Inoff niya na ang tawag, nakita kong patingin na siya banda dito sa veranda ng kwarto namin kaya agad akong bumalik sa kwarto para makatulog na, kinabukasan maaga kaming nag breakfast at bumalik sa kwarto para makapagpalit ng pang swimming, mag babanana boat kasi kami ngayon.
" Ria! san yung swimsuit na regalo ko sayo ?." tanong ni Sandra sa akin habang naglalakad kami sa hallway papunta sa mga kwarto namin, kaya napangiwi ako.
" Ayaw ipasuot ni Mav sa akin hehe." napanguso siya at pumasok na sa kwarto nila.
Yung tatlong kasama ko sa kwarto kanina pa nakapagpalit dahil excited na excited kaya naiwan ako dito na magpapalit mag-isa
Nagsuot ako ng black one piece swimsuit at nakatali iyon sa leeg at backless sa likod, nagsuot ako ng denim short at white kimono, nag tsinelas lang ako at sinuot ang shades ko, hindi ko na dinala ang camera dahil bahala na daw ang mga magaasikaso sa amin mamaya para mag take ng picture, sinusuklay ko ang buhok ko nang may kumatok sa pintuan, kaya binaba ko ang suklay ko sa kama at pumunta sa pintuan at buksan iyon.
" Hey ." bungad sa akin Mav, parehong nakasandal ang mga palad niya sa pintuan, sinuyod niya ang kabuuan ko para makita kung ano ang mali sa suot ko.
" Hindi ako naka two piece, babyyy ." pangaasar ko sakanya tyaka umirap, naglakas na ako paalis at tatawa tawa siyang humabol para makasabay sa akin.
Pagkarating namin sa dalampasigan nakahanda na doon ang banana boat at yung iba nagsusuot na ng life vest kaya may lumapit sa amin para suotan kami.
" Ma'am life vest po ." lumapit sa akin ang mga nagsesetup doon at tutulungan akong magsuot ng life vest.
" Ako na ." sabi ni Mav at nginitian iyong lalake tyaka siya lumingon sa akin ng seryoso, umirap ako, hinubad ko ang shorts at kimono ko at ilagay iyon sa pinakamalapit na beach lounge chair nilapag ko din ang shades ko doon at naglakad ulit palapit sakanya.
" Oh bakit ka nakatunganga? dali na suot na excited na ko ." nakatitig siyang lumapit sa akin para isuot iyon, at talagang sinikap niyang medyo higpitan iyon, pagkatapos niyang isecure iyon tumakbo ako papunta sa banana boat dahil sumasakay na sila, umupo si Mav sa harapan ko, rinent namin iyong pinakamalaking banana boat dahil marami kami.
" Alexa wag kang kumapit saken! may hawakan kingina! ." sigaw ni Joy
" Ahh!!! Teka lang kase !." halos tumili na si Alexa.
" Hindi pa masyadong mabilis--- Oh my god !." tumitili na kaming lahat nang bumilis na ang takbo at nakikipaglabanan sa malilit na alon.
" Ay putek madudulas na upo ko dito !." reklamo ni Mike kaya tawang tawa kami.
Umikot ang speed boat kaya umikot din ang banana boat na sinasakyan namin, nagrereklamo na ang iba sa likod dahil sila ang mas delekado kapag umiikot
YOU ARE READING
LOVE IN A PHOTOGRAPH
RomanceA love that were captured a thousand times turned into photographs and buried on the past, the love of Sariane and Maverick is like a one shot, to make new memories you need to take another but they have arrive on time where they have to stop clicki...