************
Okay. Yun lang ang sinabi nya.
Pumasok sya sa kwarto nya at padabog na isinara ang pinto.
He's acting so weird! and his weirdness is pissing me off!
Hinayaan kong tumulo ang luha ko habang nagsisimulang ligpitin at hugasan ang pinagkainan namin.
Nagsisisi na akong pumayag sa kagustuhan nila Mommy'ng tumira ako dito kasama sya!
I thought we're good.
Naisip ko kung ano pa bang sinabi sa kanya ni Ciela para kausapin ng ganon.
Sigurado akong ako talaga ang sinisisi nya sa paghihiwalay nila ni Brace, at mas sigurado akong hindi nya sinabi kay Marc ang panlolokong ginawa nila sakin.
She's acting clean at parang walang ginawang kalokohan sakin.
Kinulong ko ang sarili ko sa kwarto. Nilulunod ko ang sarili ko sa pagiyak. Pagiyak dahil sa galit at sakit. Galit dahil sa mga binitawang salita sakin ni Marc. At sakit dahil hindi nya inalam muna ang nararamdaman ko, ang nakaraan ko kay Brace at ang dahilan ng pagiyak ko. Gusto ko syang saktan para mabawasan yung sakit na nararamdaman ko mailabas ang galit ko sa kanya.
Gusto kong sabihin sa kanya kung ano mang namagitan samin ni Brace noon, pero pinigil ko ang sarili ko. Ayokong magmukhang kumukuha ng simpatya nya. Ayokong gumaya kay Ciela na nagdrama pa sa kanya.
Sumuko na ang mata ko sa pagiyak at natulog na lang. Nananalangin pa akong mawala lahat ng nararamdaman ko paggising ko.
Lumipas ang araw at biyernes nanaman.
Sunod sunod ang pagpasok ng ibat ibang istudyante sa classroom namin para alukin kaming sumali sa mga clubs nila.
Wala naman akong hilig sa pagsali kaya nanatili lang akong tahimik sa upuan ko habang nagsusulat ng concept notes.
Noong grupo na ng mga kalalakihan ang pumasok para magpalista ng gustong magtry out for basketball, nagsimula na sa pagpapabebe ang mga kaklase kong babae. Si Marc naman ay di nagdalawang isip na tumayo para ilista ang pangalan nya.
Umuupo parin siya sa tabi ko, pero para kaming hindi magkakilala dahil hindi manlang namin kinakausap ang isa't isa.
Sa tuwing nagtatama ang balat namin pag kumikilos ang isa samin ay parang nagugulat ang mga cells ko.
Ayoko syang kausapin, hindi ko naman kailangan ng atensyon at simpatya nya. I've been carrying this baggage in my heart for almost 3 months. Mawawala din to sa paglipas ng panahon.
Hindi nya rin ako kinakausap, but it's okay. Mas mabuti na yon para maubos ang tsansang magkaron kami ng feelings sa isa't isa.
Isang linggo palang kaming magkasama sa isang bahay, pero di ko maitatangging naaapektuhan ako sa ilagan namin.
Si Ciela ay hindi na ako muling kinausap,pero sa tuwing tumatama ang tingin nya sakin ay parang papatayin nya ako sa titig. Di ako nagpapatalo sa tingin nya, pero bandang huli sya rin ang susuko para ibaling ang tingin sa tabi ko at sa likod ko, kung nasan si Brace.
YOU ARE READING
DNJABBIT SERIES #1 (Aiana Dixon)
RandomAiana Dixon, a pig changed into a hot chick. She guarded her heart because of her past, until Marc Felix came to trespass.