But I'm not crazy, I'm just a little unwell
I know right now you can't tell
But stay awhile and maybe then you'll see
A different side of me
I'm not crazy, I'm just a little impaired
I know right now you don't care
I've followed him up on social media for many years now. Thanks to Luke, I've had access to some of the information regarding Dominic. Oo na, it felt so stalkerish and obsessive. Alam ko kung san siya nagvovolunteer, sino ang mga tinulungan niya, ano ang course na kinukuha niya. At higit sa lahat... alam ko kung sino ang nagpapatibok ng puso niya – and even the person who broke his heart.
I've been living here for weeks now. Halos magiisang buwan na. And Dominic lived up to my expectations. He's too caring and kind for his own good.
"Trish?"
Mabilis na tumayo ako mula sa kama at excited na pinihit ang pinto. It felt like this every day —him going to home to me.
Nakatitig lang ako sa kanya.
"Naguwi ako ng fish balls, kikiam saka French fries para miryenda. Kumakain ka ba ng street food? Marunong din akong gumawa ng sauce."
Lumabi ako. Saka tumango.
Nginisian ako nito. "May street food ba sa California?"
Nagpalumbaba ako at nagisip. Hindi ko matandaan.
Nginitian niya ako. "Hayaan mo na nga."
Natatapos lang yung araw naming ganon. Uuwi siya na may dalang pagkain. Aalis siyang may nakahain ng pagkain sa umaga. He knew I would only eat canned goods if he's not around. This has been my way of life ng naging independent nako. Well, not totally independent cause I'm still living off with foods from takeout and my Aunt's cooking from time to time. Kabisado ko na din ang schedule ni Dominic. Around 7pm siya umuuwi ng Monday. Nagjajogging siya pagkatapos magluto. Umuuwi siya ng maaga kapag Tuesday dahil isang subject lang ang inaattendan niya. Kapag Wednesday naman ay may swimming classes siya. Nagstart na siyang mag-student teacher kaya may PE classes siya ng Thursday. Swimming ang pinaka-sports nito. He even won Gold Medal in school and national competitions. Yup, that's where he got his built girl. Nakatitig ako sa balikat niyang malapad na nagpe-flex habang nagluluto.
"Kinain mo ba yung gulay na niluto ko?" Sabi niya habang hinahain yung kikiam, fish balls at French fries sa coffee table sa sala. Umupo siya sa carpet. Umupo ako sa sulok ng mahabang sofa. He switched the television on and started watching very old classic Pinoy movies. I like the quietness of it – of us.
"Ayoko ng carrots." Mahina kong sabi.
Umiling siya. Tumayo siya para kumuha ng pang-sawsawan. Nagulat na lang ako ng may humimas sa buhok ko. "Pwede ba? Kumain ka naman ng gulay. Hindi yung namimili ka ng kakainin. Para kang bata e. Kung hindi puro delata, puro meat lang ang kinakain mo. Hindi mo naman kelangang mag-diet. At ang meaning ng diet ay proper nutrition."
I felt a little touched at what he did. Wala na yung kamay niya sa ulo ko but I still felt the worry and warmth in his caress.
"Gusto mo pa bang ipag-mash kita ng carrots para di mo malasahan?" Ngisi nitong sabi sakin. "Ha? Baby damulag?" Gagad nito. He made face and pouted his lips. I started making small giggly sounds. Bigla niyang sinundot yung tagiliran ko na ikinakiliti ko.

BINABASA MO ANG
Too Classic for Him
RomansaTrisha is totally attracted to Dominic since Day 1. But Dom is smitten with a much prettier, livelier and a younger girl. At maraming mga bagay na nagsasabing hindi pwede: 1. Dom sees Trisha as someone who's... older, more matured and definitely out...