Prologue

460 18 0
                                    

JUST MARRIED
(MY OFW BRIDE SERIES 1)
Written by M.R.Galing

PROLOGUE

SAUDI ARABIA, ang bansang may mahigpit na batas ngunit maunlad. Para sa kanila, ang batas ay ang kultura. Mas mababa ang halaga ng mga babae na kahit pagmamaneho ay bawal at ang pag thumbs up na senyal. Nakasauot din ang mga babae ng tinatawag na 'abaya'. Dito nagtatrabaho ang limang ofw na binuo ang pagkakaibigan sa facebook at may kanya-kanyang kuwento ng pag-ibig.

SA BALLAD CORNICHE magkikita-kita ang limang magkakaibigang ofw. Through facebook lang sila nagkakakilala kaya first time nila makikita ang isa't-isa. Sa kanilang pagkakaibigan ay mas lalong hinubog sa paggawa ng sariling page at mas naging close sa isa't-isa sa GC(group chat).

"Hello, Mare!" sagot ni Kathleen sa kanyang cellphone.

"Mars Kath, nandito na ako, nasaan kayo?" si Nica na hinihintay ang apat pang kaibigan. Siya ang nauna sa tagpuan nila.

"Nandito na rin ako Mare," tumingin sa paligid si Kathleen at nakita niya ang babaeng may hawak ng cellphone sa 'di kalayuan sa kinaroroonan niya. Nakatalikod ito kaya nilapitan ni Kathleen.

"Ikaw na ba 'yan, Mare Nica?"

Napalingon naman si Nica. "Ikaw si, Kathleen? Wow ang ganda mo pala sa personal!"

"Hala ikaw nga rin eh!"

"Wow nagkita rin tayo sa personal, hindi sa video call lang."

"Oo nga eh, I love you Mars!" Niyakap ni Kathleen ang kaibigang si Nica.

"Nasaan na kaya ang tatlo?" Naisatinig ni Kathleen nang kumalas na sa pagyayakapan nila ni mareng Nica niya.

"Salam(hello) guys!" Kuro ng dalawang dumating.

" Elisa and Ellyn?" sabay ding bigkas nina Kathleen at Nica.

"Whoa! Ang gaganda natin mga kumares!" tuwang saad ni Ellyn.

"Nasaan si Ella?" tanong ni Nica, ang madaldal sa kanilang lahat. Makulit at ang naughty girl sa group.

"Wala pa ba?" Kuro ng dalawa. Si Elisa ay ang pinakaserious type of girl, seener sa gc pero magaling mangpayo. Si Ellyn naman na chubby pero 'di pahuhuli sa ganda. Walang balak magka-jowa. Mahilig sa food at magaling magluto.

"Mga Mare!" Kumakaway-kaway na tawag ni Ella, ang pinaka-wild sa lahat. Mahilig sa x-rated videos and SPG's stories pero virgin pa raw siya.

"Group hug!" saad ni Kathleen, ang may longtime boyfriend sa Pinas at ang goal niya ay mag-ipon ng pera para sa future nila ng kanyang longtime boyfriend.

Subaybayan ang unang book ng OFW BRIDE SERIES...

JUST MARRIED (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon