XVII. Bad Liar

734 30 26
                                        


Oh, you're taking up a fraction of my mind

Oh, every time I watch you serpentine

Oh, I'm tryin', I'm tryin', I'm tryin'

Not to give in to you

With my feelings on fire

Guess I'm a bad liar





"This garbage is all my love for you. And I'm sorry if it creeps you out."

Para akong babangungutin at naririnig ko pa din iyon na sinasabi ni Trish. I didn't know. I didn't know it was from her. At kahit sino naman sigurong matinong tao matatakot na maka-receive ng kung ano-anong regalo sa hindi mo kilala. But I had no excuse of hurting her. I know, I did hurt her. At hindi ko alam kung pano mag-sosorry.

Lumabas si Trish ng kwarto. At gumaan yung pakiramdam ko. Wala sa loob na unti-unti akong ngumiti pero nahihiya pa din ako. Nanunuod ako ng classic Pinoy action movies. Favorite kong hobby.

Tumayo agada ko nung papunta siya sa kusina. Halos two days ko itong di nakita. Lumalabas lang ito kapag madaling araw na at hindi niya siguro alam na nagigising ako. Light sleeper lang ako kaya naririnig ko yung yabag niya at pagbukas ng pinto. Nagluluto pa din ako at nagiiwan sa ref ng pagkain para dito.

Hindi niya pa din ako pinapansin.

"T-Trish?" Mahina kong tawag sa gilid niya. "Sorry na."

Para lang akong hangin na dinadaanan niya. At hindi ko alam kung anong gagawin. Ang bigat-bigat sa pakiramdam.

"Trish?" Pagmamakaawa ko. Naglabas ito ng pinggan at naglagay ng kanin doon.

"Ako na mag-iinit ng ulam. Nagluto ako kanina ng Kaldereta. Hindi ko masyadong inanghangan. Hindi ko alam kung mahilig ka sa spicy."

Inunahan ko siyang pumunta sa ref at ni-reheat yung pagkain. "Umupo ka na dyan."

Naglabas na din ako ng juice. "Tinimplahan din kita ng fruit juice." Nagbuntunghininga ito ng dalawang beses.

Ni hindi ako makapagsalita habang naghihintay siyang sumubo na. Tinitigan niya ako ng matagal bago sumubo. "Hmmm..." Bulong niya. "Masarap. I like spicy food." Mahina niyang sabi.

Parang nakahinga ako ng kaunti. Napangiti ako ng slight. Sana naman napatawad niya na ako.

Uupo na sana ako sa katabing upuan ng tinitigan niya ulit ako ng masama. Mabilis akong tumayo.

"Sit." Turo niya. Napalunok ako. Napailing ako. Para niya akong aso na sunud-sunuran. Pero wala naman akong magawa.

"I'm sorry, Trish. Hindi ko alam na galing sayo ang mga iyon at—" Itinaas niya yung kutsara na parang sinasabing stop.

"Why are you even sorry?"

Natigilan ako. Bakit nga ba? Sa totoo lang. Hindi ko pa din alam. Pero ayokong nagagalit sakin si Trish. Hindi nagiging maganda yung pakiramdam ko.

"It should be me who's saying sorry."

"Hindi ba... galit ka? Ayokong makapanakit ng damdamin ng tao... lalo na ng babae Trish. I'm sorry." Sincere na tinignan ko siya. Bumuka yung bibig ko at malungkot na tumingin kay Trish. Hindi ko kayang hindi niya ako kinikibo. Hindi ko alam kung bakit. Basta alam ko... ayoko lang na hindi kami okay.

Too Classic for HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon