Chapter Eighteen

295 15 0
                                    

JUST MARRIED
(MY OFW BRIDE SERIES 1)
Written by M.R. Galing

Chapter Eighteen

NAKABILI si Yasir ng kompanyang papalugi na at pina-renovate niya para gawing hotel, pagkalipas ng anim na buwan ay isa na itong hotel na pinangalanang 'MANILA ASIAN HOTEL'.

"Bilisan mo, Mare!" ani Kathleen sa kaibigan sa phone na si Ellyn. Ito kasi ang papalutuin niya sa pagkain ni Yasir na dadalhan niya sa office nito.

"Oh bakit saan ka pupunta? Ang laki pa ng tiyan mo tapos alis ka pa ng alis!" Puna ng matanda kay Kathleen.

"Kasi susurprisahin ko si Yas, gabi na lang kasi kami nagkikita kaya ako na lang lagi ang pupunta sa kanya."

"Sus, ang sabihin mo takot ka lang mapalitan ng asawa mo," tudyo ng matanda.

"Aba siyempre po, hindi na ako papayag na may pang third wife pa," tugon ni Kath. Alam niya kasi ang mga arabo ay mahilig sa mga sexy na babae at siya ay hindi na dahil malaki na ang tiyan. Kahit pa nagtitiwala siya sa asawa ay dapat 'di pa rin maging kampante, baka malingat lang siya ay may iba na itong pinaparausan. Wala pa naman siya kalaban-laban dahil buntis na siya at 'di na sila nagsesex dahil pagod na si Yasir 'pag nauwi at takot na maabot ang baby sa tiyan sa haba ng kargada nito. Gwapo at mayaman pa naman asawa niya kaya marami pang magkakagusto rito.

"MAGANDA pa rin ba ako, Mare?" tanong ni Kath na nasa elevator na sila ni Ellyn.

"Ano ka ba siyempre! Ito talaga paulit-ulit?" natatawa si Ellyn sa kakulitan ng kaibigan niya. Kanina pa ito panay tanong nang lulan pa sila sa kotse.

"Eh gwapo ang asawa ko, nakakahiya naman kung ang asawa niya ay lumaki ang ilong at tiyan."

"Natural buntis! At isa pa 'di ka naman dapat mabahala eh mahal ka naman ni, Yasir."

"Alam ko 'yan, kaya lang 'di ko na siya napapasaya sa gabi.''

Natawa na lang si Ellyn sa kaibigan niyang naging super duper conscious na sa sarili.

Nang bumukas ang elevator ay naglakad na ang dalawa patungo sa office ni Yasir.

"Good noon, ma'am!'' bati ng mga hotel personnel kay Kath 'pag nakakasalubong.

"Good noon!" sagot ni Kath sa mga ito at sakto naman na kalalabas lang ni Hajii sa office ni Yasir.

"Ma'am Kath! Ikaw pala," si Hajii.

"Si, Yas?"

"Nasa loob ma'am," tugon ni Hajii na marunong na rin magtagalog.

"Dito lang ako Mare sa labas," ani Ellyn.

Tumango naman si Kathleen at binuksan ang pinto.

"Sir, ang gwapo mo talaga!"

Napakuyom ng kamay si Kathleen nang marinig at makita niya ang babaeng maikli ang suot na skirt na isang mali lang ng upo ay makikita ang perlas nito. Naka-sleeveless lang din na blouse ang katerno at nasa harap pa ng table ni Yasir, ang kanyang asawa.

"Salamat Ms. Bagaoana. You can back to your work on------"

"Gwapo nga asawa ko at alam niya 'yan! Kailangan pa bang sabihin mo sa asawa ko?'' inis na sabat agad ni Kathleen kaya naputol ang sasabihin sana ni Yasir.

"Hi mahal!" Napatayo agad si Yasir at nilapitan ang asawa sabay halik sa labi.

"Sino siya?" tanong ni Kath na dinalaw ng panibugho.

"My new secretary. Nagresign na kasi si Mrs. Natividad dahil nagkasakit ito," sagot ni Yasir nang makaalis na ang kanyang secretary.

"I don't like her! Flirt ang babaeng 'yon!"

JUST MARRIED (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon