****************
"Leaders, you have the power to decide of what grade will you give to your members. Yes. kayo ang magbibigay ng grades nila and ibibigay ko ang criteria for gradings pag nagstart na tayo sa mga ipapagawa ko. Ganon din sa entreprenuer nyo. Kaya members, please be cooperative. Wag kayong maging pabuhat sa leader sa ninyo." yun ang huling sinabi ni Mrs. Delacruz bago lumabas ng classroom.
Napasapo ako sa mukha ko ng marealize ulit kung sino ang mga kagrupo ko.
Lumingon ako sa mga row ng upuan sa likod ko para pasadahan ng tingin kung sino sino sila.
Kyle,Lucas,Grae,Brace,Rachel,Dennis,Jarwin,Jhay,Lloyd,Rona at Lea.
Mabuti na lang may mga kagrupo pala akong matitino at masisipag, hindi ako ganon kalugi. Ang inaalala ko lang ay makakasama ko ang apat na lalaking sumira ng grade 11 life ko last year.
"Hi leader" napalingon ako kay Marc ng kinalabit nya ako sa kilikili.
Binigyan nya ako ng mapang asar na ngiti at sinuklian ko naman yon ng irap.
"Leche Arg! naiinis ako." inis na sabi ko kay Marc at sinunod na lang ang sinabi ni Ma'am na ilista sa papel ang pangalan ng mga members.
Pagkatapos ay inabot ko yon sa leader ng group 1 para sila na lang ang magpasa kay Ma'am.
Lumingon ako kay Raven at parang wala lang sa kanya kung sino mang maging kagrupo nya. Go with the flow lang naman kasi ang gagang yan. Mag aaral yan kahit sino pa ang kasama.
Kausap nya si Jane na katabi nya sa upuan kaya di nya ako matingnan para makausap.
Kinabukasan, ginawa ko lang ang morning routine ko bago pumasok sa school. Ako parin ang nauunang umalis ng unit dahil di kami sabay ni Marc pumasok.
Saktong 7 am ng makarating ako sa room namin pero wala pa ang teacher namin for 1st subject.
Maya maya lang, dumating na si Marc at kasabay si... Ciela.
Pangalawang beses na nilang pumasok ng magkasabay ah? hindi ba yon nakakabastos kay Brace? kakabreak lang nila pero may nakakasama ng ibang lalaki si Ciela?
Ano bang pakielam ko? pinagsabay nya nga kami ni Ciela eh. Niloko nila akong dalawa.
Umupo si Marc sa tabi ko at hindi ko manlang sya nilingon para kausapin. Ewan ko ba pero may irita akong nararamdaman nung pumasok syang kasama si Ciela.
Hindi ko malaman kung anong ibigsabihin ng iritasyong nararamdaman ko. Basta naiirita ako.
Lunch break, inaya ko si Raven na sa likod kami ng building kumain dahil nakakarelax don, wala din namang ibang istudyanteng tumatambay.
"Bakit naisipan mo dito?" tanong ni Raven sakin habang kumakain kami ng burger.
Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago sya sagutin.
"Bakit bawal ba?" pataray kong sagot sa kanya.
Alam nyang dito ako dinala ni Marc noon para dito ako umiyak. Pero di nya alam kung anong ginawa namin dito.
YOU ARE READING
DNJABBIT SERIES #1 (Aiana Dixon)
CasualeAiana Dixon, a pig changed into a hot chick. She guarded her heart because of her past, until Marc Felix came to trespass.