Chapter Fifteen

282 16 0
                                    

JUST MARRIED
(MY OFW BRIDE SERIES 1)
Written by M.R.Galing

Chapter Fifteen

KINAUMAGAHAN, nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan si Kathleen kaya bumaba para makainom ng cold water.

"You are so stupid! Stupid kadama (katulong)!" singhal ni Rouqaya.

"Anaa asif Madam, sorry! Aray!" Napadaing si Myrna nang hilahin ang mahaba nitong buhok ng malditang amo.

"Stop it!"

Napasigaw si Kathleen nang makitang nananakit pala ang madrasta ni Yasir.

"And what is your problem? You're out of this!" Nanlilisik ang mga mata nitong saad kay Kathleen.

"You're hurting her psychically!"

"Because she's stupid! She ruined my computer!" inis nitong saad.

"Ma'am Kath, hindi ko po sinasadya, natapilok po ako nang dinalhan ko siya ng juice," si Maria na nagpapakampi at naluluha.

"Omi (mother), I shoulder the charges. I'll change your computer if that's what you want," malumanay na saad ni Kathleen.

"Oh wow, acting like a hero, huh! Oh I forgot, you are also a stupid housemaid, acting like a queen without throne," pang-iinsulto nito kay Kathleen.

Nanginginig ang mga kamay ni Kath sa inis, "Pasalamat ka, pamilya ka pa rin ni Yasir, kung hindi baka mapatulan kita," pagtitimpi niya.

"What did you say?" nanlaki ang mga mata nito sa galit dahil nadagdagan ang inis nang 'di maunawaan ang sinabi ni Kathleen.

"I said, I'm thankful that you are not Yasir's mother, because you're not a good one, you're so damn, BITCH!" diin ni Kathleen sa huling salitang binitiwan.

"How dare you!" anito sabay sampal kay Kathleen.

"Ma'am!" sigaw ni Myrna.

"Marunong ka pala masaktan, ha?" si Kathleen na agad ding gumanti ng sampal.

"You brute! You'll gonna pay this! Yo----"

"Rouqaya!" si Kasir na dumating.

"Kasir, that fucking girl slapped me!" umiyak agad na sumbong nito sa asawa.

"Ghing barering haiwan! Leave here in my house, now!"

Napapikit si Kathleen sa takot sa lakas ng boses ng ama ni Yasir. Napunta pa sa kanyang mukha ang laway nito.

"Baba!" si Yasir na kararating lang din. Agad nilapitan si Kathleen at kinabig palapit sa kanya.

"Yas," ani Kath na kinakabahan.

"That bastard woman should leave this house or out of this country!" ani Kasir na galit na galit.

"Why?" tanong ni Yasir.

"Sir, pinagtanggol lang ako ni ma'am Kathleen, ako po may kasalanan!" Umiiyak na sumbong ni Myrna.

"Yas, sinaktan niya kasi si Ate Myrna, alangan namang manahimik ako eh pati ako iniinsulto ng ina mo," segunda ni Kathleen. Kailangan niya lumaban sa mga ito.

"Don't talk aliens!" sigaw ni Kasir.

"You heard your father, Yasir? Throw that girl outside!" si Rouqaya.

"What? Are you out of your mind? Kathleen is my wife, respect her so that she'll respect you too in return! Okay fine, she'll leave...with me!" Hinawakan ni Yasir ang kamay ng kanyang asawa at umakyat sa taas.

"This is absurd!" asik ni Kasir na napahampas sa pader.

"Hey! Back to work!" sigaw ni Rouqaya kay Myrna na nasa isang tabi at agad na tumalima.

JUST MARRIED (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon