XVI. Misery

677 25 23
                                        


I am in misery

There ain't nobody

Who can comfort me

Why won't you answer me?

The silence is slowly killing me

Girl you really got me bad




"W-what?" Mahina niyang tanong.

Napapaisip ako kung aalukin ko ba siya ng ice cream. At kung gusto ba niya yung flavors na favorite ko. Pero tinanong ko pa din. "Vanilla or chocolate?"

"H-ha?"

"Ice Cream? Anong flavor mo ate... ahh... T-Trish." Matagal ulit siyang nakatitig sakin ng hindi nagsasalita. Kumurba ng kaunti yung bibig niya na parang ngingiti na hindi. Parang nagdadalawang isip akong alukin ito ng ice cream. Napatango ako. Wag na lang. Baka iba pa ma-imagine ko kung... kung..

Iniiwas ko yung mga mata ko.

Nung bumalik sa kanya yung mga mata ko ay nakangiti ko yung biglang paglapad ng ngiti sa mukha ni Trisha. At pucha yan... nakita kong nagpipilit itong wag mangiti. Pero tumaas ng kaunti yung kilay nito at parang amused na nakatingin lang sakin. Super sexy ng mukha nito, ng gestures, at ng expression. Hindi ko lang alam kung aware siya na may ganon siyang awra.

"Anything with coffee flavor?"

Tanong nito.

Napakamot ako. Ayoko ng kape. "Ahm... Vanilla or chocolate lang yung usual kong binibili. Bili na lang ako next time ng coffee flavor." Pero mukang need ko na ding bumili.

"Okay, so Vanilla."

Tumango ako at inabutan ko siya ng Vanilla ice cream na nasa cone. Napataas yung kilay nito.

Kumuha naman ako ng Chocolate flavor. Hindi ko alam pero natutuwa ako. Kumakain siya ng Vanilla habang Chocolate naman sakin... walang lang. Matchy matchy lang. Shet. Para akong tanga sa iniisip ko. Napailing ako ng kaunti at iniiwas yung mata ko.

"Marami ako nitong stock sa ref... so... help yourself."

Tumango ulit ito. Nakatitig lang ito sa ice cream na inabot ko. Ang tagal niyang nakatitig doon. Hindi ba siya kumakain ng mga ganitong ice cream? Parang napapahiyang mabilis kong kinuha yung ice cream at tinanggal ung li at wrap hanggang sa ibaba ng cone. Kumuha ako ng tissue sa dispenser at binalot yun sa cone.

Matagal lang siyang nakatitig doon. Magsasalita sana ako ng bumalik yung titig niya sa akin. Matagal.

Nag-pout ng kaunti yung labi nito. At medyo napalunok ako sabay lingon sa kanya ulit.

Ngumiti ito sakin.

Damn. Para akong bata na gustong mag-blush. Gusto kong umiwas ng tingin. Naiilang ako.

"S-Sorry." Inabot ko sa kanya yung ice cream. "Baka lang kasi tumapon sa kamay mo. Maglalagkit."

Tumango ito ng paulit-ulit.

"Hin... di ka pa ba napunta dito nung college kayo ni Kuya?" Wala akong ibang matanong. Kahit ayoko naman talagang malaman.

Tumaas yung kilay nito. At umiling.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nakahinga ako ng maluwag na malaman na never pa siyang napunta dito. Hindi ko alam kung anong iisipin ko kung... once upon a time, nanggaling sila dito ni Kuya Luke at... at pucha. Basta ayokong isipin.

Too Classic for HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon