Chapter Nineteen

309 16 1
                                    

JUST MARRIED
(MY OFW BRIDE SERIES 1)
Written by M.R.Galing

Chapter Nineteen

HELLO mahal," sagot ni Yasir sa kanyang phone. Kararating lang niya sa hotel.

"Yas, manganganak na ako!'' ani Kath sa kabilang linya.

"Ha? Sige pupuntahan kita diyan!"

"Huwag na, deritso ka na lang sa hospital. Ahhhhh!" daing ni Kath.

"Oh noh! Bilisan mo na diyan, magpahatid na kayo sa----"

Napamura si Yasir nang mawala na sa linya ang asawa kaya nagmadaling umalis papuntang hospital.

"HELLO good morning nurses! May dinala ba ritong manganganak ngayon lang?" tanong ni Yasir pagkarating sa hospital sa nurse station.

"Yes po Sir, buti dumating kayo kasi walang kasama ang misis mo. Sumunod kayo sa'kin Sir," sabi ng nurse.

Kinakabahang sumunod dito si Yasir. Nagtataka siya bakit hinayaang mag-isa lang ang kanyang asawa ng mga tao sa bahay nila.

Kinabahan si Yasir lalo nang nagkakagulo ang nurses sa may labor room.

"Nurse Mitch, ano nangyayari? Narito na ang mister ng manganganak," ani ng nurse na nagsama kay Yasir.

Tinawag ng nurse ang doctor sa loob at lumabas ito.

"Ikaw ba ang asawa?" tanong ng doctor kay Yasir.

"Yes, what happened to my wife and my son? "

May kinuha ang doctor na papel, "Pirmahan mo 'yan. Mamili ka sa dalawa, buhay ng iyong asawa o ang bata?"

"What? Are you asking me damn questions? Wala akong pipiliin sa kanila! Iligtas niyo sila!'' galit na saad ni Yasir. Pakiramdam niya hinihiwa ang puso at unti-unting nanghihina ang kanyang katawan. Hindi niya kakayanin na isa man sa mahal niya ay mawala.

"I'm sorry, pero isa lang ang pipiliin mong magsurvive, pero gagawin ko parin ang aking makakaya. Please mamili ka na. We're running out of time!"

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ni Yasir ang ballpen. Kasabay nang pagkilos nito ay luhang mabilis na pumatak sa kanyang mga mata.

"Thank you and just pray," ani ng doctor at mabilis na pumasok ulit sa loob ng panganakan.

Nasuntok ni Yasir ang wall ng hospital. Hindi niya alintana ang sakit at kirot sa dumugo niyang kamao. Humahagulhol na napasandal siya pader.

"I'm sorry my son, I'm sorry for not choosing you. Mahal kita kahit 'di pa kita nakikita but i need to decide kung sino ang kailangan e-prioritize na maligtas. It's my fault! It's really my fault!" Walang tigil na pagtangis ni Yasir sa sobrang sakit na nangyayari sa kanya ngayon. Alam niyang maaring magalit sa kanya ang asawa 'pag malaman nito na ang bata ang 'di niya pinili, pero mas pinili niya ang nararapat. Naisip niyang siya ang may kasalanan dahil hinahayaan niya si Kath na angkinin niya ito kahit manganganak na.

Pagkalipas ng isang oras ay lumabas na ang nurse na may dalang puting tela na nakabalot sa sanggol na namatay. May luha sa mata na nilapitan niya ito.

"We're sorry Sir for your child, and congrats po dahil ligtas ang iyong asawa," sabi ng nurse na nalungkot din.

Hindi makapagsalita si Yasir, tanging iyak lang ang naging tugon niya. Sumunod siya sa morge. Hindi niya magawang tingnan ang bata dahil pakiramdam niya nauupos ang puso niya.

"Baby ko! Baby ko! I'm so sorry! Bakit 'di ka kumapit? Mahal kita anak ko, I want to show you how much I love you! Aalagaan pa kita, alam mo ba 'yon? Hindi pa ako naging isang mabuting ama, ngayon lang sana pero nawala ka na! Paano ko ito sasabihin sa mommy mo? Paano niya matatanggap na wala ka na! Leaving us is like a forbidden hell! Baby!" sigaw niya at niyakap ang puting tela na nakabalot sa sanggol. Ang sakit na nararamdaman niya ay wala ng makakapantay pa.

JUST MARRIED (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon