XVIII. The Promise

683 31 63
                                    




I'm sorry, but I'm just thinking of the right words to say

I know they don't sound the way I planned them to be

And if I had to walk the world, I'd make you fall for me

I promise you; I promise you I will








"Mom, I'm not going home."

Narinig ko ang tahimik na pagbuntunghininga nito sa kabilang linya.

"And I'm not marrying your psychiatrist." Diin kong sabi. Matagal lang siyang nakatitig sakin. Ngumiti si Aunt sa likod ni Mom. Nag-thumbs up ito sakin. I smiled at her. Mom scowled and skeptically looked behind her. Mabilis na binaba ni Aunt yung kamay at mabilis na ngumiti ng sakto lang sa nanay ko.

I grew up with my Aunt. So, sa kahit sang bagay she always supported me. Always. Kaya gusto kong maiyak. Hindi man niya ako inanak, but I grew up in a happy home with her, with Uncle and Ate Sanya.

"Hey!" Nagtinginan sila sa nagsalita.

Nag-video call ako ngayon sa kanila.

"You should talk to your cousin, Sanya." Galit na sabi ni Mom. Nakita ko sa screen na dala ni Ate ang baby niya.

"Hi, baby Angel." Mabilis akong ngumiti at nag-baby talk. Nakita kong nag-roll eyes si Mom sa background. Gusto kong tumawa. Sa totoo lang, wala naman akong sama ng loob kay Mom. Siguro tampo. But not really. It's a good thing na hindi niya ako pinaampon. Nila ni Daddy.

"Take care of the baby for me, 'My." Sabi ni ate Sanya kay Aunt at saka pinahawak ang bata. My Aunt mouthed, "Love you." Sa screen. Naluluha ako ng wala sa oras.

"Love you, too Aunt Samantha." Sabi ko sa screen.

Umiling ang Mom saming dalawa. "You spoiled her rotten, Sam. That's why she's not listening to me anymore."

Napangiti si ate Sanya kay Mom. "Why? What's the prob? Are you getting married?"

Natawa ako dun. "No? I don't think so."

"I want her to get married, Sanya. She's not getting any younger." Diin ni Mom. I roll my eyes ceilingward.

"But not to your psychiatrist." I reiterated.

Ngumisi si Sanya. "To your swimmer?"

"Ate!" Hiyaw ko.

"W-Who—?" Mom shrieked.

Oh, my God. Napapikit ako at napatampal sa noo. Hindi ko pa nga sinasabi na may boyfriend na ako. Kabago-bago palang namin ni Dominic.

"Why are you blushing?" Nakangising sabi ni Ate Sanya. "Aunt Clarisse, your daughter's a grown up na." She screamed at my Mom.

I opened my mouth to say something pero napahawak na lang ako sa dalawa kong pisngi. Shocks, feeling ko nga nagba-blush ako. Umiling si Mom ng paulit-ulit. "Is it the truth? So, where's this guy?"

"Trish, babe. Nagluto nako ng favorite mo. Hindi pa ba tayo kakai—"

Speaking of the devil.

Natigilan si Dom.

At akala ko nag-freeze yung screen ng ipad ko. Natigilan din sina Mom, Ate Sanya at Aunt sa kabila.

Halos malaglag din yung panga ko. Not because we were all both surprised. But because Dominic's topless! His eyes were so wide on me. At para siyang natauhan. Kitang kita siya sa screen!

"S-Sorry!" Sigaw niya at sabay hawak sa dibdib. Bigla akong napabunghalit ng tawa.

"S-Sorry po. Balik po ako." Sabi nito at nagmamadaling sinara ang pinto.

Too Classic for HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon