Chapter One

399 20 0
                                    

JUST MARRIED
(MY OFW BRIDE SERIES 1)
Written by M.R.Galing

Chapter One

LABA, luto, linis, ang gawain ni Kathleen sa amo niyang arabo. Pang-apat na taon na niya ngayon dahil nag-extend siya ng another two years sa kahilingan ng mga ito. Sa higit tatlong taong pagiging ofw ay nakapundar na siya ng sariling bahay para tirahin nila ni Hector, ang long time boyfriend sa Pinas. Nag-iipon naman siya ngayon ng pera pang-negosyo niya 'pag lumagay na siya sa tahimik. Si Hector naman ang nag-iipon ng kanilang pangkasal dahil isang buwan na lang ay uuwi na siya sa Pinas.

Pagkatapos ng mga gawain ay cellphone naman ang hawak ni Kathleen, ito ang panlaban niya sa homesick. Pag-open niya ng Fb ay napanganga siya sa mga naka-tagged na malalaswang photos na gawa ng kumareng Ella niya. Ne-removed niya ito lahat. Nakita niya na si Ella, requesting for a video call.

"Hi, Mare!"

"Lokaret ka talaga Mare, ba't nagtagged ka sa'kin ng mga ganoong pictures? Baka makita ni Hector lagot ako," reklamo niya pero 'di naman siya galit bagkus natatawa pa siya sa kalokohan ng kaibigan. Ito kasi ang mahilig sa mga porn movies at SPG stories.

"Sus natakot ka naman! Ikaw sobra ka kung mag-ingat pero siya faithful ba talaga?"

"Napaka-nega mo talaga Mare, kaya hanggang ngayon single ka pa rin!" Nasanay siya na marinig ang ganoon sa mga nakaka-alam sa long distance relationship nila ni Hector. Ngunit nananatili ang tiwala niya sa nobyo dahil mahal niya ito at alam niyang mahal din siya ng kasintahan.

"Hoy hello! Mare tulala ka na diyan ah!" tawag ni Nica.

Nagulat na lang si Kathleen na si mareng Nica na ang ka-video call niya. 'Di man lang niya namalayan na nagjoin na pala ito sa kanila ni Ella kanina." Nasaan na si, kumareng Ella?"

"Dahil nakatulala ka kaya ayon 'di mo na namalayang nagpaalam na. May dumating kasing mga bisita ang amo niya kaya inis na nagpaalam dahil siguradong puyat na naman."

"Ewan ko nga sa mga amo natin 'no 'pag may bisita ang tagal matapos lalo na sa kainan," aniya sabay nagkatawanan sila. Nag-online naman ang dalawa pa nilang kaibigan kaya lalong naging makulit at maingay sila na parang magkakasama lang.

PUPUNGAS-PUNGAS pa si Kathleen nang bumangon dahil kulang pa sa tulog gawa sa mga makukulit na kaibigan. Agad niya binuksan ang Fb at laking tuwa niyang online ang nobyo. Nakipag-video call agad siya rito.

"Hi, mahal!" Kumaway-kaway pa siya sa camera habang pinagmamasdang maigi ang kasintahan sa monitor ng kanyang cellphone. Gwapo ito at mabait kaya napa-ibig siya ng lubos dito. Magkaiba rin kasi ang oras ng Saudi at Pinas kaya sa ganitong oras lang sila nagkaka-usap.

"Mahal, miss na miss na kita! Excited na ako sa pag-uwi mo! Sabik na akong muling mahagkan ang mga labi mo na kay lambot at kay tamis, ang yakap mo na kay higpit at higit pa roon!"

"Tumigil ka nga diyan, mahal! Uuwi na ako kaya kaunting tiis na lang!" Natatawa siya sa mga sinasabi nito pero naapektuhan din siya, nag-init bigla ang pakiramdam niya. Sabik na rin kasi siya sa mga halik nito at yakap ngunit hanggang doon pa lang sila dahil 'di pa siya pumapayag na isuko ang bandera hangga't 'di pa sila kasal.

"Kathleen!" tawag ng kanyang among babae sa labas ng kuwarto.

"Mahal, bye na muna. I need to work na. I love you...muah!" Ini-off niya agad ang cellphone at 'di na hinintay ang sagot ni Hector.

"Finish all your works, make it faster because you will go with me after three hours!"

"Naaam(yes)," sagot niya saka ito umalis sa kuwarto niya pagkatapos niya buksan kanina.

JUST MARRIED (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon