Chapter Five

323 16 0
                                    

JUST MARRIED
(MY OFW BRIDE SERIES 1)
Written by M.R.Galing

Chapter Five

"KAILANGAN mo gawin ang mga ginagawa ng isang manliligaw," kausap ng matanda si Yasir sa may sala. Tinuturuan nito ang binata paano mapaamo ang kanyang apo.

"Anaa laa afham (I don't understand)" kakamot-kamot na saad ni Yasir.

"Hindi nga tayo magkaintindihan, paano ba 'to?" bulong ng matanda.

Nilapitan ni Kathleen ang dalawa.

"Hoy, arabo!"

Napalingon ang dalawa sa dalaga.

"Salam jamila (hello beautiful)!" nakangiting bati ni Yasir.

"Buwisit! You will gonna leave tomorrow here in my house, understand!" singhal ng dalaga.

"Mab arouh le eldawam (I don't want to go)," malungkot na tugon ni Yasir.

"No! This is my country, I can do what ever I want! Kapag nandito ka dudugo ang utak at ilong ko sa'yo! High school graduate lang ako at nahihirapan ako ka-eenglish sa'yo! Hindi ko nga alam kung tama ba ang grammar ko eh, kaya umalis ka na rito, leave!"

"Samheeny low samathy (please forgive me)! I will not leave. I love you so much Kathleen. I'll do everything to make you mine."

"But, I hate you! Look, I can't love you back. You're not my dream boy, I only want pinoy like me. We're have many differences like culture, behavior, and everything. Here in the Philippines, man and woman are equal, pantay lang not like in your country that women was tolerated by men." Mahabang litanya ng dalaga. Kailangan niya ipaunawa sa lalaki ang mga dahilan.

"I'll try to learn your culture, I am willing to adjust, only you to love me."

"Ay ewan!" yamot na saad ni Kathleen.

"Nahihilo ako sa inyo! Pero naiintindihan ko ng konti," napapailing na sabat ng matanda na kanina pa nakatunganga sa dalawa.

"Kathleen, I will practice your culture in order to accept me in your life. I'll give you everything like money," muling saad ni Yasir. He really love this woman.

"Practice mo mukha mo! Wala akong pakialam sa pera mo! Ew ka, kahit anong sabihin mo ay ayaw ko talaga sa'yo! 'Yang amoy mo, 'di ko nga maatim na makatabi ka!" inis na singhal ng dalaga. Wala siyang pakialam kung 'di nito naiintindihan ang mga sinabi niya dahil natotorete na siya sa kasasalita ng english.

"Kathleen apo, ano ka ba? 'Wag kang ganyan! Kahit ano pa siya ay tao pa rin 'yan. Sadyang magkakaiba lang tayo nang lahi," saway ng matanda.

"What did you say?" tanong ni Yasir kay Kathleen dahil wala siya maunawaan.

"My apo said, you're handsome."

"Lola!" nakangiwing protesta ni Kathleen na ikinangiti ni Yasir.

"Aba alangan namang sabihin ko sa kanya iyang mga panlalait mo? At 'di ko rin masabi sa english eh."

"Bahala nga kayo diyan!" inis na bumalik si Kathleen sa kuwarto.

"Kayfa halak (how are you) Sir?" si Hajii na katatapos pa lang mag-ayos ng mga pinamiling pagkain nila at personal things.

"Anaa bikhayr (im fine)"

"Ah ...e...ano bang pangalan ng isang 'to pala?" tanong ng matanda kay Hajii. Nakatanga naman ang dalawa sa matanda.

"Name, his name" turo ng matanda kay Hajii para maunawaan ng siya ng mga ito.

"Ismii (my name is) Hajii Mohammed," pakilala ni Hajii sa sarili.

"Ismii? Parang pambabae," bulong ng matanda na akala niya ay kasali pa ang ismii sa pangalan ng lalaki.

Nagpaalam ang matanda sa dalawa. Tinawagan ang isang apo na si Mayet para magpatulong na makausap ang arabo.

"Still like her?" tanong ni Hajii sa amo nang naiwan silang dalawa sa sala.

"Naaam (yes), I'll do my best. I wish that before we go back in KSA, she's already mine.

"Kayfa (how)?" tanong ni Hajii. Nag-aalala siya sa amo, tila mahihirapan itong magustuhan ng dalagang pilipina.

"I'll court her every minute, everyday," seryoso nitong saad.

"Bettaw feeq (good luck)!" si Hajii, hindi niya na talaga mapipigilan ang bossing.

HINDI na lumabas si Kathleen sa kuwarto dahil ayaw niya makita si Yasir. Pakiramdam niya mas masahol pa siya sa buntis na ayaw makita ang arabo. Tanging facebook na lang ang pinagkaabalahan ng dalaga, ka-chat ang mga kaibigan na nasa Saudi.

"Mare, si Yasir pala ang may-ari ng AL RAMADA HOTEL at mayaman siya Mare, suwerte mo!" chat ni Elisa.

"Anong suwerte? Baka malas kamo!" reply ni Kathleen.

"Hay naku mare, tanggapin mo na 'yan. Gosh ang yaman niya!" si Nica.

"Sira ba kayo? Aanhin ko 'yang pera kung 'di naman ako masaya. At isa pa ayoko sa amoy niya," reply niya.

"Carry na 'yan basta buhay reyna ka naman." si Ellyn.

"Oo nga at sinundan ka niya diyan ha! Meaning inlababo sa'yo si arabo, suwerte! Mapapasana all ka talaga!" si Nica.

"Baka nakakalimutan ninyo, siya ang gumahasa sa'kin," saad ni Kathleen.

"Mare, diba natikman mo na 'yong hotdog ni arabo? Malaki ba?" si Ella na ka-oonline pa lang.

"Sira ka talaga! 'Yon agad naisip mo?" reply ni Kathleen. 'Di niya alam kung matatawa o maaalibadbaran sa kapilyahan ng kaibigan kaya ini-off na lang niya ang cellphone.

Naulinagan niyang may kumakanta sa labas at mismo sa may bintana niya. Tumayo siya't hinawi ang kurtina. Binuksan ang bintana. Nagulat na lang siya nang makitang kumakanta si Yasir sa baba kasama ang tauhan nito na may hawak pang bulaklak. Hindi niya maunawaan ang kanta dahil arabic song ito. Nakita naman ng dalaga ang lola niya at si Mayet na nasa baba at ngiting-ngiti.

"Ano bang itinuro nila sa itik na 'to?" napapailing na isinara ng dalaga ang bintana. Sa labis na galit niya kay Yasir ay tinawag niya itong itik. Nakaramdam ng gutom kaya bumaba.

"Pinsan ano bang ginawa ninyo?" tanong ni Kathleen kay Mayet na nakasalubong niya sa may hagdan.

"Eh tinawag ako ni lola para magpatulong. Hindi kasi siya marunong mag-english kaya hirap makausap ang dalawang arabo. Iyon nga sinabihan ko na mangharana sa'yo, utos ni lola eh. Pero insan ang gwapo nila!"

"Ewan ko sa'yo! Gwapo ba 'yang mga itik na 'yan?"

"Itik?" pagtataka ni Mayet.

"Wala! Hay naku si lola talaga. Hindi naman 'yan pinoy na manghaharana. Iba ang kultura nila pagdating sa panliligaw."

"Eh sabi naman ng gwapo mong arabo ay willing siya matututo sa mga kaugalian ng mga pilipino eh."

"Ay ewan!" nagpatuloy si Kathleen sa kusina. Ngunit nasa likuran na niya si Yasir na dala ang bulaklak na kanina'y dala.

"Kathleen, flowers for you."

Inirapan lang ito ng dalaga at umupo sa hapagkainan. Tahimik naman na nanonood ang ang binatang arabo hanggang sa matapos kumain ang dalaga. Tumayo siya't iniwan ito.

"Tusbih aalaa khayr (good night)!" pahabol na saad ni Yasir.

Inis na bumalik sa kuwarto si Kathleen. Napatingin siya sa kama kung saan nakalagay ang phone. Dinampot niya ito nang may tumatawag. Atubiling sagutin ang tawag ni Hector.

"Kath, pupunta ako diyan bukas. Mag-usap tayo please." anito sa kabilang linya. Ngunit walang sagot mula sa dalaga.

"Kath, hello?"

Ibinaba na ni Kathleen ang phone. Naupo sa kama at hinawakan ang dibdib. Tila gumaan na ang kanyang pakiramdam. Ilang araw nang 'di na niya naisip ang lalaki, simula ng dumating si Yasir. Natigil narin ang pag-iyak niya tuwing gabi, maybe she's moving on.

Itutuloy...

JUST MARRIED (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon