Chapter 6

12 0 0
                                    

                          **************

"But Im not telling this to you para magkaroon ka ng pag asang babalikan ka nya." Dugtong ni Raven sa sinabi nya.





Tikom parin ang bibig ko, di ko alam ang sasabihin ko matapos nyang sabihing break na si Brace at Ciela.




Bakit kaya sila naghiwalay?




Last friday, todo landian sila sa harap ko, I mean sa loob ng classroom kung nasan ako.





"Bakit daw?" curious kong tanong kay Raven.






"Walang ibang nakakaalam, basta maraming nakapansin na wala na yung relationship status ni Brace sa Fb, wala na rin yung name ni Ciela sa bio nya pati yung pic nila together sa featured photo nya. Bakit ka ba curious?" pageexplain nya sakin at tinaasan ako ng kilay ng matapos.




"Wala." I answered her to cut the hell topic.



Nagkaroon ng flag ceremony bago magsimula ang klase. Maayos kaming nakapila at nahagip pa ng mata ko si Marc na nakikipagusap kay Grae sa bandang dulo ng pila.




Nangangawit na ang binti ko pero di pa kami agad pinabalik sa classroom.
Naunang pinapasok ang mga grade 11.





Maya't maya ay umakyat sa stage si Mrs. Divina Kettler, the school principal. Xammy's Mom.




Nandoon pala sya para magspeech ng kaunti tungkol sa mga kailangan naming gawin para umabot kami sa graduation.




Marami pa kaming pagdadaanan bago grumaduate, hindi basta bastang nagpapagraduate ng istudyante ang Kettler Academy.





Tahimik lang kaming nakikinig sa mga sinasabi nya at nararamdaman ko parin ang pangangawit ng binti ko kaya nakahinga ako ng maluwag ng magpalakpakan ang mga istudyante, hudyat na tapos na si Mrs. Kettler sa pagsasalita kaya makakabalik na kami sa room.





Nang makabalik sa kanya kanyang silid, hinagilap agad ng mata ko ang presensya ni Brace pero wala sya sa upuang nasa harapan na inuupuan nila ni Ciela last orientation week.




Luminga linga ako sa kabilang hanay ng upuan  pero wala sya, kaya tumingin ako sa bandang likod.






Nagulat ako ng makitang nakaupo sya sa hilera ng upuan na isang hilera lang ang pagitan sa inuupuan ko, katabi nya sila Kyle,Grae,at Lucas.





Nagsama sama pa ang mga ogag.





Agad kong inalis ang tingin ko sa kanila bago pa nila kong mahuling tinitigna sila.





Pagharap ko ay napatingin ako sa pintuan nang sabay na pumasok si Ciela at Marc.





I have no words to say. Wala dapat akong pakielam at ayokong magmukhang may pakielam.





Hours had passed at lunch break na, 2 hours na lang at lilisanin ko na ang eskwelahang ito. I feel better thinking about it.





Nasa tabi ko si Raven at hinihintay naming dumating sila Akira dahil usapan naming dito sila maglalunch sa classroom namin.




Maya maya naman ay dumating na ang malalantod na malaaso ang ngiting pumasok sa room. Dala dala nila ang lunch namin ni Raven dahil nagpasabay lang kami sa pagbili. Tinatamad akong pumuntang canteen dahil sa eksena namin ni Ciela noong friday.





DNJABBIT SERIES #1 (Aiana Dixon)Where stories live. Discover now