Chapter Seventeen

283 14 0
                                    

JUST MARRIED
(MY OFW BRIDE SERIES 1)
Written by M.R.Galing

Chapter Seventeen

NAGULAT ang matanda nang dumating si Kathleen na malungkot.

"Bakit mo siya iniwan?" tanong ng matanda pagkatapos isalaysay ni Kathleen ang nangyari.

"La, alangan namang hindi. Masakit ang ginawa niya sa akin. 'Di ko gusto na pangalawa lang ako!" Paliwanag ni Kath.

"Apo, natural lang 'yan sa mga Muslim na maraming asawa, ang hindi nga Muslim marami ring asawa."

"Pero 'La, kasi----"

''Naiintindihan kita kasi babae rin ako. Pero minsan kailangan nating tanggapin ang katotohanan. Walang perpektong pag-ibig, apo. Ang mag-asawa nag-aaway 'yan, nagmumurahan. Sinusubok lagi ang pagmamahal sa isa't-isa kung hanggang saan ang pag-ibig sa puso. Kung perpekto lang ang pag-ibig eh di sana sabay namamatay ang magsing-irog para magkasama parin kahit sa kamatayan. Apo, dapat pinalipas mo muna ang galit sa puso mo bago ka nagpasyang umuwi rito. Kadalasan, mas nananaig ang galit kaysa sa pagmamahal, pero sa huli naman ay hahanaphanapin mo.'' Mahabang payo ng matanda.

''Pero 'La, masakit eh," Muli na namang umiyak si Kathleen. Ang totoo ay namiss niya agad ang asawa.

"Alam ko, kaya hahayaan kita na pahupain ang galit mo at matanggap ang pag-ibig na 'di perpekto." anang matanda.

KINAUMAGAHAN, maagang bumangon si Kath. Ka-chat niya si Ellyn na magkikita sila. Ngunit ang isa pang gusto gawin niya ay bumili ng makakain na napanaginipan pa niya.

"Maaga ka ata, saan punta mo?" tanong ng matanda.

"Bibili po ng manggang hilaw at ice cream na ube flavor."

"Ano? Halika nga rito?"

"Bakit po?"

Lumapit si Kath dito na agad hinawakan ang pulsuhan niya.

"Buntis ka?"

"H-ho? Bakit may nakalagay ba sa pulsuhan ko na positive ako m----" 'di na natapos ni Kath ang sasabihin nang maalalang 'di na pala siya dinadatnan ng buwanang dalaw.

"Naku matanda na ako, alam kong buntis ka, tama ba ako?"

"Lola, two months delayed na ako," ani Kath na naiyak na naman.

"Sabi pa eh! Kaya pala padalos-dalos ka kung magdesisyon kasi ang mga buntis ay masyadong sensitibo. Oh, paano 'yan ngayon, iniwan mo ang ama niyan?"

Napaupo si Kathleen dahil sa problema na naman niyang kahaharapin. Paano na siya ngayon? Alangan namang bumalik siya sa Saudi, eh last na pag-uusap nila ni Yasir ay galit din ito.

"Hay bata ka, nandiyan na 'yan, ano pa ba magagawa natin?"

"Lola!" Napayakap si Kath sa kanyang lola.

SAUDI ARABIA

"Ma hatha (what is this)?" tanong ni Kasir sa anak na si Yasir sa inilapag nito sa mesa na mga documents.

"Hotel shares," sagot ni Yasir.

"W-what?'' tanong ni Rouqaya na katabi ni Kasir.

"I'll go back to Philippines," ani Yasir.

"What?" sabay na nabigla ang mag-asawa.

"My heart belongs there. She's my life, my happiness, my everything. I tried to move on, to forget her in my heart but I was failed. Every night, I can't sleep, every morning, I always whispering her name. Tell me baba, omi, do I need to continue this kind of life?" Yasir said with a tears in his eyes.

JUST MARRIED (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon