" What do you mean?. " naguguluhang tanong ko sakanya, pero kinuha niya lang ang dalawang kamay ko at hinalikan iyon at inamoy.
" It's just that I can't decide on my own baby." he said to me, bakas ang pag-aalala niya sa mukha niya kaya kumunot ang noo ko.
Dahil naguguluhan ako hindi ko na tinanong kung ano iyon, mukhang ayaw niya din pagusapan, kaya yinakap ko na lang siya at hinimas ang likod niya, rinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya at buntong hininga niya kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko.
" You eat street food? ." tanong niya at tumingin saakin, ihahatid na niya ako sa bahay.
" Yeah always ." kung napapadaan kami ng session or assumption after class palagi kaming kumakain.
" May nakita akong nagtitinda sa labas ng subdivision niyo kagabi, you want to eat some? ." napangiti ko kaagad at tumango, natawa siya at pinisil ang pisngi ko ng matindi pero nakatingin siya sa harapan habang nagmamaneho.
" Mashaket !." tinampal ko ang kamay niya kaya binalik na ulit niya ang kamay niya sa manobela, nang nasa entrance kami ng subdivision, totoo nga ang sinabi niya dahil may nagbebenta doon, medyo maaga pa naman, 9:00 pa lang, pinark niya ang sasakyan sa gilid at sabay kaming lumabas, agad kong iginala ang paningin ko sa mga nakahilerang street foods doon.
" What do you want?." tanong niya sakin at hinimas ang bewang ko, tinignan ko ulit ang mga nandun at merong isaw at betamax.
" Kuya limang isaw at betamax." sabi ko sa nagtitinda at nginitian naman niya ako at iniihaw na ang order ko, napatingin ako kay Mav dahil natawa siya.
" Takaw ng baby ko." natatawa niyang sabi at sinundot ang ilong ko kaya natawa din ako.
" Ikaw ano gusto mo?." tanong ko sakanya at ngumiti.
" Ikaw ." sabi niya at ngumisi pero sinabi niya kay manong na ganun din ang order niya katulad ng akin.
" Hindi naman ako pagkain." angal ko.
" Natikman ko na yang labi mo kaya huwag mo sabihing hindi ka pagkain ."
" Labi lang naman eh." pangaasar ko sakanya pero mas lalo siyang ngumisi at mas hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko at mas inilapit sakanya at bumulong sakin.
YOU ARE READING
LOVE IN A PHOTOGRAPH
RomanceA love that were captured a thousand times turned into photographs and buried on the past, the love of Sariane and Maverick is like a one shot, to make new memories you need to take another but they have arrive on time where they have to stop clicki...