sa balikat ni ash. si heressy naman na nasa tapat ko ay komportabling isinandal ang ulo sa paa ko na nakapatong sa sofa, yakap-yakap ko kasi ang tuhod ko all this time.

napahikab narin ako dahil medyo inaantok na ako. sobrang late na kasi. malapit na mga 4 am.

"you sleepy?" tanong ni iver kaya napalingon ako sa kanya. halata rin sa mga mata niya na inaantok na siya.

hindi pa man ako nakakasagot sa tanong niya ay hinapit na niya ang ulo ko para isandal sa balikat niya. ramdam ko rin na isinandal nya rin ang ulo niya sa ulo ko.

"wag mo nga ako gawing pusa!" bulong ko sa kanya saka hinawi ang kamay niya dahilan tuloy para mahawakan niya iyon at hindi na pinakawalan pa. paano ba naman kasi, hinihimas-himas niya ang chin ko na parang isang pusa sa kamay niyang nakaakbay saakin.

"pusa kita. akin ka lang kaya maging loyal ka saakin." he chuckled.

"dapat ata ikaw ang maging loyal saakin." irap ko.

"loyal na ako sa'yo madam." sagot niya.

i immediately pursed my lips together when i felt my heart beating in an abnormal pace.

bakit ganito?

.

catching glimpse ¦ ryujunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon