" Siz oh steak, kain ka pa ." pambabasag ni Alexa sa katahimikan.
" Thanks ." kumuha pa ko ng unting kanin at nagsimula ulit kumain, hahawakan sana ni Mav ang hita ko pero sinagi ko iyon ng marahan upang di mahalata ng iba.
" Aray!." biglang daing ni Mike, kaya napatingin kami sa kanya, hinimas himas niya ang braso habang nakatingin kay Joy na deadma lang at kumakain, natawa ang iba pero ako napailing iling na lang.
Tahimik kaming kumain hanggang sa matapos, nagsimula na lang magingay noong nagbalak silang mag arcade, panay ang subok ni Mav na hawakan ako pero umiiwas ako at sumasama kanila Joy.
Nang uuwi na pinipigilan kong alalahanin ang sinabi ni Mike kanina pero sa tuwing napapatingin ako sa gawi niya hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano ano, iniiwasan kang pumutok ang kalungkutan na nararamdaman ko, pinipilit kong intindihin na baka nahirapan lang siyang sabihin sa akin, pero iniisip ko din naman na kailan niya pa balak sabihin? kung kailan malapit na siyang aalis?.
" See you next week siz ." paalam ni Joy sa akin nang nasa tapat na kami ng sasakyan ni Mav, sa kabila pa kasi ng hallway nakapark ang sasakyan ni Mike.
" See you ." ngumiti ako sa kanya at bumeso, ngumiti siya sa akin ng malungkot at tumingin ng seryoso kay Mav, nang nakaalis na sila dumeretso ako sa sasakyan ni Mav at tahimik lang siyang sumakay, pero ilang segundo na ang lumipas hindi pa niya iniistart ng sasakyan kaya napatingin na ako sa kanya.
"Start the car ." malamig kong sabi sa kanya pero tumitig lang siya sa akin ng nag-aalala.
" Let's talk ." sabi niya at umiwas ako ng tingin at umupo ulit ng maayos.
" Take me home ." matigas kong sabi .
" No let's talk baby please --- ."
" Take me home then let's talk ." walang pasensya kong sabi sa kanya, kaya wala siyang nagawa kundi istart ang sasakyan.
Sinandal ko ang siko ko sa bintana at tumingin sa labas, panay ang kagat ko sa kuko upang pigilan ang pagluha ko, sumisikip na ang dibdib ko kakaisip sa nalaman ko, iniisip ko pa lang na ilang buwan na lang bago siya aalis hindi ko na mapigilan na maiyak, sinusubukan kong intindihin na baka biglaan lang, o kaya naghahanap siya ng tyempo para sabihin sa akin, pero kailan pa? ngayon na nalaman ko pa sa iba bumubugso na ang galit sa loob ko.
Ano nang mangyayari sa amin ngayong magkakahiwalay kami? alam kong mahirap ang long distance relationship lalo pa't marami akong kilala na hindi nagtagal
It's hard to accept that you will be left alone by the one you love and It's scary to live with reality that you don't know when will he come back
Nang makapark ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin, kinuha ko na ang gamit ko at lumabas ng sasakyan pero nagmadali siyang lumabas at bago ko pa mahawakan ang gate nahigit na niya ang dalawa kong braso pero kumawala ako sa hawak niya.
YOU ARE READING
LOVE IN A PHOTOGRAPH
RomansaA love that were captured a thousand times turned into photographs and buried on the past, the love of Sariane and Maverick is like a one shot, to make new memories you need to take another but they have arrive on time where they have to stop clicki...