XV. Just the Girl

829 28 13
                                        


I don't want anyone else

She's a mystery

She's too much for me

But I keep comin' back for more

She's just the girl I'm lookin' for



"Okay ka lang?"

Nakita kong nagiisip siya kung magsasalita o hindi. Bumuka yung bibig ko para magsalita pero napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Naiilang ako na nahihiya. Nakilala ko na siya noon ng ipakilala siya ni Kuya Luke sa reunion. Ni hindi ito ganong nagsasalita at nakangiti lang.

Mahaba ang buhok nito na itim at sobrang puti. Naalala ko pa nga sa kanya minsan si Morticia Addams. Yung sexy version. Napapailing na napangiti ako sa naisip. Hindi ito classic beauty... pero may something dito na hindi ko mapinpoint. Ito yung klase ng babae na hindi ganon kaganda pero sexy ang mukha.

Hinintay ko siyang magsalita pero nakatitig pa din siya sa akin. Nagsimula na akong mailang. Mga ilang minuto pa siyang nakatitig ng ganon sakin nang ako na yung magsalita.

"Hello. Miss Trisha to earth."

Pinaling niya lang yung ulo niya. Sakin ba siya nakatingin? O may iniisip siyang iba?

Medyo nailang lang ako lalo na sa ayos ko. At sa ayos ng condo. Gusot pa siguro yung buhok ko. Kakagising ko lang. Ni hindi ko inisip na may bibisita sakin sa ganitong hapon. Pag-uwi ko kanina galing ng swimming classes ay diretso uwi at humiga na agad ako sa sofa at nakatulog. Ni hindi nako nakapagpalit.

"Yeah. I guess?"

Pinilit kong ngumiti... sa pagkakatanda ko nakakaintindi naman siya ng tagalog. Pero mahirap na.

"Ahm..." Napakamot ako sa ulo. Pucha. Wala akong masabi sa kanya. Mukang duduguin ako. Ano ba ang dapat sabihin sa mga ganitong pagkakataon? Lalo na kapag biglang kakatok ang ex ng nakakatanda mong pinsan? 

Naiilang ako sa kanya. Naiintimidate ba. Sanay naman akong makipagusap sa iba't ibang tao. Hindi man ako madaldal pero hindi rin ako ganon katahimik. Masasabi ko pa ngang ambivert akong tao. Mahilig akong sumali sa mga organizations at charity events dahil sa... dahil sa nangyari sa ate ko.

Nung pinakilala ni Kuya Luke si ate Trisha – pucha, ang weird. Ate Trisha. Sa mga nakalipas na panahon, hindi ko naisip na may iba akong itatawag sa kanya. Sa mga nakalipas na panahon – pero ilang taon na nga ba simula ng huli ko siyang makita? At bakit parang may nagbago. Sa kanya. Hindi ko magets pero parang ang awkward na tawagin siyang ate ngayon? Na hindi ko rin naman siya naging tawaging Ate Trisha noon.

Parang mali.

Pero bastos naman kung tatawagin ko lang siyang Trisha. Gusto kong tampalin sarili ko. Napailing na lang ako.

After all, halos nakakatandang kapatid na ang turing ko kay Kuya Luke. Lumaki ako na halos parang magkapatid na kami nito. Iniwan si Kuya Luke ng tito ko sa amin ng bata palang ito. Pero hindi nagkulang ang tito at lola sa suportang pinansyal. Kulang man sa naguumapaw na pagmamahal mula sa totoong magulang si Kuya Luke, napunan naman yun ng materyal na bagay mula sa mga ito.

Ni minsan wala pang dinala o pinakilala si Kuya Luke na girlfriend saming magpipinsan. Lalo na kina Mommy at Daddy. Inako na nilang anak si Kuya. Kaya laking gulat ko ng ipakilala siya sa amin ni Kuya sa family reunion. Hindi lang dahil nagulat ako sa never siyang nagdala ng babae sa bahay. Kung hindi dahil may kung ano sa mukha ni Trisha na pamilyar sa akin.

Too Classic for HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon