Chapter Eight

282 19 0
                                    

JUST MARRIED
(MY OFW BRIDE SERIES 1)
Written by M.R. Galing

CHAPTER EIGHT

AFTER ONE MONTH AND THREE WEEKS

"ANG boring pa ng life ko! Mga Kumare ko 'di na nagchat. Habang tumatagal naman ay lumala ang paghahanap ko sa 'yong itik ka! Nagsisisi na talaga ako na pinaalis kita!" Mag-isa sa kuwarto niya si Kathleen na hinahampas-hampas ang mga unan sa kama. Sigurado na siya sa sarili niya na hinahanap na talaga si Yasir ng kanyang puso. At naalala muli ang katawan ni Yasir pati ang laman nito sa baba.

"Ahhhhh! Ang libog mo na Kath! Bakit 'di na 'yon mawala-wala sa isip mo? Talaga bang nalilibugan ka la-----"

"Sino nalilibugan? Ikaw?" biglang pasok ng matanda sa kuwarto ng dalaga.

"H-ha? H-hindi ako, La! May sinabi ba akong ganoon?" Namumula ang pisngi ng dalaga sa hiya sa lola niya. Kababae niyang tao eh balahura magsalita.

"Ewan ko sa 'yong bata ka! Nasa baba na naman muli si, Hector. Alam mo, 'pag 'yan ay maging kayo ulit ay talagang aalis ako rito!"

"La, hindi promise!"

"Babain mo na! Libog daw," iiling-iling na saad ng matanda bago umalis.

"Ang daldal ko kasi!" Paninisi niya sa sarili habang bumababa sa sala. Nakita niyang nakaupo si Hector sa sopa.

"Good morning, Kath! Ito na ang kalahati sa inutang ko sa'yo. Next na ang kalahati pa," anito saka inilapag ang white envelope sa table na nasa harapan nila na naglalaman ng pera.

"Thank you. Makakaalis ka na."

"Kath, hindi lang 'yan ang sadya ko sa'yo. A-ang tungkol pa sana sa ating dalawa. Kath mahal kita! Natukso lang ako noon lalo pa't si Lea, ang laging nagpapakita sa akin ng motibo. Lalaki lang ako Kath, kaya nadala sa tukso. Kath, give me another chance please!" pagsusumamo ni Hector.

"Ano? Hector, sira ka ba? Kapapangana---"

"Wala na si, Lea. Namatay siya sa panganganak. Hindi kinaya kaya patay na siya at ang baby ko lang ang nakasurvive. Kath pl------"

"Sorry, Hector. Hindi na kita mahal. Kung gaano kita kamahal noon ay 'di na ngayon. Wala ng second chance dahil may nagmamay-ari na ng aking puso. Let's just move on, hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa. Makakaalis ka na." Pinalidad na saad ng dalaga.

Huminga ng malalim si Hector, bakas sa mukha ang lungkot at pagkabigo bago umalis.

SAUDI ARABIA

Haggard na si Yasir sa sobrang pagod. Todo aral niya kasi ng salitang tagalog. Sa buong isang buwan ay halos wala na siyang tulog at pahinga sa ka-aaral ng lengguwahe ng pinoy. Singkapal ng libro ang mga nakalistang translation.

"Sakit ng ulo ko," daing ng binata. Napasandal siya sa kanyang upuan sa opisina. Never pa siya nahirapan sa tanang buhay niya. Halos kasi mapurol na ang utak at dila niya sa ka-aaral ng filipino language. Isabay pa ang trabaho sa opisina.

"Sir," si Hajii na pumasok. Pinatawag muli siya ng kanyang boss.

"Next week, we're going back to the Philippines, so be prepared."

"Okay.''

"Call the four ladies, sabihin mo magkita kami tomorrow," dagdag ni Yasir. May halong tagalog na ang salita nito at kahit papaano ay nabibigkas na niya ng tama. Nauunawaan niya na rin ang salitang tagalog ngunit ang mga mababaw lang. "And from now on, just talk to me in tagalog, Hajii."

"Madha (what)? Bu----"

"No more buts, kailangan speak ko tagalog fluently," si Yasir.

Napapakamot si Hajii dahil nadamay pa siya sa baliw na pagmamahal nito sa isang Pinay. Kaya naiisip ni Hajii na 'di siya tutulad sa amo lalo na nang makilala ang apat pang kaibigan ni Kathleen na mas terror pa sa dalaga.

JUST MARRIED (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon