*********************
"Practice lang hehe" dugtong ni Marc sa sinabi nya dahil siguro nakita nya ang gulat sa mukha ko.
Anong misis sinasabi nya? masyado ba syang excited na mapang asawa ako?
Hello! wala akong sinabing pumapayag ako sa arrange marriage namin.
"Hubby!" I acted like a loving wife waiting for his husband. "Practice lang din." dugtong ko.
Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko dahil hindi sya nagsasalita at nakatingin lang sakin.
I waved my hand in the air para matauhan sya. Effective naman yon at nabalik sya sa katinuan.
"Magbihis ka na!magbibiro ka ng misis misis jan tapos pag ako rumebat matutulala ka sa ganda ko." sabi ko sa kanya at bahagyang natawa.
Natawa sya at naglakad papunta sa harap ng kwarto nya.
"Bagay kasi sayo." sabi nya sakin bago pumasok ng kwarto nya.
Umayos ako ng umupo at nagpaypay gamit ang kamay ko. Im trying to inhale some air!
"Saan ba tayo kakain?" tanong sakin ni Marc pagkapasok namin ng mall.
Nakasuot sya ng gray na shorts at black na poloshirt,nakabukas ang butones non kaya naeexpose ng onti ang dibdib nya. He parterned it with his black sandals for men.
Mukha syang model ng poloshirt. Ang gwapo nya.
Pagtapos kong pasadahan ng tingin ang suot nya, tumingin tingin ako sa paligid dahil baka mamaya may mga school mate kaming nandito, baka machismis pa kami pag nakita kaming magkasama.
"Greenwhich na lang." sagot ko sa kanya at tinungo nanaman ang daan papunta don.
Kumain lang kami saglit at pumunta munang national bookstore para bumili ng school supplies.
Kung ano ang damputin ko ay yun din ang kinukuha ni Marc para bilhin.
"Gaya gaya ka ba?" tanong ko sa kanya dahil pagkakuha ko ng set ng stabilo ay kumuha rin sya.
"Magkaklase naman tayo kaya I think parehas tayo ng gagamitin at gagawin sa school." sagot nya sakin at kumuha sya ng set ng color pen.
"And, it's my first time to by my own school supplies, si Mommy kasi lagi bumibili o kaya si Ate Marj, kaya I dont know what to pick." pagpapaliwanag pa nya.
"You're turning 18 na tapos sila parin ang bumibili ng mga gagamitin mo?" tanong ko ng may halong pang aasar.
Nainis ata sya sa tanong ko dahil nakita kong umirap sya sakin.
Baklang to.
"Excuse me? lagi nila akong nauunahan. Isang beses bumili ako noon ng 8 pieces na notebook. gusto ko yung plain lang. pero pag uwi ko naibili na nila ko ng kumpletong gamit. tapos pucha may design pang spiderman. May mga pangalan ko na rin at subject. grade 6 na ako non at ambaduy!" sabi nya sakin at naiinis.
Natawa na lang ako sa kinwento nya at tinapos na namin ang pamimili para makapaggrocery na.
Pagpasok namin sa supermarket, napapatingin ang mga tao samin. And some of them mouthing 'ang astig ng buhok'.
YOU ARE READING
DNJABBIT SERIES #1 (Aiana Dixon)
RandomAiana Dixon, a pig changed into a hot chick. She guarded her heart because of her past, until Marc Felix came to trespass.