Chapter Seven

285 17 0
                                    

JUST MARRIED
(MY OFW BRIDE SERIES 1)
Written by M.R.Galing

Chapter Seven

JEDDAH SAUDI ARABIA

"HAJII, I have a lot of works. I need to finish it first before I'll start my mission. I want you to find me a tutor," utos ni Yasir. Kababalik lang nila sa bansang Saudi. Tambak ang trabaho ng binata kaya si Hajii ang inutusan niya maghanap ng magtuturo sa kanya.

"Tutor?"

"A Filipino tutor that can speak arabic word to tagalog."

"Tagalog?"

"Hajii, please stop repeating my words okay? Just follow it!" pikon na saad ni Yasir. Mainit ulo niya sa labis na pangungulila sa dalagang naiwan niya sa Pilipinas.

"Ana asif (i'm sorry)! Ana brouh al heen (i will go now)," si Hajii na napapailing.

''Kalmini low samathy (please call me) the updates."

"Naaam (yes)," Lumabas na si Hajii para maghanap ng tutor.

PHILIPPINES

Nanibago si Kathleen sa kapaligiran niya. Wala nang nangungulit at wala na ring siyang inaaway.

"Don't tell me namimiss mo ang itik na 'yon, Kath! Tumigil ka self," kastigo niya sa sarili. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba nagkakaganito siya.

"Kathleen," tawag ng kanyang lola.

"Po?"

"Nasa baba si Hector, hinahanap ka."

"Si, Hector?" 'di makapaniwalang tanong ni Kathleen. Akala niya 'di na ito babalik.

"Oh ba't ka nagulat? Naku gusto mo naman eh! Hay ewan ko sa'yo!" umalis ang matanda na nayayamot. Nagtatampo parin ito sa pag-alis ni Yasir.

Bumaba ang dalaga sa sala. Nakita niyang balisa si Hector tila may problema.

"Anong ipinunta mo?" taas kilay na tanong ni Kathleen sa nakaupong si Hector.

"Kath, hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin sa'yo pero wala na akong malapitang iba pa. Ang parents ko ay kapos din. Kath, tulungan mo ako. Babayaran kita, ikakaltas ko sa bawat sahod ko kada buwan," si Hector na tila binagsakan ng langit ang hitsura.

"Deretsuhin mo ako, ano ba talaga kailangan mo?"

"K-kath, pahiramin mo naman sana ako ng pera. Baba------"

"Hihiram ka sa akin ng pera?" Napalakas ang boses ni Kathleen. Ganito ba 'to kakapal ng mukha? Pagkatapos ng lahat ay lalapit sa kanya para lang mangutang?

"Kath babayaran kita. Manganganak ngayon si, Lea at kailangan na siya ma-cesarean. Kulang ang pera ko Kath. Parang awa mo na, nasa hospital siya ngayon para ma-operahan na, so kailangan na naming magbayad. Alam kong kakapalan na 'to ng mukha pero wala na akong ibang choice kundi ang lumapit sa'yo. Kath, pangako magbabayad ako." balisang saad ni Hector.

"M-magkano ba ang kailangan mo?" si Kathleen na naawa rito. Kahit may kasalanan ito sa kanya ay tila hinipo ang kanyang puso para sa isang anghel na nanganganib.

"Thirty thousands sana."

Nakita ni Kathleen ang pag-ilap ng mga mata nito. Sigurado siya nahihiya ito. Kilala niya ang pagiging mahiyain ng lalaki pero dahil siguro sa matinding pangangailangan ay nilakasan na lang nito ang loob lalo pa't anak nito ang pinag-uusapan.

"Nasa bangko ang pera ko. Hintayin mo ako," aniya sa binata at nagmadaling umakyat sa kuwarto para magbihis. Naawa siya rito at sa kaligtasan ng mag-ina ng lalaki.

JUST MARRIED (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon